Gian pov
Third year na ako sa aking kinuhang kurso. Dalawang taon na kaming nandito sa UK. Okay naman kami ni Gail at nakafocus din kasi siya sa kanyang pag-aaral sa fashion design. Minsan kapag lumalabas siya for hang out with friends nakabantay naman ako. Mahirap na baka may masamang mangyari sa kanya sa akin pa naman hinahabilin ng mga magulang niya.
Minsan pinagkalat parin niya na may relasyon kami doon sa mga makukulit niyang manliligaw. Bakit naman kasi ayaw niyang ituon ang kanyang sarili sa iba. Minsan nabubwesit na ako sa kakulitan niya. I choose not to stay near with here baka kasi sapian ng kademonyetahan at pikutin pa ako. Nasa opposite building ang unit niya. Madalas siyang dinadalaw ng parents niya. Ang parents ko naman ay parang walang pakialam sa anak nila. Mas importante talaga sa kanila ang kayamanan kaysa minsan pagtuunan man lang ng pansin ang anak.
Sa totoo lang naiinggit ako sa mga kaibigan ko na sobrang suportado ng pamilya nila. Like Della Torres, Humpress and Aragon. Trillions kung kumita ng salapi pero hindi napapabayaan ang mga anak nila. Kahit sobrang busy sa bawat trabaho nila once tinawagan ay talagang darating sila. Mas pinahalagahan nila ang damdamin ng bawat isa. Mas lalong lumago ang pangkabuhayan nila dahil sama-sama sila sa pagbuo nito na may nakagabay na pagmamahal at respito.
Naisip ko minsan na sana kamag-anak ko nalang sila. Na sana kagaya nila ang ina ko at minsan maisipan din na pahalagahan ako. Nag-iisang anak na nga lang ako di pa nila kayang laanan ng oras para maipakitang mahal din nila ako.
Gusto kong magpa-DNA test para malaman kung tunay ko nga ba silang mga magulang. Palagi nila akong hinahabilin sa mga katulong namin kaya natanong ko minsan ang sarili ko kung anak ba ako ng katulong.
Kay Nanay Helen ko nararamdaman ang pagmamahal ng isang ina. Siya ang nariyan sa tuwing may kailangan ako. Siya ang nagpapakalma sa akin kapag nasasaktan na ako dahil walang magulang na pumupunta sa paaralan ko. Daig ko pa ang bastardo, daig ko pa ang batang walang magulang. Nariyan nga sila hindi ko naman nakakasama sa mga achievements ko.
F*ck! What a coincidence. Oh goodness me, namamalikmata ba ako sa aking nakikita ngayon? I can't believe it!...ilang beses pa akong napakurap dahil baka hallucination lang ang nakikita ko.
Adrianna Gracey Herrera Della Torres and Janisha Chávez Aragon. Ang dalawang kapatid ng dalawa kong kaibigan. Pumunta sila sa faculty office, so dito sila mag-aaral. Hinintay ko silang lumabas ng office para makausap.
Nagtungo sila sa canteen kaya sinundan ko sila. Nakatulala si Gracey na parang ang layo ng iniisip at hindi niya namalayan na nakalapit na ako sa pwesto nila. Sa mismong harapan ako ni Gracey umupo kaya natawa si Janisha. She was surprised too, when I walked towards them.
When I represent myself to join them to bookstore and tour them around the city. Pero si Gracey ay talagang tumatanggi na hindi ko na kailangan silang samahan at e-tour. Kalaunan ay napilit ko rin siya. Natawa nalang ako sa kakulitan ng kapatid ni Jeremy dahil napapasabay niya si Gracey.
Unang pupuntahan muna natin ay ang bookstore para sa mga gamit ninyo. After nating mamili ng supplies, kakain tayo ng lunch and it's my treat.
"Yeheyyyy masarap iyan kuya Gian."
"Behave Ning, huwag ka namang magpahalata na patay gutom."
"Woi Ging, diet ka ba today?"
"Hindi! Pero fasting ako today."
"Hala siya kailan ka naging Muslim?" "Malapit na, hinihintay ko lang proposal niya. Sa ngayon practice mo na ako ng fasting."
Really??? You expect to marry a Muslim?...hindi na ako nakatiis kaya sumingit na ako sa usapan nila. Maraming mga asawa ang mga iyon, hindi lang ikaw ang pakakasalan.
"At least pakakasalan in a legal way ang lima kaysa non Muslim nga na isa lang ang pakakasalan pero kaliwat kanan naman ang mga kabit. Mas masakit sa ego iyon kapag dumating ang time at malaman mong may kabit pala siya. Uuwian ka nga minsan pero ayon pala nakababad ang itlog sa iba na di mo namalayan."
"Woi Adrianna Gracey Herrera Della Torres bunganga mo nawalan na ng preno. Talagang sa harap ni kuya Gian mo pa ine-explain ang bagay na iyan?."
"Is there something wrong with what I'm saying kuya Gian? Masagwa ba sa pandinig mo ang mga sinabi ko?"
No! You're just explaining the reality that's it's really happened today.
Bata ka pa lang pero naoobserbahan mo na ang mga nangyayari sa paligid mo.
"That is the effect of modern technology. Using social media, posting trending news and other viral updates every day. The naive have become aware of the truth. The deaf are seems they are having their own hearing aid to hear the truth."
"Ging, kailan mo ba pinag-aralan ang pilosopiya ng social media? May nakaligtaan ba akong subject noong nasa senior high palang tayo. Believe na ako sa'yo Ging tahimik ka lang pero nasa ilalim pala ang tinik mo."
Della Torres ka nga Gracey, mas lalo mo akong napahanga sa taglay mong galing. Dalawang taon ko lang siyang hindi nakita pero napakaganda na niya.
Oh nandito na tayo, bumaba na silang dalawa ni Nisha at nauna pang naglakad at iniwan ako. Kumuha sila ng dalawang cart at ako ang nagtulak sa cart ni Gracey. Ayaw sana niya pero nagpumilit ako.
Minsan ako ang kumukuha ng mga kakailanganin niya dahil alam ko naman kung ano ang mga materials na kailangan ang isang architect.
"Kuya Gian kailangan ko na talaga ang mga iyan? Bakit ang dami naman."
Huwag ka nang magreklamo dahil alam ko ang mga needs mo. And stop calling me kuya. I don't want you to call me kuya. Natigilan siya sa aking sinabi.
"And why? Kuya Gian mag-shopping ka ng gusto mo doon, kaya ko ng pumili sa mga needs ko o pwedi naman si Nisha ang samahan mo kasi wala pa yang alam sa mga needs ng architect."
Isa pang kuya Gracey hahalikan na kita right here right now.
"Oy ang bastos mo, hindi kana nahiya."
Saan? At bakit?
You want to hear a short story? Two years ago kasal ng ate ng kaibigan ko invited kami. May nakita akong isang teenager and she's so cute. Mula sa araw na iyon at hanggang ngayon mukha parin niya ang nakikita ko.
"Obsessed!"
Yeah you're right! And that teenage girl is you Adrianna Gracey Herrera Della Torres.
“Ay putong walang niyog! Oh God may nabasag yata ako. Grabeh ka naman po, wala bang neutral button iyang bibig mo. Kung ano ang nilalaman ng utak ay siyang binibigkas.”
Yung iba nahihiya at nangingimi pang magsabi doon sa taong gusto nila. Pero ikaw parang expert lang ang peg ang daling bigkasin eh noh.
Can I court you Gracey?
“Prankster po ba kayo? Para lang kayong nag-vlog ng prank episode eh.”
Im serious here!
“Narito po ako sa UK para mag-aral at hindi maglandi.”
Liligawan pa lang naman kita hindi ko naman sinabing sagotin mo kaagad ako.
“What if hindi ako papayag?”
Tuloy ang buhay pero malulungkot ako. I feel happy when I saw you because it seems like fate is bringing us together.
Panay ang pili niya ng gamit habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Mukhang hindi niya nagustohan ang pagiging straight forward man ko. But I will still try to court her. Ayoko ng maging single status, gusto ko ng may inspiration sa pag-aaral.
Damn it! Si Gail naghahabol sa akin at ako naman yata itong maghahabol sa isang Della Torres. Ling, hindi ka pa ba tapos?..nakangiti kong sabi. F*ck mukhang tigress na handa na yata akong lapain.
“Narinig ko yun kuya Gian.”....si Nisha na nakalapit na pala sa likuran ko.
Confirm hindi ka bingi Nisha. Ang sarap maging Darling ang kaibigan mo Nisha. Alam mo bang two years ago ko pang crush yang best friend mo Nisha.
“Talaga po?”
Oo! Unang nakita ko siya sa kasal ng ate Nathalie niya. I told her maybe fate bring us closer dahil nagkita kaming muli at hindi ko ito inaasahan. God seems to have heard that I wish to see her again.
“Ayehhh Ging, mukhang magkaka Ling Ka na.”....pambubuska pa ni Nisha sa kaibigan.
“Alam nyo pareho kayong sabog, mukhang na overdose kayo sa pagsimot ng usok ng tambutso.”
Papayag ka ba Nisha kung simula ngayon uumpisahan ko ng ligawan ang kaibigan mo?
“Oo naman kuya Gian, malas mo lang kung gagawa ka ng kalukuhan dahil hindi ka talaga palalampasin ng mga Della Torres.”
“Ikaw ba nanay ko Ning? Bakit parang ni-live sale mo na ako?”
“Ay hindi ah ikaw naman, mabait naman ang manliligaw mo eh. At saka kaibigan siya ng mga kuya natin kaya assured ka diyan.”
“Ewan ko sa inyo para kayong mga tanga. Bahala nga kayo diyan uuwi na ako sa bahay.”
Nagalit yata ang erog ko. Gracey wait lang! Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya. Pinagsalikop ko ito at mahigpit na hinawakan. Kinuha ko ang cart para mabayaran na sa counter.
“Bitiwan mo ang kamay ko kung ayaw mong kurutin ko iyang tagiliran mo. Bwesit ka pinagtitinginan na tayo ng mga tao.”
Huwag mo silang isipin dahil tao ka rin naman kagaya nila.
“Sir, 3,945 dollar”....sabi ng casher.
Include her as well, here's my card. Deduct everything from my card, okay?
“Copy Sir!”
Bakit nanlalamig ang mga kamay mo? Kinakabahan ka ba o kinikilig?
“Ang kapal mo kuya Gian.”
Nisha, lunch muna tayo bago ko kayo iikot sa city.
“Thank you kuya Gian!”