Chapter 2

1736 Words
PAGDATING ni Selene sa condo ni Tristan, nag-park siya sa usual spot niya sa basement parking. Ground level, malapit sa elevator. Bumaba siya ng kotse, kinuha 'yung dalawang eco bags puno ng groceries, 'yung wine na binalot niya ng maayos, at 'yung maliit na paper bag na naglalaman ng cufflinks, and... well, 'yung lingerie. Grabe ang bigat. Pero okay lang. Kasi excited siya. Kahit wala pang text si Tristan, okay lang. Kahit walang greeting, okay lang. Baka naman talaga may surprise. Baka pagbukas niya ng pinto, nandun na si Tristan, nag-prepare ng dinner, may flowers, may candles, tapos... Tapos mag-propose. Oo, baka 'yun na nga. Ngiti ni Selene habang naglalakad papunta sa elevator. Sumakay siya. Pinindot ang 28th floor. Habang umaangat ang elevator, tiningnan niya ang sarili niya sa reflection ng metal doors. Okay pa naman. Ayos pa ang make-up. Okay pa ang buhok. Maganda pa rin ang dress. Perfect. *Ding.* 28th floor. Lumabas si Selene. Naglakad sa hallway papunta sa Unit 2804. 'Yung condo ni Tristan. Huminto siya sa harap ng pinto. Kinabahan siya bigla. Bakit? Hindi naman niya alam. Ilang beses na siyang pumunta dito. Pero ngayong gabi, may iba. Parang may something na hindi maganda. Hinugot niya ang spare key mula sa purse niya. 'Yung susi na binigay ni Tristan ilang buwan na ang nakakaraan. "Para pag gusto mong bisitahin ako kahit anong oras, pwede," sabi ni Tristan noon. Pero ngayon, habang hawak ni Selene 'yung susi, nag-dalawang-isip siya. Dapat ba niyang i-text muna si Tristan? Dapat ba niyang kumatok? Pero... pero surprise 'to, diba? Kaya dapat walang text, walang tawag. Kaya ibinaba niya ang eco bags sa sahig. Hinawakan ang door knob. Nilagay ang susi. Twist. Click. Bumukas ang pinto. Tahimik. Walang ilaw sa foyer. Pero may ilaw galing sa loob—sa living room area. Pumasok si Selene. Dahan-dahan. Kinuha ulit niya 'yung eco bags. Maingat na naglakad papasok. "Tristan?" tawag niya, mahinang boses. Walang sagot. Pero narinig niya ang tunog. Parang... parang ungol? Tumigil si Selene sa daan papunta sa living room. Kumunot ang noo niya. Ano 'yun? Lumapit pa siya ng kaunti. Tapos narinig niya ulit. Ungol. Daing. 'Yung tipong... 'yung tipong parang... Napatigil si Selene. Nanlamig ang katawan niya. Parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi. Hindi pwede. Hindi naman siguro. Pero lumapit pa rin siya. Dahan-dahan. Parang ayaw niya makita kung ano 'yung nandun, pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. At pagdating niya sa gilid ng hallway, nakita niya. Nakita niya ang living room. At nakita niya sila. Si Tristan. Naka-hubad. Nakaupo sa couch. At sa ibabaw niya... Naka-patong... Naka-hubad din... Gumagalaw... Si Ashley Reyes. 'Yung kaibigan niya. 'Yung best friend niya nung college. 'Yung laging kasama niya noon. 'Yung tinuring niyang kapatid. Naka-patong kay Tristan. Naka-hubad. Halatang nag-se-s*x. Bumagsak ang eco bags na hawak ni Selene. **CRASH.** 'Yung wine bottle, nabasag sa marble tiles. Kumalat ang red wine sa sahig. Parang dugo. Napatingin silang dalawa sa direksyon ni Selene. Nanlaki ang mata ni Ashley. Namutla. Sumigaw. "Oh my God!" Kumuha siya agad ng throw blanket mula sa gilid ng couch. Tinakpan ang sarili. 'Yung blanket na binigay ni Selene kay Tristan last Christmas. Tangina. Si Tristan, tumayo. Naka-hubad pa rin. Walang kahihiyan. May gulat sa mukha, oo. Pero hindi 'yung guilt. Hindi 'yung pagsisisi. Parang... parang inis lang na nadisturbo. "Selene—" sabi ni Tristan, tapos nagsimula siyang maglakad papunta kay Selene. Pero hindi gumalaw si Selene. Nakatayo lang siya doon. Nakatingin. Blangko ang mukha. Walang emosyon. Kasi parang... parang na-shut down ang utak niya. Parang hindi niya ma-process kung ano 'yung nakikita niya. Kasi imposible 'to, diba? Imposible. Ngayong gabi, fifth anniversary nila. Ngayong gabi, dapat masaya sila. Ngayong gabi, dapat sila lang dalawa. Pero... pero bakit nandito si Ashley? Bakit naka-hubad sila? Bakit... "Selene, baby—" sabi ulit ni Tristan, mas malapit na siya. Pero umurong si Selene. Ayaw niyang lapitan siya ni Tristan. Ayaw niyang hawakan siya. Kasi... kasi parang... parang ang dumi niya. Ang dumi nilang dalawa. "Baby, please. It's not what it looks like," sabi ni Tristan, taas ang mga kamay na parang sumusuko. Natawa si Selene. Hindi 'yung tawa na nakakatawa. 'Yung tawa na parang nababaliw na. "Not what it looks like?" ulit niya, boses niya parang pabulong lang. "Not what it looks like?" Tumango si Tristan. "Yes. Baby, I can explain—" "Explain what?" putol ni Selene. "Explain kung bakit naka-hubad kayo? Explain kung bakit si Ashley—" hindi niya natapos kasi tumingin siya kay Ashley. Si Ashley na hanggang ngayon, naka-upo pa rin sa couch, naka-takip ng blanket, namumula ang mukha. "Sel, I'm so sorry—" nagsimula si Ashley. "Sorry?" ulit ni Selene. "Sorry?!" Tumayo si Ashley. Hinawakan ang blanket nang mahigpit. "Sel, please. Hindi ko naman sinasadya. It just... it just happened—" "It just happened?" singhal ni Selene. "Putangina, Ashley! Kaibigan kita! Best friend kita nung college! Tinuring kitang kapatid! Tapos 'yan?! 'Yan ang gagawin mo sa akin?!" Umiyak si Ashley. "I'm sorry, Sel. I'm really sorry. Pero... pero mahal ko siya." Natigilan si Selene. Mahal? Mahal? "Mahal?" ulit ni Selene, parang nag-confirm kung tama ba ang narinig niya. Tumango si Ashley. "Yes. Mahal ko si Tristan. At... at mahal niya ako." Napatingin si Selene kay Tristan. Nakatingin si Tristan kay Ashley. Hindi siya nag-deny. Hindi siya nagsalita. Ibig sabihin... Ibig sabihin totoo? Naramdaman ni Selene ang pagtulo ng luha sa pisngi niya. Hindi niya napansin na umiiyak na pala siya. "How long?" tanong niya, boses niyang parang basag na. Walang sumagot. "How long?!" sigaw ni Selene, mas malakas ang boses niya. Nag-iwas ng tingin si Tristan. "Sel—" "Ilang buwan?! Ilang taon?! Kailan pa?!" sunud-sunod na tanong ni Selene, lumapit siya kay Tristan, tinulak siya sa dibdib. "Kailan ka pa nagloloko sa akin?!" Humakbang paatras si Tristan. "Selene, calm down—" "Calm down?! CALM DOWN?!" sigaw ni Selene. "Nahuli kitang nakikipag-s*x sa kaibigan ko, sa mismong gabi ng anniversary natin, at sasabihan mo akong mag-calm down?!" "Sel, please—" "Sagutin mo lang ako! Ilang buwan na kayong ganito?!" Huminga nang malalim si Tristan. Tumingin kay Ashley. Tapos tumingin pabalik kay Selene. "Six months," sagot niya. Napaatras si Selene. Six months. Anim na buwan. Anim na buwan na silang nanloloko sa kaniya. Anim na buwan na may relasyon si Tristan at Ashley. Ibig sabihin... ibig sabihin habang sweet si Tristan sa kaniya, habang nag-dedate sila, habang nag-I love you sila... Kasama niya si Ashley. "Oh my God," bulong ni Selene, hawak niya ang dibdib niya kasi parang hindi siya makahinga. Lumapit si Tristan. "Baby, I'm sorry. I didn't mean for this to happen. I swear—" "Don't touch me!" sigaw ni Selene, umiwas siya. "Don't you dare touch me!" Tumigil si Tristan. Tumingin si Selene sa dalawa. Kay Tristan. Kay Ashley. Dalawang tao na mahal niya. Dalawang tao na pinagkakatiwalaan niya. Dalawang tao na... na niloko siya. Sabay pa talaga sa dapat celebration ng anniversary nila. Umiyak si Selene nang mas malakas. Pero hindi niya hinayaang makita nila 'yun nang matagal. Binalikan niya ang sahig kung nasaan 'yung basag na wine bottle. 'Yung pagkain na dala niya. 'yung maliit na paper bag na may lingerie at cufflinks na regalo niya. Tiningnan niya 'yung lahat. 'Yung effort niya. 'yung pag-asa niya. 'Yung kagagahan niya. Tumalikod si Selene. Naglakad papunta sa pinto. "Selene! Wait!" sumigaw si Tristan sa likod niya. Pero hindi siya tumigil. Mas binilisan pa niya ang lakad. "Selene, please! Let me explain!" sigaw ulit ni Tristan. Pero ayaw niyang marinig. Ayaw niya nang marinig ang boses ni Tristan. Ayaw niya nang marinig ang kahit ano. Lumabas si Selene ng unit. Sinara niya nang malakas ang pinto. Tumakbo siya papunta sa elevator. Pinindot niya nang paulit-ulit ang button. "Come on, come on, come on," bulong niya, nanginginig ang kamay niya. Bumukas ang elevator. Pumasok siya. Pinindot ang ground floor. Tapos saka lang siya huminga. Huminga nang malalim. Pero parang kulang pa rin. Parang hindi pa rin enough. Kasi parang gusto niyang sumigaw. Gusto niyang makipagsuntukan. Gusto niyang mamatay. Pero wala siyang magawa. Wala. Kaya humawak lang siya sa railing ng elevator. Hinayaan ang sarili niya. Hinayaan ang luha. Hinayaan ang sakit. *Ding.* Ground floor. Bumukas ang elevator. Lumabas si Selene. Tumakbo siya papunta sa kotse niya. Sumakay, nag-lock ng pinto, saka nag-seatbelt. Tapos tsaka siya sumabog. Umiyak si Selene nang malakas. 'Yung tipong parang gusto niyang mamatay sa sakit. 'Yung tipong parang gusto niyang sumigaw nang sumigaw. Pero wala siyang magawa kundi umiyak. Umiyak habang hawak ang manibela. Umiyak habang nakatingin sa dashboard. Umiyak habang nag-iisip kung... Kung bakit. Bakit siya. Bakit si Ashley. Bakit ngayong gabi. Bakit sa anniversary pa nila. Bakit... Bakit hindi siya enough. Tumunog ang phone niya. Si Tristan. Decline. Tumunog ulit. Si Ashley. Decline. Tumunog ulit. Si Mika. Nag-dalawang-isip si Selene. Pero sinagot niya. "H-hello?" boses niyang sira na. "Sel?! Oh my God, what happened?! Bakit ka umiiyak?!" boses ni Mika, nag-aalala. "M-miks—" pero hindi niya natapos kasi sumabog ulit siya sa iyak. "Sel! Talk to me! Nasaan ka?! Ano nangyari?!" Pero hindi makasagot si Selene. Kasi paano niya sasabihin? Paano niya ie-explain na nahuli niya ang boyfriend niya at ang best friend niya na nag-se-s*x? Paano niya ie-explain na linoko siya ng dalawang taong pinaka-mahal niya? Paano? "Sel, please. Talk to me. Nasaan ka? Pupuntahan kita," sabi ni Mika, boses niyang soft na. "C-condo ni Tristan," sagot ni Selene, halos pabulong. "Okay. Stay there. Papunta na ako. Don't go anywhere. Okay?" Tumango si Selene, kahit hindi naman nakikita ni Mika. "Okay," bulong niya. Binaba na ni Mika ang tawag. At naiwan si Selene. Mag-isa. Sa parking lot. Umiiyak. Wasak. Ilang minuto lang, dumating si Mika. Kumatok sa bintana ng kotse, pinagbuksan naman siya ni Selene saka ito niyakap agad ni Mika. Niyakap nang mahigpit. At doon, mas lalo pang sumabog si Selene. Umiyak siya sa balikat ni Mika. Umiyak nang umiyak. Hanggang sa wala na siyang luha. Hanggang sa halos wala na siyang boses. Hanggang sa pagod na pagod na siya. "Let's go," sabi ni Mika pagkatapos. "Uuwi ka muna sa bahay ko. Hindi ka pwedeng mag-isa ngayong gabi." Tumango lang si Selene. Kasi wala na siyang lakas. Wala na siyang pakialam. Wala na. At habang nag-da-drive si Mika, hawak ang kamay ni Selene, naisip ni Selene... Limang taon. Limang taon ang inaksaya niya. Limang taon niyang niloko ang sarili. At ngayong gabi... Ngayong gabi, nawala lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD