KABANATA 1:
Sa pagbaba ni Porsche sa kanyang limousine, agad na sinalubong siya ng mga reporter at photographer. Halos hindi na nya makita ang kabuuan ng hotel dahil sa silaw ng bawat kuha ng litrato sa kanya. Wearing her black long sleeves backless dress, that perfectly hugs her curves, paired with her killer heels, she walks elegantly on the red carpet. Halos lahat ay namamangha sa kanyang itsura, maamo ngunit may kakaibang ganda. Tuloy tuloy lamang siya sa paglalakad ng bigla siyang hinarang ng isang reporter. Walang emosyon niya itong tinitigan.
"Hi, Ms. Suarez! You look so stunning and gorgeous tonight! Balita namin ay kababalik mo lamang galing Europa, is your twin brother with you? And why don't you have a date?" Sunod sunod na tanong nito habang nakangiting alanganin sa kanya.
"Palagi akong maganda, ikalawa I don't owe you any explanation about my brother and myself! And lastly I don't do dates! Got that? And now if you'll excuse me, I had a party to attend not some nonsense chitchat with you." Malamig na sagot niya saka nilampasan ang reporter at nagpatuloy sa paglalakad paloob.
"Same old Porsche" natatawang bulong ng reporter sa sarili nito.
Samantalang pagpasok pa lamang ni Porsche sa loob ng Hotel ay nakuha na niya ang atensiyon ng lahat ng naroon bata, matanda, dalaga, binata, at kahit ang may mga asawa na ay tila napako ang paningin sa kanya at halata sa kanilang mga mata ang lubos na inggit at paghanga. Malamig ang mga matang tinitigan niya ang mga ito saka nagtuloy sa paglalakad patungo sa mag asawang Chua na siyang host ng event na iyon.
"Good Evening, Mr.&Mrs. Chua! Congratulations! And Happy Golden Wedding Anniversary for the both of you." Sinserong bati niya sa mga ito. Ngumiti ang mag asawa sa kanya at tumango.
Tumuloy na siya sa lamesang naka assign sa kanya may nakalagay roong bato at nakaukit sa ginto ang kanyang apelyido SUAREZ, napangiti siya at naupo sa nakalaang silya, maya maya ay dumating ang isang waiter at binigyan siya ng isang basong wine tinanggap niya iyon at saka iginala ang mata sa buong paligid ng Hotel, simple ang disenyo ngunit elegante at maganda! Heaven is the theme, with a touch of gold, nakakarelax tignan ang buong paligid lalo na't nagkalat ang magagandang bulaklak. Paglingon niya sa kaliwa ay nahagip ng kanyang mata ang nakaukit na apelyido sa kabilang mesa.
"Rivera" sambit niya saka napaisip, saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon? Tanong niya sa sarili, ngunit naputol ang kanyang pag iisip ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Abong Kotse Calling...
Agad niyang sinagot ang tawag dahil ang magaling niyang kapatid ang tumatawag.
"Ano na namang kailangan mo? At ba't buhay ka pang hayop ka?" Inis na sabi niya rito.
"HAHAHAHHA, kalma! Bakit ba galit ka? Uuwi uwi ka dito tas magagalit galit ka, ano ba naman yan Porsche!" Natatawang maktol nito sa kanya.
'Kahit kelan talaga isip bata' anang isip niya.
"Punyeta ka Kuya! Sinong matutuwa ee kabababa ko pa lang ng eroplano ko ee glam team mo na ang sumundo sakin at sinabing ako ang representative batin sa pisteng party! Aba ee gago kang tunay! May jetlag pa ako at di mo man lang pinagpahinga! Yawa ka!" Nangigigil na sagot niya rito.
"H-hoy! HAHAHHAHAHA anlakas mong magmura Porsche Martin ha! Aba magdusa ka diyan!" Tatawa tawang sagot nito saka siya binabaan ng tawag. Kahit kelan abnormal talaga mag isip.
"Bakit nga ba ako pumayag na pumunta dito!?" Inis na tanong niya sa sarili
"Maybe because, destiny has told you so?" Anang isang baritonong boses sa kanyang likuran.
Nagulat siya ngunit di niya ito pinahalata, at dahan dahang humarap sa may ari ng boses na iyon.
"Then you're wrong. Destiny are for hopeless romantic people, not for the likes of me." Malamig na sagot niya rito saka tinitigan ang mukha ng lalaki. Makakapal na kilay at pilik mata, kulay asul na mga mata, matangos na ilong, maputi, mapupulang labi. Sa madaling salita magandang lalake ang nasa harap niya, ramdam niyang kilala niya ito ngunit hindi niya maalala.
"Too bad. By the way nice seeing you again Porsche, its been years." Nakangiting sagot nito saka siya iniwan.
Tinalikuran niya ito saka inalala kung saan niya ba ito unang nakilala at kung kilala nya nga ba ang binata, dahil base sa mga sinabe nito ay tila kilala siya nito noon pa man, pero sino nga bang di makakakilala sa kanya eh halos lahat ata ng tao ee kilala na siya. Napabuntong hininga na lamang si Porsche saka ininom ang alak na nasa baso niya at maya maya pa ay tumayo na siya at tinawagan ang kanyang sekretarya.
"Eugene, My baby? Hotel. 1Hr." Yun lamang ang binanggit niya at saka umalis na ng hotel at nag antay sa parking lot.
~PARKING LOT~ Nakasandal sa limousine niya si Porsche at naninigarilyo habang hinihintay si Eugene, ang kanyang sekretarya, ng biglang dumating ang isang babae matangkad, chinita, sexy at base sa features nito ay mahahalatang isa itong Chinese at anak mayaman. Nakataas ang isang kilay na nilapitan nito si Porsche.
"So, you are really back aren't you Porsche?" Mataray na tanong nito.
"Do I look like a mannequin to you?" Cold na sagot naman niya rito, dahilan para mainis ito sa kanya.
"Argh! Stupid! I'm just making sure that you're real. Wala kasing thrill kapag nasa ibang bansa ka, HAHAHAHHAHAHA" nakakalokong sagot niya.
"Hmmm, wala nga talagang thrill yun. Isipin mo wala akong pakialam sayo tas ikaw gumagastos ka pa, para lang makita ako. Hmmm nakakapangit nga naman yun sa parte mo." Nang aasar na sagot naman niya rito.
"Alam mo bang inis na inis ako tuwing nakikita yang pagmumukha mo! At galit na galit ako dahil buhay ka pa ding malandi ka!" Galit na sagot nito sa kanya. Napangiti naman si Porsche saka bumontong hininga at nagsalita.
"Alam mo bang wala akong pake sa inis at galit mo! Lalo na sayo. Tanga! Eh hindi nga kita kilala! Insekyura na bobita pa!" Naka smirk na sagot niya rito dahilan para sampalin sana siya nito ngunit nagawakan niya ang wrist nito.
"Unang una wag mo'kong sinisimulan, nanahimik ako wag mo'kong umpisahan. Pagod pa ako galing biyahe wag mo dagdagan init ng ulo ko baka sayo ko mabunton lahat ng inis ko pagsisihan mong kinanti mo'ko. Ikalawa 'wag kang tanga, dahil alam kong alam mong wala akong naalala kaya 'wag kang assumerang maalala ko lahat ng katangahang ginawa mo para magpapansin sakin, at pangatlo wag mo kong matawag tawag na malandi dahil kingina ka sa'ting dalwa mas mukha kang p********e kesa isang heridera!" Gigil na sabi ni Porsche saka sinampal sa kanya ang sarili niyang palad. Bakas sa mukha nito ang takot kay Porsche ngunit ayaw pa din talagang tumigil.
"How dare you slap me!?" Sigaw nito sa kanya.
"Tanga! Gamitin mo utak mo, ikaw mismong sumampal sa sarili mo." Nakangising sagot niya rito.
"Hindi pa ako tapos sayo Porsche! Magababayad ka!" Galit na sigaw nito sa kanya saka nagmadaling pumasok sa loob.
*CLAP CLAP CLAP* Napalingon si Porsche sa pumalakpak at nakita niya si Eugene kasama si Arden na ngiting ngiti sa kanya.
"Tss" tanging sagot niya sa mga ito.
"Walang kakupas kupas! Woooh!" Natatawang sabi ni Arden with his british accent.
"Magtigil ka ng pagtatagalog mo diyan Arden! Nakakairita pakinggan!" Asar na sagot niya sa kaibigan.
"Madam! Ito na baby mo!" Sabay hagis ng susi sa kanya, tinutukoy nito ang Ducati niya. Inabot naman ni Veneno ang damit na pamalit niya.
"Bihis lang ako, salamat." Sabi niya saka pumasok sa loob ng limousine at nagbihis.
"Nampucha! Driver ka na lang pala ngayon ni Porsche, Vince!?" Natatawang tanong ni Arden.
"Fck you! Wala akong choice! Tangina nyo kasi!" Asar na sagot nito kay Arden at Eugene na tinatawanan siya.
Tapos nang magbihis si Porsche at agad na sumakay sa motor niya at pinasibad ito paalis, iniwan ang kaniyang sekretarya at kaibigan. Napailing iling na lamang sina Arden, Eugene at Veneno sa inasal nito. Saka sila sumakay sa Limousine at umuwi na sa bahay.
•SOMEONES POV• Habang nakatingin sa telibisyon ay napapangiti na lamang ako sa akong nakikita.
"Bakit nga ba bumalik ka pa Porsche?" natatawang tanong ko habang nakatitig sa maamo't magandang mukha nito ngunit sa kabila niyon ay napakabangis nito sa labanan.
"Welcome back to hell, Porsche Martin Suarez I hope this will be your most memorable memory BEAHAHAHAHAHHAHAHA" malademonyong tawa ko sa aking silid.
A/N: So what do you think guys? Leave your comments and reaction! Staysafe, drink your water and wag mawawalan ng panlasa!!!!! Mwaaa. I'll update tomorrow. Have a good night and pray before y'all sleep.