Papa, please papasukin niyo na siya hating gabi na po at nariyan parin siya sa tapat ng gate natin. Papa, sobrang lamig na po ng panahon baka magkasakit po siya. Pa, pakinggan nyo po muna ang paliwanag niya bago nyo siya hatulan. "Hayaan mo siya diyan sa labas Grasya, huwag mo akong kontrahin sa ginagawa ko,"galit na sabi ni papa. Ma, please naman ma oh pakiusapan nyo po si papa. Baka magkasakit po yong tao eh. Pakinggan nyo po muna ang paliwanag niya. No creo que sea culpable(hindi ako naniniwala na may kasalanan siya). "Esta Seguro Grasya?" "Relax anak, pumasok ka sa kwarto mo baka magising ang mga bata. Ako na ang bahala sa papa mo,"sabi ni mama. ***** Mi amor, pakinggan mo muna si Gian bago mo kastiguhin. Hindi naman pweding magpapadalos-dalos ka sa mga desisyon mo. Alalahanin mo

