“Beshy mukhang inlove sayo si kuya Gian,”
Nisha said habang nakatingin kay kuya Gian na nakatayo sa counter para umorder ng aming lunch. Siya na kasi ang nag order ng pagkain namin.
Gagi ka Ning huwag mo akong idamay sa mga imahinasyon mo nakakahiya. Huwag mo akong ireto sa mga matatanda. Maraming kabit ang mga katulad niyan.
“Napaka judgemental mo Ging para kang tanga. Kapag ikaw ay nainlove sa isang Gian Carlo Guerrero. Itataya ko ang isang milyon ko.” You're impossible!
You are a gambler crazy Aragon. “Takot ka ano?”
“Anong pinag-uusapan ninyo?”
Hindi namin namamalayan ang paglapit ni kuya Gian. Pinag-uusapan lang po namin kung saan ka pweding ibenta.
“Wala na ba akong halaga sa inyo at talagang iniisip ninyo na ibenta ako?" nagdrama pa. Nakakainis naman at sa tabi ko pa talaga umupo.
Ang dami naman po ng inorder ninyo, mauubos ba natin ang mga iyan?
“Kumain ka maramin Ling para tumaba ka naman. Ayoko ng girlfriend na payat at lamang lang ng isang inches sa kalansay.”
Nagkatinginan kami ni Nisha sa sinabi ni Gian. Para siyang baliw na ewan. Tiningnan niya kami ni Nisha dahil bigla kaming natahimik.
“What?” he asked.
“Ling is for what kuya Gian?” Nisha asked.
“Ling is short endearment for Darling.
Ang cute kasi ng tawagan ninyong dalawa sa Ning at Ging. And to tell you honestly Nisha. I like your best friend since I saw her sa wedding ng ate Natasha niya. And I wanted to court her , okay lang ba sa'yo Nisha AKA Neng.
Bunganga mo kuya Gian nakakatakot di marunong mahiya. Ganyan kaba ka straight forward? Kung ano ang nasa isip mo sinasabi mo?
“And why should I be ashamed? If that's what my mind and heart really want. Life is short so don't waste it.”
“Oh my god kinilig ako sa inyong dalawa,” naglupasay na. Kadiri ka Maria Janisha Chavez Aragon.
At ikaw kuya Gian tigilan mo iyang kabaliwan mo. Huwag mo rin akong idamay diyan sa mga kalukuhan mo. Ang tanda mo na pumapatol ka sa mga bata.
“Dont kuya me, si Janisha lang ang allow na tawagin akong kuya. I told you that I like you and that's final. Don't try me Della Torres dahil pwedi din kitang tawaging ate para bagay tayo,” nasiraan na.
“Kuya Gian sana nag-order ka rin ng popcorn. Ang sarap pala manuod ng Korean Novela live nakakaganang kumain.”
Nakakawala kayo ng gana, uuwi na ako busog na ako sa mga kalukuhan ninyo. Nang akmang tatayo na sana ako agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.
“Stay! Okay I'm sorry kung binigla kita. Kumain kana, Kung ayaw mong kumain I swear susubuan kita,” napaka demanding niya.
Bitiwan mo ang kamay ko para makain ko na ang pagkain ko. Agad kung kinain ang pagkain. Baliwala ko nalang ang panaka-naka niyang mga titig. Para na siyang adik sa paningin ko. Kung hindi lang sana siya kaibigan ni kuya Afzal at kuya Jeremy tiyak tatakbuhan ko na siya.
Agad kong natapos ang aking pagkain kaya ginawa kong busy ang aking sarili sa kakalikot ng aking cellphone. Nag-text ako kay mama na nag-report na kami sa university. Namili kami ng mga gamit namin sa bookstore's. Sabi ko nga pag-uwi nalang namin sa condo saka ko sila tatawagan ni Papa. I miss them sana magising na si Papa Marcus para hindi na malungkot si mama. Kumusta na kaya si ate Afza ko? Magiging ligtas kaya siya sa kamay ng demonyong kapatid ni mama.
“Hey! You thinking too deep kanina kapa namin tinatawag hindi ka kumikibo,” Gian said.
Oh I'm sorry ka chat ko lang si mama at kina-kamusta sila ni Papa. Na miss ko lang kaya medyo naglakbay ang utak. Teka nga lang bakit ba ako nag-explain sa baliw na 'to.
“Oh I see, na miss mo sila. Tara alis na tayo para makagala ng konti,”
Kokontra pa sana ako sa sinabi niya pero si Janisha naglupasay na sa tuwa para gumala. Pala desisyon talaga sila, parang hindi ako tao sa paningin nila nakakainis lang.
Akin na po yang iba k-ku-Gian. Agad niya akong sinamaan ng tingin kaya Gian nalang ang sinabi ko. “Goodgirl sweetie, at ako na ang magdadala nito kaya ko na," he insists.
Bahala ka nga dyan bida-bida ka eh. Nauna na akong naglakad sa kanila, alam ko naman ang daan papuntang parking.
“Hi sexy are you alone? Wanna ride with us?,” sabi ng manyak. At parking pa talaga ang pinunterya para mangbiktima. Hindi ako umimik pero na hawakan ako ng isa agad kong sinipa ang itlog niya. Don't touch your filthy hands on me moron sabi ko sa namilipit na isa. Paglingon ko sa isa ay may balisong pala itong dala.
Akmang lalapit si Gian para sakluluhan ako. Stay where you are Guerrero, sigaw ko sa kanya. Umaataki na ang g*g* kaya agad kong inilagan at sinapak ang kanyang batok. Sapol sa kahinaan niya kaya hinimatay kaagad. Namilipit parin ang isa sa sakit ng lapitan ko umiiling-iling. Mahina ako sa paningin ng lahat pero kaya kong protektahan ang aking sarili. Inapakan ko ang kanyang kamay na dumapo sa balat ko. Pinatulog ko rin para hindi niya makuha plate number namin. Maling tao ang sinalakay ninyo, goodnight f*ckers.
Take my alcohol Ning, pinakuha ko kay Janisha ang alcohol sa bag ko. Ako ang tahimik at maarte sa mga Della Torres. Agad naman niyang kinuha sa bag ko at binuhusan ng alcohol ang mga kamay ko.
“Mag-isip ka ng mabuti Kuya Gian pwedi ka pang umatras. Nakita mo naman na hindi basta-basta ang isang Adriana Gracey Della Torres,” nisha advised him.
Janisha, my decision is final I will stand for what I feel and what I've said,” Gian answered. And I rolled my eyes.
Sumakay na ako sa kotse niya at syempre sa harapan parin ako. Magbabangayan na naman kasi kami kapag sa may likuran ako umupo.
“Besh kailan ka natuto ng self defense?" Janisha asked. Since I was born, baliw Kung sagot.
“Gagi kailan nga?, pangungulit pa nya. When I was in class one kapag nakikita ko si ate Afza na nagpapraktis ginagaya ko. But no one know that I learn self defense. Ang alam nilang lahat nagbabasa lang ako ng mga libro kapag busy sila. I observed them because I know someday kailangan ko rin na depensahan ang sarili ko. And it's happened today nagamit ko nga ang natutunan ko.
Naging tahimik ang dalawa kaya nilingon ko sila. Parang mga tanga na mataman na nakikinig sa kwento ko. Okay lang kayo? Baka pweding umuwi na tayo.
“Amazing! No mentor, no coach pero natuto ka sa pagtingin-tingin lang,”
Lahat ng bagay natutunan basta isapuso mo lang at determinado kang gawin. Anong halaga ng mentor o coach kung hindi mo naman bet na matutunan ang isang bagay.
Nilibot niya kami sa mga magagandang lugar sa syudad. Mga iilang tourist spot na madalas pinupuntahan ng mga turista. Nang magdapit hapon na ay pinarada niya ang kanyang kotse malapit sa beach para sabay naming panuurin ang paglubog ng haring araw.
Si Janisha na parang bata tuwang-tuwa at nagtatakbo palayo sa amin. Ang bruha nagba-vlog na rin yata kaya nagsasalita kaharap ang kanyang cellphone.
“Your first sunset her in United Kingdom,” he said.
Yeah unang araw syempre matik na may unang sunset. Pamimilusupo kong sagot sa kanyang sinabi. Nakaupo kami sa sementadong upuan paharap sa araw na papalubog na. Nagulat ako ng pinagsalikop niya ang aming mga kamay.
Ano yang ginagawa mo?
“Malamang hino-holding hand ka,” ang tyanak nanginginsulto din.
Kuya Gian hindi kita pinayagan sa gusto mo. “Isa pang Kuya mula sa bibig mo hahalikan na talaga kita Gracey,” mautoridad niyang babala.
Bakit ba kasi kailangan mo pang hawakan ang kamay ko. Paalala ko lang sa'yo huh, hindi ako nagpunta dito para lumandi. Nandito po ako para mag-aral ng mabuti at makapagtapos.
Gusto mo ba na bumalik nalang ako ng New York para doon mag-aral? It's not too late, may panahon pa ako to blackout.
“No! Don't ever do that Adriana Gracey Della Torres,”
Then, give me peace, hindi ako makakapag-focus sa kalandian mo.
“Just let me hold your hand for a few minutes Sweetie,” he's begging.
Kaya hinayaan ko nalang muna siyang hawakan ang kamay ko. Nakapikit siya saglit at malalim na bumuntong hininga.
Bago tuluyang lumubog ang araw ay siya namang pagdilat ng kanyang mga mata. He kissed my hand and release it. Tiningnan niya ako sa mata at bahagyang ngumiti. Ang cute mo talaga kahit may nakaharang na salamin. Naging crush kita mula ng bumagsak ka sa kandungan ko noong hinabol mo si Cedrian.
Namula naman ako sa kanyang sinabi. Naalala ko rin ang araw na iyon. Kinikilig ako kapag binabalikan ko ang alaalang iyon. Sa lahat ng mga kaibigan ni kuya siya ang pinaka-gwapo sa paningin ko.
Ayokong patulan ang feelings ko para sa kanya dahil wala pa akong alam sa mga ganyang bagay. And as I said earlier nandito ako sa United Kingdom para mag-aral at hindi lumandi. Possible naman na wala siyang mga ka-flings dito. Nauna siya sa amin ni Nisha ng ilang taon at may hitsura din siya. Malamang naka-line ang mga crushes and b*tches.
Pagabi na G-gian uwi na tayo, pagyaya ko sa kanya. Naisip ko rin na kailangan pa namin ni Nisha na mag-grocery kasi wala pa kaming stock.
“I'm sure wala pa kayong groceries sa bahay ninyo," he said. Manghuhula ba siya? Wala pa eh, drop mo nalang kami sa malapit na grocery sa bahay namin.
“Sasamahan ko na rin kayo para may tagabuhat kayo ng mga pinamili ninyo,” Ayan na naman siya.
Ayon nga namili kami ng mga groceries namin. Pero ang masaklap nang bayaran na sa counter siya parin ang nagbabayad. Naiinis na ako sa pinagagawa niya, si Nisha naman ay tuwang-tuwa. Idagdag pa ang pinakauna kami ng dinner sa food court.
Mukha ba kaming pulubi na napadpad dito sa United Kingdom at nilubos mo ang pagbigay sa amin ng ayuda? Inis kung sabi sa kanya. Pati coffee maker, sandwich maker at oven kung binili siya din ang nagbayad.
“Huwag na kayong magalit sa akin, lalo kana sweetheart dahil baka magka-wrinkles ka,” sinangkot mo pa wrinkles ko sa mga kalukuhan mo Gian Carlo Guerrero. “Ang sarap naman sa pandinig ang sinabi mo sweetie. Anyway mga kapatid ninyo ang kaibigan ko kaya responsibilidad kong tulungan muna kayo ngayon. Baka kapag nalaman nilang pinabayaan ko kayo. Pagtulungan pa nila akong bugbugin.
Pagdating sa condo namin ni Nisha tulong-tulong na kami sa pagbuhat. Nakailang balik pa si Gian sa baba para kunin ang iba pang pinamili namin paakyat sa fourth floor. Una kong binuksan ang coffee maker para makapagtimpla ng kape. Baka isipin niyang mga walang utang na loob kami.
“Marami pang kulang ang bahay ninyo,” he said habang nakaupo sa sofa siguro napagod. Hayaan mo ang kulang kami na ang bahala sa susunod na mga araw. Heto kape ka muna bago ka umuwi sa bahay mo. “Ang bait ng kaibigan mo Maria Janisha pinagtatabuyan agad ako,” nagdrama pa.
H-hindi naman sa ganun, para makapagpahinga kana dahil may pasok kapa bukas sa university.
“Pwedi naman tabi tayo sa kwarto mo, hindi naman ako malikot matulog,” nakangiti niyang sagot.
Nainis ako sa sinabi niya kaya binato ko siya ng tissue box. Tatawa-tawa pa ang g*g*, salbahe talaga at ako pa ang pinagtripan.