“Geng, galingan mo huh balita ko ang auto boyfie mo nag participate na maging judges sa competition,"si Nisha.
Ang sabi niya kasama siya sa competition.
“Gagi, nakalimutan mo ba na business ang course nya. Licensed Civil Engineer siya kaya pinahintulutan siyang maging judges sa competition,”kwento pa ni Nisha.
Ang daming pakulo ng Goyong Caloy na yun. Nagpumilit pang sumilip sa obra ko at siya pa ang pumili sa design na ipapasa ko. Minsan nakakainis ang pagiging pakialamiro niya. Ako ang huling magsusumiti ng designs. Kapag nakikita kong hindi pweding lamangan ang design ng ibaba sa normal design yun ang ipapasa ko.
Sa next level o sa next competition ko ilalaban ang mga luxurious design ko. Ako ang masusunod Goyong at hindi ikaw. Hindi ko kailangan na magpa-impress kaagad dahil unang taon ko palang ngayon.
Sa araw ng competition excited na ang lahat. Galit na galit na nakatingin si Yvonne sa'kin. Ano ba ang problema niya? Sabi niya nerd ako walang classy pero bakit death rate ako sa paningin niya.
Nakaupo na silang lahat at handa ng tawagin ang mga kalahok. Syempre humble tayo para hindi nila mahalata na may ibubuga pala ang isang Della Torres.
Sunod-sunod na ang payabangan ng mga contestants.
“You know if I were you I would just go home. You have nothing against that contest,”sabi ni kontrabida de mayora.
Sabes que si estoy contigo estaré tranquilo. Tampoco tienes tu propio trabajo para mostrar en ese concurso.(alam mo kung ako sa'yo mananahimik nalang ako. wala ka rin namang sariling obra na maipapakita sa contest na yan.)
“You're son of a b*tch,”sigaw niya.
“You're daughter of the w*tch,” ganti ko.
Huwag mo akong simulan dahil itinago ko lang ang sungay ko. Kapag ito ay nakalabas na tiyak mahihirapan Kang ibalik sa dati nitong kinalagyan.
“Adrinna Gracey Herrera Della Torres it's turn to represent your presentation,"tawag ng host.
“Geng, kaya yan ajaaaaahhhh!”sigaw ni Janisha.
Maayos kung inilahad ang aking presentation bawat detalye ay ini-explaine ko sa kanila. Pati calculation ng materials at kabuuan ng foundation ay ibinigay ko na. Mahirap na baka sabihin nilang nangungupya lang ako ng obra.
Nakatanggap naman ako ng masigabong palakpakan mula sa mga mag-aaral sa university. Tudo irap naman ang aking frenemy lalo na ng abutan ako ng bulaklak ng kanyang crush. Ang sama ng tingin ni Goyong dahil nakatanggap ako ng bulaklak. Problema ng dalawang ito sa akin? Bakit hindi nalang sila ang magsama? Mukhang compatible naman silang dalawa.
Pasok ako sa next level kaya tuwang-tuwa si Nisha halatang with wings ang gamit dahil kung makatalon ay wagas. “Beshyyyy ilibre mo ako mamaya dahil pasok pa sa next level,”request ni Nisha.
Anong koneksyon sa next level dyan sa tiyan mo? “Food supply beshhh”
Kailan naging bodega ng ayuda iyang tiyan mo neng?
“Ang pangit mong ka bonding Geng nakakainis ka,”himutok niya.
“Arrogance! She just entered the next level and thought she had won,”maarteng sabi ni Yvonne.
“Sa obra ng beshy ko huwag kang maakit,
Para ang iyong kaluluwa huwag magkasakit.
Sa amin huwag kang dumikit,
Di ka naman siguro malagkit.
Utak mo kinulang sa ukit,
Kaya kapag inggit pikit...hahahaha,”
Hahahaha! natawa ako dahil inartihan din ni Nisha ang pagkasabi.
“Hahahaha!” humahalakhak din si Goyong sa sinabi ni Nisha. Nasa likuran na pala namin siya.
“Ang galing mo Nisha, natulala ang kaklase mo mukhang tinamaan ng orasyon mo,”sabi pa ni Goyong.
“Tara na libre ko kayo ng lunch,"Aya ni Goyong.
“Yeheyyyy makakalibre kami,”si Nisha. Hinawakan ako ni Gian sa kamay habang naglalakad.
Pakibitiwan mo po ang kamay ko.
“Huwag kang maingay, hahawakan kita hangga't gusto ko,”sabi pa niya.
“Bibitiwan mo rin ako kapag gusto mo,”
“Who told you that?"
“My instinct said!”
“Tell her she's wrong!”
“When you left, she's right!”
“Hahaha masisiraan na ako ng ulo sa mga palusot mo sweetie,”gian said.
Matagal ng sira ang ulo mo hindi mo lang napansin.
“Gian Carlo, pwedi sabay tayong mag-lunch?aytona naman si Ms. Universe ni Goyong. Nakatingin siya sa kamay namin ni Goyong. Visible ang sakit na nararamdaman niya.
“Okay Gail join us no problem,”goyong invite her. Pinakilala siya ng pormal sa amin ni Nisha. Masaya naman kaming nagsalu-salo sa aming pananghalian pero hindi ko talaga maiiwasan ang panaka-nakang tingin ni Gail sa akin o kahit kay Gian.
“Alam na ba ni tita Alma na may pinupormahan kana Gian Carlo?”sabi ng babae.
“Bakit kailangan kong ipaalam kay mommy Gail? Hindi na ako bata at alam ko na ang tama at mali,”sagot naman ni Gian
“Magugustuhan kaya siya ni tita Alma,”sabi ng epal.
“Alam mo ate kumain ka nalang kaya mabubusog ka pa. Wala kang mapapala sa pagiging marites mo,”singit ni Nisha.
“Di ba crew lang kayo sa coffee shop? Kung hindi lang kayo scholar ng university hindi kayo makakaapak sa lugar na ito.
“Gail!” awat ni Goyong.
“Grabeh ka naman kung makapanghusga, kami nag-aaral gamit ang utak hindi pera. Kayo porma ang pinapairal kasi walang laman ang utak. Designer ka di ba? Dapat denisenyohan mo rin sana iyang utak mo para naman nakakaproud ka. You know, we are not only a interior and exterior designer we build the best art of the house para makabuluhan naman ang pagtira ng bawat pamilya,”mahabang litanya ni Nisha.
“Kami pamilya ang pinatira sa aming desinyo. Ikaw naman kapwa ang tinitira mo. Manalamin ka huh para alam mo rin kung anong klaseng repleka ang meron ka,”dagdag pa ni Nisha.
“Eeeeeeerrrrrrrrrrrr ang sama mo Gian, harap-harapan na nila ako minamaliit wala ka man lang sinabi sa kanila. Tandaan mong makakarating ka Tita Alma ito,”histirikal na sabi ng babae sabay layas.
“Bye ate girl, Mag matured kana dahil hindi na po bagay sa'yo ang umaktong isip bata,”pahabol na sigaw ni Nisha.
Neng, ano ba bakit ka ba nang-aaway. Hindi mo dapat tinatrato ng ganun yung babae.
“Geng naman, narinig mo naman na harap-harapan niya tayong minamaliit,"depensa ni Nisha.
“Pasyensya na kayo kung masama ang inasta ni Gail sa inyo. Nagiging brat lang talaga iyon dahil nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya,”sabi ni Goyong. In short dahil mayaman nang-aalipusta.
“Bakit ayaw ninyong sabihin na kapatid ka ni Jeremy Nisha at kapatid ka ni Afzalian Gracey,”sabi ni Gian.
Para lang kumalma sila kailangan din pala namin na ipangalandakan na may kaya kami sa buhay. Na kaya naming makipagsabayan sa sosyalismo nila? C'mon Goyong Caloy! Kailangan mong tingnan ang panloob na ugali ng isang tao. Hindi iyong kailangan mong umangat kaya dapat pang display ang kakaibiganin mo o pakikisamahan mo.
Huwag kang magkamali na ipakilala ang totoo naming pagkatao sa kanya. Again I warn you malilintikan ka kapag iyon ay ginawa mo. At pwedi ba lumayo ka sa amin Gian Carlo. Sa kakasunod mo sa amin pinuputakti kami ng mga suitors mo.
“Gracey!”
I'm just stating the truth Goyong Caloy.
Pagkatapos naming kumain sa coffee shop na ang punta namin. Syempre magtatrabaho kami ni Nisha. Sumabay pa talaga sa amin ang sangguko ng Japan.
“Ang ganda naman ng lugar na ito kasing ganda mo Gracey. Pwedi kayang mag-apply dito bilang crew para maranasan ko naman ang magsilbi ng kapwa,”sabi ni Goyong.
Gusto mo naman palang magsilbi sa kapwa. Bakit hindi ka tumakbong president o di kaya'y mayor, governor, congressman and etc.
Chef Yan-yan! May bakante pa ba tayo? Mag-apply daw ang engineer ng bansa natin. “Gwapo ba yan Geng? Itabi mo nalang sa akin para ganahan naman akong magluto dito sa kusina. Dihado ang mukha chef dilikado ang lasa ng menu mo baka magkabaliktad at tumambling-tambling.
“Humanda ka sa akin sweetheart. Umandar na naman iyang kapilyahan mo,”bulong ni Goyong.
Humanda ka rin Goyong patatalasin ko na rin ang kutsilyo ko.
“Hoy, anong binubulong ninyo you dyan?”si Nisha. Pinagplanuhan namin kung saan kami mangho-hold up mamayang gabi. Gusto mo bang sumama?
“Kayo nalang dahil mas importante sa akin ang sapat na tulog,"sabi ni Nisha.
Nakakainis talaga dahil habang nakatuka ako sa counter nasa likuran ko naman si Gian na nakaupo sa tools. Bakit ba dyan ka nakaupo Goyong? Sasaluin mo ba ang utot ko?
“Hahaha go ahead Gracey, mukhang masarap sa pang-amoy ang utot mo,”pagsakay naman niya sa sinabi ko.
May gusto ka bang kainin?
“Kung mamarapatin mo ay ikaw sana ang nais na kakainin ko,”pilyo niyang sagot.
“Mukhang may magkakadevelopan na chef,"sigaw ni Nisha.
Kapag ako ay napalayas dito sa trabaho ko Goyong hindi na talaga tayo bati.
“Hindi yan, dahil mabait naman ang may-ari ng coffee shop na ito. Gusto mo pagawaan kita ng sarili mong shop?"
“Hello mom! Kumusta po?"
“Ano itong nabalitaan ko Gian na bumubuntot ka sa isang office crew at scholar lang ng eskwelahan ninyo? Nahihibang kana ba Gian Carlo Guerrero? Makikipag relasyon ka sa isang hampaslupa lamang? My God Gian isa kang tagapagmana ng mga Guerrero dapat ay sa mayayaman ka rin makikipag-relasyon,”sabi ng ina Gian.
“Mom, kung wala na po kayong ibang sasabihin ibaba ko na po ang tawag ninyo. Mag-iingat po kayo at ikamusta mo nalang ako kay daddy," paalam niya sa ina.
“I'm sorry Gracey!” Bakit ka nagsosorry kung sinadya mo naman na marinig ko ang mga sinabi ng mommy mo. “Dahil gusto kong huwag mo ng itago ang pagkatao mo para hindi kana nila mamaliitin,"sabi niya.
Lumayo ka sa akin Gian Carlo Guerrero. Hindi ko kailangan na gamitin ang kayamanan ng pamilya ko para lang ma-impress ang ina mong matapobre.
Bigyan mo ako ng peace of mind para makapag-aral at makapagtrabaho ng maayos. Kung saan ka gustong ipakasal ng mga magulang mo, iyon ang sundin mo para magkaroon ka rin ng kapayapaan.