ang pagkikita

2881 Words
Gracey pov “Adrianna Gracey Herrera Della Torres ano itong nabalitaan ko na sa United Kingdom ka nag-e-enroll ng college?” Ayan na Papa galit na ang amazona mo buong pangalan ko na ang binanggit niya. Gumising kana kasi kaagad papa para may tagapag-tanggol sa akin. Para sa pangarap natin itong gagawin ko Pa. Magsusumikap ako para mas lalong maging proud ka sa akin. Yes ma, I'm with my best friend Janisha. Ma, huwag ka namang sumigaw alam mo namang nag-e-sleeping beauty si papa. Si mama naman eh, kung makasigaw akala mo may sunog. Janisha Chaviz Aragon is my best friend two years pa nga lang. Dati naman ayokong makipag-close sa iba independent lang ako kasi mostly plastic naman sila lalo na kapag alam nilang hindi ako Canadian. Pero ng lumipat si Janisha Chávez Aragon sa paaralan ko naging close na kami. Transferee siya mula Pilipinas. Professor ang mommy niya sa Canadian Business University at tutor ni ate Afsheen at ate Clea past few years. “Umayos ka Adrianna, huwag mo akong daanin sa pangungunsyensya. Anak naman si Ate Afza mo kung saan-saan na nagpupunta di ko na mapipigilan. Tapos ikaw dadayo pa sa ibang bansa para doon mag-aral. Alam nyo naman na may sakit ang papa ninyo pero bakit lumalayo pa kayo.” Ma, sabi kasi nila kapag nasa malayo daw nag-aaral makakapag-focus daw ng maigi. “Kaya UK ang pinuntirya mo at doon nais mag-aral para makalayo sa amin ganun?” Ma naman! Mi único sueño es estudiar arquitectura en Cambridge. Janisha y yo intentamos hacer el examen allí. No pensábamos que pasaríamos.(Pangarap ko lang talagang mag-aral ng architect sa Cambridge. Sinubukan lang naman namin ni Janisha na mag-take ng exam doon. Hindi naman namin akalain na makapasa kami.) Actually nag-take din kami ng exam sa Spain at Greece. Nakapasa kami sa Greece pero sa Spain kinulang kami ng isang puntos. Ma, sa Greece nalang kaya kami para mas lalong malayo sa inyo. “Tumigil ka Adrianna, sige sa UK ka nalang. Mi Señor, su padre acaba de enfermarse, usted está tomando su propia decisión.(Panginoon ko nagkasakit lang ang ama ninyo gumagawa na kayo ng sarili ninyong desisyon.) Mi amor, gumising kana diyan bago magdesisyon si Aliyah at Cedrian kung saan nila gustong mag-aral. Ang unico hijo ko ay nasa Canada. Hindi ko alam kung maalagaan ba niya ang sarili niya. Mi amor kawawa naman ang bunso natin baka magiging delikado na naman siya sa mga kamay ng walanghiya kong kapatid.” Ma, mananatili si Ali sa poder mo, kaya niyang magbabad 24/7 in 365 days sa bahay na papel at pencil ang kasama. “Ewan ko lang kung hindi gagaya sa inyo si Aliyah. Ito na ang napapala ko sa pang-e-spoiles ng papa ninyo sa inyo eh. Ang hirap nyo ng kontrolin dahil tumitibay na ulo ninyo.” Ma, diba tumitigas yun dapat? Si mama oh hindi pa ako naging ganap na architect nasa build-build process na ang utak mo. Arayyyyyy ma sorry po!. “Babalatan ko na talaga iyang singit mo Adrianna. Naging supladora kana eh may pinagmanahan na kayo.” Syempre saan pa ba kami magmamana eh di sa inyo lang. Si mama talaga oh nilalayo pa kami sa katutuhanan ayaw pang aminin na sa kanya kami nagmana. Ma, trust me! Pangako ma hindi ko kayo bibiguin ni Papa. Mag-aaral po ako ng mabuti para maging proud kayo sa akin. Pasyensya na mama kung hindi ako kasing galing ni Ate Afza. Determinado naman kasi si Ate na sumunod sa yapak ni Papa kaya agad niyang napag-aralan ang mga galaw ni Papa at nahihigitan pa. Ma, hindi kasi malakas ang loob ko kagaya ni ate Afza sorry na po. “Nagdadrama ka naman eh, sino bang maysabi sa'yo na gayahin o higitan mo si ate Afza mo? Anak pantay-pantay ang tingin namin sa inyo. Hindi namin kayo kinukumpara sa bawat isa dahil alam namin na may mga individual talents kayo na dapat kayo mismo ang tumuklas. Medyo nagtatampo lang si mama kasi hindi pa gumaling si papa ninyo tapos sa malayo pa kayo mag-aaral. Ma, gagaling din kaagad si Papa kaya huwag kang mag-alala. Araw-araw din naman kitang tatawagan at i-update kaya huwag ka ng magtampo. Naaawa ako sa mama ko kaya lang opportunity na namin ito no Janisha. Sa scholarships kami kumakapit dahil gusto naming makapagtapos sa sarili naming pagsisisikap. We planned that we would study as a simple students. No families help. Nais naming maging independent kami. God pagalingin mo na po kaagad si Papa para may kasama na si mama. Huwag nyo naman po siyang sa amin ng maaga. Marami pa kaming pangarap na nais marating at gusto namin na maipakita kay Papa.....I murmured a prayer. ***** Adrianna kompleto na ba ang mga dapat mong dalhin anak? Concéntrate en tus estudios. No tienes novio si no has terminado tus estudios. Siempre debes actualizarme todos los días y por la noche antes de irte a dormir no olvides enviarme un mensaje.(Maging focus kayo sa pag-aaral ninyo. Wala munang boyfriend boyfriend kapag hindi pa kayo nakapagtapos sa inyong pag-aaral. Dapat araw araw update mo ako palagi at sa gabi bago ka matulog huwag mong kalimutan na magpadala ng mensahe sa akin.) Maaaaa!!!!! Magtagalog ka nalang kaya. Mahihirapan ang mga readers ko sa mga Spanish dialogue mo eh. “Adriana Graceya nasa loob ba tayo ng libro para sabihin mong nahihirapan ang mga readers mo?” Ma, Gracey nalang para sweet, kayo naman pinapangit nyo pangalan ko eh. “Abay hindi ka naman ganyan ka supladora dati ah. Napapansin ko lang nawawala na ang pagiging tahimik mo.” Ma, iniwan ni ate Afza sa akin ang bato niya kaya ginamit ko muna. “Kailan ba naging darna ang ate mo at may pa Ding ang bato kapang nalalaman dyan.” Aba'y si mama kabisadong-kabisado ang eksina ni Darna. Ma huh, comedy queen kana ngayon. “Ewan ko sa'yong bata ka para kang sinapian ng kabaliwan dyan.” Ayokong nalulungkot si mama sa pag-alis ko kaya gino-goodtime ko ng kunti. Sa totoo lang nahihirapan din naman akong lumayo sa kanila dahil ito ang unang pagkakataon na lalayo ako sa poder nila. Additional pa na naka coma si papa Marcus. Aliyah, ikaw na ang bahala kina mama, papa huh. Si Cedrian hindi ko alam kung papuountahin ba dito ni kuya Clarence. Pero okay lang, safe naman siya sa poder ng mga Humpress. Balitaan mo kaagad ako kapag nagising na si papa huh? Mag-iingat ka palagi Ali. “Ikaw din ate mag-iingat ka doon at text mo ako palagi.” Yes Ali I will. ******* Trinity College, Cambridge UK Welcome to UK self, kararating lang namin ni Nisha. This is it, fulfilling our dreams by our own effort. Nasa aming apartment kami ngayon at nag-aayos ng aming gamit. Sino pa ba ang aasahan eh wala naman kaming katulong. Bukas na ang unang araw namin sa paaralan. Walking distance lang naman ang aming tinitirhan. Pinili namin ang malapit para di na namin kailangan na mag-commute. Full scholar kami pero gusto naming magtrabaho kaya some other days maghahanap kami ng mapapasukan na part-time job. Anak mayaman lang kami pero hindi kami batugan. Nisha, bilisan mo na male-late na tayo bruha ka. Ang bagal mo kaya, papasok lang tayo sa eskwelahan hindi sa party para awrahan at pormahan mo pa Ning. 'to naman oh unang pasok sa paaralan bad record agad tayo. “Ang kj mo talaga Ging, ugali mo pa sinaunang panahon pa. Daig mo pa ang anchor ng “Hoy Gising!” kung manbulabog eh.” Sira huwag kanang bumanat baka kung saan na naman tatangayin iyang mga dialogue mo. Diretsho na tayo sa Trinity College. Pagkatapos natin makuha ang schedule natin saka tayo pupuntang bookstore. “Ging, tanggalin mo kaya iyang eyeglass mo hindi naman malabo ang mga mata mo eh. Nakakainis naman iyang fashion mo eh. Gusto mo lang itago sa likod ng glass na yan ang magaganda mong mga mata. Hindi na mauulit yun kaya huwag kanang matakot.” Tumigil ka nga Ning at huwag mo akong pakialaman. Yes na trauma ako simula noong grade 9 ako. May isa kasi kaming teacher na pinaglihian ang mga mata ko. Kaya hayon namula at namaga ito ng husto. Brown eyes lang naman ang kulay ng mata ko pero kapag tinitigan daw ito nagiging golden. Kaluka natakot ako bigla baka pagkamalan pa nilang golden eyes ang mata ko at nais pang dukotin. Para walang makapunan sa brown ala golden eyes ko. Kaya suot ko ang makapal na eyeglasses na parang genius ang dating na kahit hindi naman. Oy hala bakit nakatingin silang lahat sa atin. Ning, hindi pa tayo artista niyan huh. “Tangek ka Ging, nakita nila sa Maria Clara sa katauhan mo kaya sila nakatingin.” Ah ganun ba? So alam pala nila ang kasaysayan ng sinaunang panahon sa Pilipinas....wala sa sariling sagot ko. “Bwesit ka talaga Adrianna Gracey Herrera Della Torres gusto mo talaga akong bumulanghit ng tawa.” Aba malay ko sayo, choice mo yan kung tatawa ka ba o iiyak. Self ko ba ang self mo? “Tama na please, nagpipigil na talaga ako Cing." Option A------ tawa Option B------ ihi Option C------ utot Option D------ all of the above Ayowwnnnn option A ang sagot ni Janisha Aragon. “Grabe nakakahiya pinaplastik mo ang pagiging mahinhin ko.”...maluha-luha niyang sabi. Kailan ka kaya maging mahinhin Ning? Magpapakatay ako ng elephant kapag naging mahinhin kana. Nahahawa na nga ako sa mga kabaliwan mo. Dapat ikaw ang mahawa sa kahinhinan ko eh. “Asa ka pa eh mas malakas ang power ko kaysa sa'yo.” Here we go nasa na kami ng Trinity College. Nakausap na namin ang head ng Trinity College about sa mga rules and regulations ng kanilang eskwelahan at nakuha na rin namin ang aming schedule. Bukas na mag-uumpisa ang aming klase. Ito talaga ang pinapangarap ko ang maging Architect and interior designer. Kailan nga ba ako nag-umpisa? Since Elementary pa ako marami na akong mga unique designs na naka-save sa personal computer ko. Ako ang nag-design sa bahay namin at sa bahay sa Ranch ni Papa. Walang nakakaalam kasi kay Papa Marcus ko lang ipinapakita ang mga designs ko. Pumili lang siya at ipinasa sa Engineer para magawan ng plano. Flashback..... Mi amor, dapat kumuha tayo ng magaling na engineer para sa pagplano ng ating bagong bahay na itatayo. Mission type dapat kaya kailangan na bihasa ang engineer na gagawa. “Okay sige huwag mo ng problemahin yan dahil ako na ang maghahanap ng engineer para sa itatayo nating bagong bahay.” Papa, can I talked to you? “Oh Adrey gabi na bakit gising kapa anak?” Papa, may ipapakita lang po ako sa inyo. “Okay halika dito, ano yan anak?” Binuksan ko ang aking laptop at ipinakita ko kay papa ang aking mga nagawang designs. “Wow! Impressive and it's amazing unique anak? Saan mo nakuha ang mga designs na iyan?” Sariling design ko po yan papa through my imagination. When I grow up gusto ko po maging Architect at interior designer. Papa, cried and hugged me tight dahil hindi daw siya makapaniwala. “Adrey anak pipili si papa ng pinaka the best design huh tapos ipapasa natin sa isang engineer para magawan ng planner at building permit. Sobrang ganda kasi anak kaya mahihirapan si Papa na pumili. Ipiprint ko ang mga limang designs tapos papipiliin natin si mama mo okay na yun anak? Papa, secret lang po natin ito huwag nyo sabihin kahit kanino. “Sige hindi ko sasabihin kanino man. Kahit anong mangyayari Adrey tuparin mo ang pangarap mo. I'm proud of you anak at nandito lang si Papa para suportahan ka sa mga pangarap mo. Mahal na mahal ka namin ng mama mo kayo ng mga kapatid mo. Kayo ang success naming mag-asawa kaya pagbutihin ninyong makamtan ang iyong mga mithiin sa buhay. Thank you po Papa I love you! “I love you too Adrianna Gracey Herrera Della Torres.” “Hoy! Saan ba lumipad iyang utak mo? Ano ba yan nakaharap ka lang sa gwapo nawala kana sa sarili mo.” Nagulat ako sa sinabi ni Nisha, nilingon ko siya habang nakasipsip sa Starbucks coffee ko. Pagtingin ko sa kaharap ko ay shutaaa lumabas sa ilong ko ang kape. Ang sakit ng ilong ko, ewan ko lang kung hindi ba siya natalsikan. S-sorry po! Hindi ko sinasadya, nagulat lang po talaga ako. Ang demonyeta kong kaibigan humagikhik pa ng husto sa aking tabi. “Okay lang! alam ko namang na starstruck ka sa kagwapohan ko.” Malakas pala ang hangin ng utak nito...i murmured.... “What a coincidence na dito din pala kayo mag-aaral sa Trinity College. Nakita ko kasi kayo kanina habang papasok sa loob kaya hinintay ko nang lumabas kayo.” “Sino ba kasi ang iniisip mo at kanina kapa tulala?” Si Papa, naisip ko lang na ito na ang simula sa pagtupad ng mga pangarap namin. “Sayang akala ko pa naman magnet ka sa kagwapohan ko. Kumusta na nga pala si Tito Marcus?” Bawas-bawasan mo po ang hangin sa ulo mo baka pati utak mo liparin na. Okay naman si Papa tumitibok pa naman ang puso niya. Comatose parin hanggang ngayon at hindi namin alam kung kailan magigising. “Kuya Gian anong course mo at anong year kana? Hindi rin namin inakala na dito ka rin pala nag-aaral sa Trinity College.” “I studied business because that's what my mother wanted me to study. Magpo-focus na sana ako sa pagiging civil engineer pero nais ng ina ko na maging kabisado ko ang negosyo.” Ning, alis na tayo, kailangan pa nating mamili ng mga gamit natin...bulong ko kay Janisha. “Ahmmm kuya Gian mauna na kami ni Gracey.” “Saan ba kayo pupunta baka pweding ihatid ko nalang kayo.” Naku hindi na po, kaya na naming sumakay ng taxi....hinila ko na si Nisha paalis. “Ang kj mo talaga Ging, saglit lang. Kuya Gian pupunta kami ng mall dahil bibili kami ng school supplies.” “Tara sasamahan ko na kayo para na rin mai-tour ko kayo sa lugar. Free naman ako today kaya tamang-tama pwedi tayong mag-ikot sa syudad.” Naku kuya nakakahiya po, maaabala pa namin kayo. Next time mo nalang kami e-tour. Sa bookstores lang kami dadaan tapos uuwi na kami kaagad. Kontra ko kasi nakakahiya naman kung aabalahin pa namin siya. “Im free today kaya pwedi ninyo akong maging tour guide. Promise hindi kayo makakaabala sa akin. Mas maganda na rin na makapag-bonding tayo para may maganda akong maibabalita sa mga kaibigan ko.” “May communication parin kayong lahat kahit separated ways na kayo?”....si Nisha Ang daldal talaga itong babaitang ito, hindi nauubusan ng topic. “Oo naman! everyday naman ang communication namin sa group chat. This way please.”...sabay turo niya sa parking kung saan naka-park ang kanyang sasakyan. Binuksan na niya ang kanyang kotse. Sa front seat ka sumakay, baka isipin niyang ginagawa natin siyang driver. “Aba ikaw ang nakaisip niyan kaya ikaw na sumakay sa front seat.” Bruha ka sasakalin na talaga kita. “Ano na! nahihiya ba kayo sa kotse ko at hindi kayo makasakay?” “Oo kuya Gian, tinatanong ako ni Adrianna Gracey Herrera Della Torres kung bibitbitin ba daw niya ang kanyang rubber shoes o iiwanan nalang dito sa parking.” Hoy baliw umayos ka nga, gawain mo sa akin mo pinasa. Bwesit ka talaga Janisha Chávez Aragon...ang bwesit humagalpak lang ng tawa. Pumasok na kaagad ako sa backseat para si Nisha na ang maupo sa front seat pero ang luka-loka ay talagang sa back seat din naupo. “Kayong dalawa huh talagang pinanindigan ninyo na driver nyo lang ako. Bakit ayaw ninyong tumabi sa akin? Wala naman akong nakakahawang sakit ah.” “Ging, ikaw na lumipat tinatamad na ako eh.” Kailan kaba hindi naging tamad Ning? Nakakainis ka naman eh, kapag si kuya Gian may jowa tapos ako ang masabunutan humanda ka sa akin. “Ayownnn lumabas din ang tunay ninyong dahilan kung bakit ayaw ninyong umupo sa front seat hahaha. Feel free girls dahil wala pa akong jowa. Soonest magkakajowa na rin ako.” “Oh may nililigawan kana kuya?” “Hmmm liligawan ko palang siya. Ang ganda naman ng tawagan ninyo unique eh. What does that mean ba?” Ning for luningning po!.... simpleng sagot ko. “Ging for Saging!” mahilig siya sa saging eh. Gagi, sinong maysabi sayo? Ang galing mong gumawa ng kwento daig mo pa ang mga author ng Dreame at Yugto. “Ikaw kaya ang nauna, Ning is Nisha and Ging is Gracey lang naman iyon. Tapos sa jowa mo Ling is represent for darling.” Akala ko sa jowa mo Ding. “Hoy hindi ko pinangarap sa tanang buhay ko na bading ang jojowain ko.”..si Nisha Hindi naman iyon ang ibig sabihin ko eh. Si Carding na may dalang bato ang ibig kong sabihin. Tapos sisigaw ka Ding ang bato, “Nisha!!!” “Walanghiya ka talaga Della Torres lumalabas na sa longga iyang pagkabaliw mo.” Arayyy naman Ning, bakit ka ba nanabunot ang sakit ah. Jusko po panginoon ang gwapo naman niya tingnan kapag tumatawa. Close up 2.0.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD