Chapter 3: Alpha

1767 Words
AMOY ng alak, malakas na tugtog, at iba't ibang kulay ng ilaw sa dance floor ang bumungad kay Ken pagkapasok sa loob ng bar. Walang namang ipinagkaiba sa ibang bar- madilim, maingay, at mausok. Marami ka ring makikitang nagmi-make out sa tabi-tabi. Dumiretso si Ken sa counter at naupo sa isang stool doon. "One glass of tequila please." Request niya sa bartender. Nakasuot ito ng all clean white shirts, bow ties, braces at smart black trousers. Very sophisticated ang looks bagay na bagay sa bartender. "Here you go sir." Nakangiting sabi ng bartender nang iabot sa kaniya ang glass of tequila. Nagpasalamat naman siya dito. Napapapikit siya habang tinutungga ang alak. Gumuguhit kasi ito sa kaniyang lalamunan. This is not his first time uminom ng ganitong alak pero kapag umiinom siya nito parang first time niya lagi. Sa tapang ba naman ng alak na ito. "Hey handsome boy!" Lumapit sa kaniya ang isang babae. Nakasuot ito ng mesh top na bulgar ang hinaharap at nakasuot ng pekpek short. Daig pa nitong nakahubad sa paningin niya. Isinakbit ng babae ang magkabilang kamay sa leeg niya. Tiningnan ni Ken mula ulo hanggang paa ang babae at ngumiti, "Sorry I'm not into girls." Nakangisi niyang sabi sabay kindat sa babae. Mabilis na inalis ng babae ang mga kamay nito kay Ken pagkasabi niya ng katagang iyon. Masama ang tingin habang papaalis ang babae. Napatawa siya ng bahagya. Yes! He's not into girls because he is gay but a discreet one. Tanging siya lang, ate niya, at ang dalawa niyang matalik na kaibigan ang nakakaalam. He is a closet guy. Hindi mo mahahalata sa kilos at anyo niya. Sa gwapo niyang iyan mahahalata mo pa bang lalaki ang gusto niya? BOTTOMS up ang ginawa ni Ken sa pangatlong tagay niya ng tequila. "Whooh!" Sigaw niya nang gumuhit sa lalamunan niya ang alak. Pagkababa ng maliit na baso sa counter ay naramdaman na niya ang pangangapal ng mukha at pag-ikot ng kaniyang paningin. Sinubukan niyang manood sa dance floor ng mga nagsasayaw, sumasabay sa indayog ng malakas at nakakabinging tugtog pero parang mas lalo lang siyang nahihilo. Napahawak siya sa sintido niya at madahang hinilot hilot ito. Lasing na talaga siya. Napapangiti pa sya dahil sa kaalamang napakababa talaga ng tolerance niya pagdating sa alak. Bago pa siya magkalat sa bar ay nagdesisyon na siyang lumabas. Umalis siyang gumegewang gewang sa kaniyang pwesto. Panay ang paghingi niya ng 'sorry' sa kung sinomang nasasagi niya. Kahit na umiikot ang paningin alam naman niyang kaya niya ang sarili. Sa katunayan ay hindi naman ito ang unang pagkakataon na uminom siya mag-isa. Madalas kasi ay kasama niya ang barkada niya sa tuwing pupunta siya sa bar. Ngayon ay parang gusto niya muling mapag-isa kaya nagtungo siya dito at uminom mag-isa. Pagkalabas sa bar ay agad siyang nag-abang ng taxi. Alas tres na ng madaling araw kaya sigurado siyang pahirapan na naman ang pag-aabang niya ng sasakyan papauwi sa condo unit niya. Ilang minuto lang ang lumipas ng paghihintay ay may taxi na huminto sa harapan niya. Pero ang nakakapagtaka ay iba ang kulay ng sasakyan, malayong malayo sa kulay ng taxi. Gayunpaman ay isinawalang bahala na lang niya ito dahil hilong-hilo na talaga siya at gusto na niyang magpahinga. "Sa Honorata St. lang po." Pilit niyang itinuwid ang kaniyang mga salita. Pagkasabi niya nun ay pumikit na siya. Sigurado naman na gigisingin siya ng driver kung makatulog naman siya. Maya-maya ay naramdaman ni Ken na huminto na ang sinasakyan niya. Dahil sa sobrang kalasingan at hilo ay hindi na niya nakayanan pang imulat ang kaniyang mga mata. Gising ang diwa niya ngunit hindi naman umaayon ang katawan niya. "Ken." Rinig niyang tawag sa kaniya ng driver ng taxi. Nagtaka siya kung bakit kilala siya nito. Bumukas ang pinto ng sasakyan at ramdam niyang hinawakan siya sa kaniyang mga braso at inalalayang makababa sa sasakyan. Pinilit niyang iminulat ang mga mata para aninagin ang mukha ng driver ngunit blurred ang paningin niya. "B-Bakit mo ako ki-lala?" Nanatili lamang tahimik ang driver. "Shaan mo a-ko d-dadalhin!?" Ngunit wala pa ding naging sagot ang driver. Pipigilan na sana niya ito ngunit hindi talaga siya makakilos ng maayos. Dahil sa kalasingan ay naramdaman na lang niya na lumapat ang katawan niya sa malambot na kama. Dahil wala na siya sa kaniyang huwisyo wala siyang kaalam-alam kung paano siya nakarating sa kwarto ng tinatawag niyang driver. Naramdaman niyang humaplos sa kaniyang mukha ang di kalamigang bimpo at pinunasan siya. Gusto sana niyang umapela pero hindi niya magawa kaya hinayaan na lang niya. Mabait naman siguro ang driver ng taxi dahil kung hindi dapat kanina pa siya ginawaan ng masama nito. "Don't worry. You're safe." Pagkasabi ng mga salitang iyon ng inaakalang driver ng taxi ni Ken ay nakatulog na ito. ALAS otso y media ng umaga nang magising si Ken. Sumalubong agad sa kaniyang paningin ang hindi pamilyar na kwarto. Umupo siya sa kaniyang pagkakahiga at iniikot ang paningin. All white. Kung iisipin ay daig pa niyang nasa hospital. Pero teka? Hindi ba kaya ay talagang nasa hospital siya? Pero wala naman siyang naaalala na may nangyaring masama sa kaniya. Pinilit niyang inalala ang nangyari sa kanya kagabi ngunit ang natatandaan lang niya ay lumabas siya ng bar dahil nahihilo na siya at nag-abang ng taxi. Hanggang dun lang, wala ng iba. Kaya may pagtataka sa kaniya kung paano siya nakarating dito. "Are you okay?" Nagulat si Ken. Mabilis siyang lumingon sa lalaking nakasandal sa pinto, nakasuot ng apron habang walang damit pang-itaas at tanging boxer lang sa ibaba. Mapapansin mo na agad na built ang katawan nito base sa korte ng mga braso nito. "Sino ka?" Maigting na tanong niya. Ngumisi lamang sa kaniya ang lalaki na para bang nang-aasar kaya nakaramdam siya ng inis. Pamilyar sa kaniya ang hitsura nito pero hindi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita. "I said who are you?" Pag-uulit niya. Tinanggal ng lalaki ang suot nitong apron. Napalaki ang mata niya ng tumambad sa kaniya ang katawan nito. Mabilis niyang iniiwas ang kaniyang paningin. Pakiramdam niya ay nag-init ang kaniyang magkabilang pisngi. "Get up and wear your clothes. I'm preparing our breakfast." Ngumisi muli ang lalaki at akmang aalis na pero huminto ito at humarap muli sa kaniya, "And I'm sorry! I see your boobs." Mas lalong lumaki ang mata niya sa mga iwinikang iyon ng lalaki. Alam niyang namumula na ang kaniyang mukha. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at tinakpan ang dibdib niya. Dahan dahan niyang tiningnan ang sariling katawan. Wala siyang suot pang-itaas at tanging underwear lang sa ibaba. "Shiaaa!" Mura niya gamit ang salitang Thai at tiningnan ng masama ang lalaki. "Pervert!" Narinig niya ang halakhak ng lalaki. Nakita niya ang sariling damit at pantalon na maayos na nakatupi sa mesa. Mabilis niya itong isinuot. Pagkalabas ay dumiretso siya agad sa kusina kung saan nadatnan niyang nagluluto ang estranghero. Kitang kita ang medyo pawisan nitong likuran. Napalunok siya ng bahagya. "Ehem." He cleared his throat to get the attention of this stranger guy. Mabilis naman nitong nakuha ang pansin. "Please take a sit. Malapit na rin itong maluto." Nakangiting wika ng estranghero. Tumango lamang siya at sinunod ang sabi ng lalaki. Sa bango ng amoy ng niluluto nito ay nakaramdam siya ng gutom. May yogurt biscuits with honey butter sa lamesa kaya kumuha siya ng isa at tinikman ito. Napatango na lang siya sa sarap. "Are you hungry?" Bumaling ang tingin niya sa estranghero habang dala-dala ang plato na may lamang fried rice. "Yeah." Sagot niya. Dadampot muli sana siya ng biscuit ngunit inalis ng lalaki. Sumama ang timpla niya sa ginawa nito at binigyan niya ng masamang tingin. "Bakit mo inilayo?" Inis na tanong niya. "Mawawalan ka ng gana. Heto muna ang kainin mo." Inilapag ng lalaki ang niluto niyang fried rice at candied meat. Parang mas lalo siyang nagutom. Nagtungong muli ang lalaki sa kitchen at may kung anong kinuha na naman doon. Pagbalik ay may dala-dala itong tray, "A bowl of miso soup and carrot ginger apple juice, pantanggal hangover." Ani nito habang nakangiti. Bigla siyang na-amaze. "You made this? I mean all of this?" Hangang tanong niya habang turo turo ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. "Yes. Try it I'm sure if you taste it you will forget your name." Napairap siya sa sinabi nito. "Yabang." He mouthed, napahalakhak naman ang lalaki. Sa totoo lang ay wala namang siyang naramdamang hang-over. Pero dahil pinaghirapan naman itong gawin ng estranghero kinain na lang niya. Nagkaroon pa siya ng palaisipan na baka nilagyan ito ng kung ano ng lalaki pero hindi na lang niya pinansin iyon. Ang alam niya ay nagugutom siya at kailangan na niya kumain. Habang iniinom ni Ken ang juice ay nagtanggal muli ng apron ang lalaki. Sa sobrang gulat ay naibuga niya ito sa katawan ng lalaki. "Sorry!" Mabilis siyang tumayo at kumuha ng tissue sa lamesa. Pinunasan niya ang katawan ng lalaki. Napahinto siya ng makarating ang kamay niyang may hawak na tissue sa bandang chest nito. Nabaling din ang paningin niya sa toned stomach nito. Umangat ang mga mata nito sa mukha nito. Ramdam niyang bumilis ang t***k ng puso niya. A beautiful face. Well defined, he had a bristly eyebrows and brown eyes. With a sharp jaw and angular cheekbones. Ngayon ko lang napansin ang almost perfect face niya. "I know I'm handsome but you don't need to look at me that way." Napairap siya at naibato ng mahina ang tissue na hawak niya sa mukha nito. "Tsk over confident!" Komento niya bago bumalik sa pwesto niya kanina. "Bakit hindi ba ako gwapo para sayo?" Natatawang sabi ng lalaki. Umirap si Ken. "Hindi." Sabi niya. Lalong natawa ang lalaki. "Hindi pala ha. Mainlove ka lang saken bahala ka." "Alam mo ang kapal mo! Hahanga pa sana ako sayo kaso hindi na lang." Inubos niyang tuluyan ang juice na iniinom niya kanina. "Who are you by the way?" Kanina pa sila magkasama at magkausap hanggang ngayon hindi niya pa kilala ang lalaki. "I'm Alpha." Nakangiting sagot ng lalaki. "Alpha?" Tumango sa kaniya ang lalaki. Weird name, sa isip-isip ni Ken. Maya-maya ay nagvibrate ang cellphone ni Ken. Agad niya itong kinuha sa bulsa. Napalaki ang mata niya ng makitang tumatawag ang ate niya. "F*ck!" He cursed. "Sorry I need to go. Marami pa akong gustong itanong sayo pero next time na. Kailangan ko na talagang umalis. Thank you!" Mabilis siyang tumayo at lumabas ng condo unit ng lalaki. May namuong tanong sa isip niya habang papalayo sa lugar ng lalaki. Magkikita pa kaya silang muli ng lalaki? He need to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD