bc

Caged by Desire [Rated SPG| R-18]

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
one-night stand
family
HE
fated
heir/heiress
drama
serious
city
like
intro-logo
Blurb

One night of reckless passion. A lifetime of consequences.

Selene Flores never imagined her fifth anniversary would end with her heart shattered into pieces. Catching her boyfriend in bed with her best friend was the final straw—five years of forgiving his betrayals, gone in an instant.

Drowning her sorrows at Eclipse, Manila's most exclusive club, Selene makes a decision that will change everything: give away what she's been saving to a devastatingly handsome stranger. No names, no numbers, no strings attached. Just one night to forget the pain.

Drake Valencia didn't plan on being captivated by the heartbroken woman at the bar. As heir to a real estate empire, he's used to getting what he wants—but she disappears before dawn, leaving him with nothing but memories of the most intense night of his life.

Weeks later, Selene walks into a conference room and comes face-to-face with her one-night stand. Drake Valencia. Her new boss. And he has no intention of letting her slip away again.

What starts as an impossible attraction becomes an undeniable connection. But navigating a relationship built on secrets, societal pressure, and a night they were supposed to forget won't be easy. His family's disapproval, her career ambitions, and the scars of her past threaten to tear them apart.

From strangers to lovers, from passion to partnership—can a relationship born from one reckless night survive the weight of forever?

chap-preview
Free preview
Prologue
LIMANG TAON. Ganoon katagal ang inaksaya ni Selene Flores sa lalaking akala niya ay magiging forever niya. Pero sa gabing 'yon na dapat ay ipagdiriwang nila ang fifth anniversary nila—nalaman niyang limang taon lang pala siyang nag-aksaya ng oras. Nakatayo si Selene sa harap ng pinto ng condo ni Tristan, hawak pa niya 'yung paper bag na puno ng surprise. May wine, may pagkain na paborito nito, at may maliit na box na naglalaman ng limited edition cufflinks na matagal na niyang pinagipunan at yung binili niyang lingerie. Akala niya, ngayong gabi, mag-propose na si Tristan. Limang taon na sila. Tangina, sobrang tagal na noon. Lahat ng kakilala nila, either kasal na o nag-propose na. Sila lang ni Tristan ang parang stuck sa limbo. Boyfriend-girlfriend lang. Walang usad. Pero okay lang daw, sabi niya sa sarili niya. Mahal naman niya si Tristan eh. Mahal naman niya siya. O baka sadyang tanga lang siya. Binuksan niya 'yung pinto gamit ang spare key niya. Tahimik siya pumasok kasi gusto niya talagang surprise. Imagine niya, makikita ni Tristan 'yung effort niya, tapos kikiligin, tapos... Narinig niya 'yung ingay mula sa living room. Una, akala niya TV lang 'yun. Siguro nanonood ng something si Tristan. Pero habang papalapit siya, mas lumilinaw 'yung tunog. Ungol. Daing. 'Yung tipong... 'yung tipong hindi mo dapat maririnig sa TV. Napatigil si Selene sa gilid ng hallway. Parang may kumulo sa dibdib niya. Parang alam na niya kung ano 'yung makikita niya, pero ayaw pa ring maniwala ng utak niya. ‘Please, hindi 'to 'yun’, sabi niya sa sarili. ‘Please, please, please—’ Pero nung sumilip siya at nakita niya 'yung living room... Nahulog 'yung paper bag na hawak niya. CRASH. 'Yung wine bottle, nabasag sa marble floor. Red wine everywhere. Pero mas red flag pa 'yung nakita niya sa couch. Si Tristan. At si Ashley. Naka-hubad. Naka-patong si Ashley sa boyfriend niya, tangina. Naka-patong si Ashley kay Tristan, mga mukha nila halos magkadikit, mga katawan nila magkasama, at— Fuck. Fuck, f**k, f**k. Napatingin silang dalawa kay Selene. Nanlaki 'yung mga mata ni Ashley. Sumigaw siya, sabay takip ng throw blanket sa katawan niya. 'Yung blanket na binigay ni Selene kay Tristan last Christmas. Tangina talaga. Si Tristan, tumayo. Naka-hubad pa rin. Walang kahihiyan. Nag-panic lang ng kaunti, pero mas mukhang... Mukhang inis siya. Inis na nadisturbo sa ginagawa nila. "Selene—" sabi ni Tristan, tapos naglakad papunta sa kaniya. Pero umurong si Selene. Hindi niya kayang tingnan si Tristan nang diretso. Kasi alam niya, kapag tiningnan niya, iiyak siya. At ayaw niya. Ayaw niyang makita ni Tristan na nasasaktan siya. Kasi tangina, sobrang sakit. "Baby, wait!" sigaw ni Tristan. "It's not what it looks like!" Napatigil si Selene. Hindi dahil naniwala siya. Kundi dahil natawa siya. Natawa siya kasi tangina, gano'n ba talaga? Gano'n ba ka-cliché ang buhay niya? Parang pelikula lang? Parang sa story lang na binabasa niya? ‘It's not what it looks like.’ Bitch, huwag nga siya. Nakita niya. Nakita niya lahat. Kaya tumalikod na si Selene. Naglakad siya pabalik sa pinto. Iniwan niya 'yung basag na wine bottle, 'yung pagkain, 'yung cufflinks. Iniwan niya 'yung lahat. Kasama na si Tristan. "Sel, please! Let me explain!" sumigaw ulit si Tristan sa likod niya. Pero hindi na siya lumingon. Lumabas si Selene ng condo. Sinara niya nang malakas ang pinto. Tapos naglakad siya papuntang elevator nang mabilis, kasi parang konting segundo na lang, babagsak na siya. Pagpindot niya ng button, nanginginig 'yung kamay niya. Pagbukas ng elevator, blurred na 'yung paningin niya. Pagpasok niya, pumatak na 'yung luha. Tangina. Limang taon. Limang taon na binigay lahat kay Tristan. 'Yung oras niya, 'yung effort niya, 'yung tiwala niya. Limang taon niya dinefend si Tristan sa mga kaibigan niya na sinasabing babaero 'yung lalaki, na hindi siya magiging faithful. Limang taon niya sinabihan ang sarili niya na, "No, si Tristan, special. Si Tristan, magbabago para sa akin." Pero gago lang pala siya. Pagdating niya sa parking lot, tumakbo siya papunta sa kotse niya. Sumakay, lock agad ng pimto, saka niya hinayaang lumabas lahat. Umiyak si Selene nang malakas. 'Yung tipong halos hindi na siya makahinga. 'Yung tipong parang gusto niyang mamatay sa sakit. Pero hindi. Kasi mas galit pa siya kaysa nasasaktan. Galit kay Tristan na niloko siya. Galit kay Ashley na kinabet siya. Pero mas galit siya sa sarili niya. Kasi bakit? Bakit hinayaan niya? Bakit pinilit niya pa ring maniwala? Alam naman niya. Alam niya naman na may mga babae si Tristan. Marami. Ilang beses na niya nahuli. Pero pinipatawad niya. Paulit-ulit. Kasi sabi niya sa sarili niya, "Mahal niya ako. Magbabago siya." Pero hindi. Hindi nga. Ilang minuto siyang umiiyak sa loob ng kotse bago niya napansin ang phone niya. Tumutunog. Ilang missed calls na. Tristan. Ashley. Mika. 'Yung ibang kaibigan. Pinindot ni Selene 'yung power button. Saka in-Off. Ayaw niyang pakialaman siya ngayon. Nag-start siya ng kotse. Nagdrive. Walang patutunguhan. Basta gusto niya lang lumayo. Dumaan siya sa EDSA. Sa Makati. Sa BGC. Ang daming tao. Ang daming kotse. Lahat sila, parang normal lang ang buhay. Parang walang problema. Inggit siya. Nag-stop siya sa red light, tapos nakita niya 'yung sign sa kanan. **Eclipse.** 'Yung club na palagi niyang nadadaanan pero hindi niya kailanman pinasok. Kasi ano, expensive. Sosyal. Hindi klase ng lugar papasukin niya. Pero ngayong gabi... Ngayong gabi, wala siyang pakialam. Gusto niya lang makalimot. Gusto niyang lunurin ang sarili niya sa alak. Gusto niyang maging ibang tao. 'Yung tipong hindi 'yung Selene na good girl, 'yung Selene na palaging mauunawain, 'yung Selene na palaging talo. Gusto niya maging 'yung Selene na walang pakialam sa kahit sino. Kaya pumasok siya. --- Pagpasok niya ay sumulubong sa kaniya ‘yung music, sobrang lakas. 'Yung beat, parang tumatagos sa buong katawan. 'Yung lights, pula, bughaw, lila—lahat nakaka-hilo pero ang ganda pa rin. Ang daming tao. Lahat mukhang sosyal. 'Yung mga babae, naka-bodycon dress at heels. 'Yung mga lalaki, naka-suit o naka-expensive casual. Diretso si Selene sa bar. Wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa kaniya. Wala siyang pakialam kung mukhang out of place siya. Umupo siya sa bar stool, tapos tinawag 'yung bartender. "What can I get you, Miss?" tanong nito. May ngiti, pero medyo nagulat. Siguro nakita niya 'yung pula ng mata ni Selene. O 'yung smudged mascara. "The strongest drink you have," sabi ni Selene nang walang emosyon. "You sure about that?" Tiningnan ni Selene 'yung bartender nang diretso. "Do I look like I'm joking?" Umiling 'yung bartender. Kumuha na lang ng baso. Ilang segundo lang, may inilapag sa harap niya. Clear liquid. Mukhang tubig. Pero alam ni Selene, malayo sa tubig 'yun. Ininom niya nang isang lagok. Fuck. Nakakasunog. Parang sinunog 'yung lalamunan niya pababa hanggang sa tiyan. Pero okay lang. Gusto niya 'yun. Gusto niya 'yung sakit na 'yun kasi kahit papaano, nakakalimutan niya 'yung sakit sa dibdib. "One more," sabi niya sa bartender. Nagdadalawang-isip 'yung bartender, pero nag-serve pa rin. Second shot. Third shot. Fourth shot. Basta umiinom si Selene nang umiinom hanggang sa medyo lasing na siya. Malabo na 'yung paningin niya. Lumulutang na 'yung pakiramdam niya. Perfect. Tiningnan niya 'yung phone niya. In-on niya sandali. Sixty-three missed calls. Saka niya in-off ulit. Tiningnan niya 'yung sarili niya sa reflection sa likod ng bar. Ang pangit niya tingnan. Basang-basa 'yung mata dahil sa pag-iyak at pulang-pula ito, sabog din 'yung buhok niya. Pero wala siyang pakialam. Naisip niya si Tristan. Naisip niya si Ashley. Naisip niya 'yung limang taon. *Limang taon akong naghintay*, sabi niya sa sarili. *Limang taon akong nag-ingat ng sarili ko para sa kaniya.* Kasi virgin pa siya. Oo, sa edad na twenty-six, virgin pa rin siya. Kasi kahit anong pilit naman ni Tristan na mag-s*x sila, pero lagi niyang sinasabi, "I want to wait. I want it to be special. When we get married." Pero gago pala. Hindi na nila aabutin ang kasal. Kasi nanloloko pala ang gago. Kaya naisip ni Selene— Fuck it. Fuck waiting. Ibibigay niya 'yung p********e niya ngayong gabi. Pero hindi kay Tristan. Sa kahit sino. Sa unang lalaking lalapit sa kaniya. One night stand. Basta. Walang commitment. Walang feelings. Walang drama. Sex lang. Kasi gusto niya. Kasi deserve niya. Kasi putangina, sayang naman kung hindi. Kaya nag-order siya ng isa pang drink, tapos naghintay. At may dumating nga. May lumapit sa kaniya. "You look like you're planning something dangerous." 'Yung boses, malalim. Smooth. Parang sa radio. May British-American accent na halong Tagalog. Lumingon si Selene. At... Fuck. Ang gwapo. Sobra. Matangkad—siguro six feet. Mestizo. May deep brown eyes na parang nakikita ang buong pagkatao at kaluluwa mo. May mahabang pilikmat na nakaka-inggit. Matangos ang ilong. Pula ang labi. Tapos 'yung katawan—tangina, kahit naka-damit, kitang-kita 'yung muscles. Naka-black button-up shirt siya, sleeves naka-roll up, tapos may Rolex sa pulso. Messy 'yung buhok niya pero 'yung tipong sinadya. Tapos 'yung tingin niya kay Selene... Heated. Intense. Parang gusto niya siyang kainin. "Murder? Revenge? Or both?" dugtong niya, tapos ngumiti. 'Yung tipong half-smile. 'Yung tipong nakaka-kilig pero nakaka-takot din. Tiningnan ni Selene 'yung lalaki. Lasing na siya, oo. Pero alam niya pa rin kung ano 'yung nangyayari. At alam niya na ito na. Ito na 'yung lalaking bibigyan niya ng first time niya. "Neither," sagot ni Selene, kahit medyo sablay na 'yung diction niya. "I just want to forget." Umupo 'yung lalaki sa tabi niya. Hindi naman niya tinanong kung pwede. Umupo lang. Tinawag 'yung bartender, nag-order ng whiskey. "Forget what?" tanong niya kay Selene, casual lang, pero 'yung tingin niya, nag-i-stay sa mukha niya. "Everything." Tumango 'yung lalaki. Kunuha niya 'yung whiskey niya, uminom. Tapos tiningnan ulit si Selene. "Bad day?" "Bad five years." Tumaas 'yung kilay niya halatang naging interesado sa kuwento niya. "Then you're overdue for a good night." At doon, nag-click. Nag-click sa utak ni Selene. Ito na. Ito na 'yung lalaking gagawin niyang one night stand. Kaya tiningnan niya 'yung lalaki nang diretso. Inubos niya 'yung drink niya. Ibinaba 'yung baso nang malakas. Tapos lumapit siya. At hinalikan niya. Walang warning. Walang introduction. Walang tanong kung okay lang. Hinalikan lang niya. At tumugon 'yung lalaki. Grabe 'yung halik. Hindi sweet. Hindi gentle. Desperate at parang gutom. Parang pareho silang gutom na gutom at ang mga labi ng isa’t isa ang gusto nilang papakin. 'Yung kamay ng lalaki ay humawak sa bewang ni Selene saka siya hinila palapit. 'Yung isa, nasa batok niya. Hinawakan siya nang mahigpit, tapos mas diniin pa 'yung halik. Ilang segundo o ilang minuto, hindi na alam ni Selene. Basta pagkalas nila, halos wala na siyang hininga. "Come with me," sabi ng lalaki. Boses niya, mas malalim na. Boses na parang nag-uutos. At si Selene, kahit lasing, kahit sabog ang isip, tumango. "Okay." Tumayo 'yung lalaki. Binayaran niya 'yung drinks. Hindi na nag-tanong kung magkano. Tinawag niya 'yung isang taong naka-suit—bodyguard siguro—tapos may binulong. Pagkatapos, hinawakan niya 'yung kamay ni Selene. At hinila niya si Selene palabas ng club. Hindi alam ni Selene kung sino 'yung lalaki. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin. Hindi niya alam kung anong mangyayari. Pero sumunod siya. Kasi ngayong gabi, wala siyang pakialam sa bukas. Ngayong gabi, gusto niya lang makalimot. Ngayong gabi, gusto niya lang maging malaya. Kahit isang gabi lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Coração Sombrio- Estefano

read
3.3M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
528.1K
bc

The Rejected Mate

read
806.7K
bc

Too Late for Regret

read
409.0K
bc

Chosen By The Cursed Alpha King

read
295.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.9M
bc

Corazón oscuro: Estefano

read
2.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook