Dad, I need to go to Canada para sundan ang mag-ina ko. Kayo na po ang bahala sa asawa nyo, may mga doctor naman na nakaantabay sa kalusugan niya. Hindi ko kakayanin kung tuluyan na siyang lumayo dahil sila na ang buhay ko. Dahil sa sulsol ng asawa ninyo nagawa nyo na akong itakwil. Sarili ninyong kadugo hindi ninyo kinampihan. Sila na kasosyo nyo lang naman sa negosyo ay napaka halaga sa inyo. Alam ko na matagal mo ng alam ang mga ginagawa nila sa kompanya pero nagbubulag-bulagan lang kayo dahil matalik na magkaibigan ang asawa mo at ang ina ni Gail. Hindi ko alam kung ilang taon ang muli kong bibilangin mapatawad lang ako ni Gracey. Gumawa na kayo na eksina na ikakasira ko eh kaya babalik na naman ulit ako sa umpisa. “Im sorry anak dahil sa pagmamahal ko sa iyong ina tinatakpan ko ang

