UNANG naramdaman ni Selene nung nagising siya ay matinding sakit. Hindi yung sakit sa ulo na sanay na siyang maramdaman after uminom. Hindi rin yung sakit sa puso na nararamdaman niya tuwing naalala niya si Tristan.
Ito yung sakit sa buong katawan. Yung tipong parang nabugbog siya. Yung tipong ramdam niya ang bawat galaw niya, bawat hinga niya.
At nung slowly niyang binuksan ang mata niya, wala siyang maalala. Yung unang nakita niya ay puti. Puting kisame. Puting kurtina na natatangay dahil sa hangin mula sa aircon. Yung ilaw na pumapasok galing sa malaking bintana—floor-to-ceiling windows na nakaharap sa Manila skyline.
"s**t," bulong niya sa sarili niya.
Hindi ito yung apartment niya. Hindi ito yung bahay ng parents niya. Hindi ito kahit saan na pamilyar sa kanya.
Dahan-dahan siyang umupo, hawak ang blanket sa dibdib niya. Tsaka lang niya narealize na hubad siya. Completely naked. Wala siyang saplot kahit ano.
At katabi niya sa kama—
Wala.
Mag-isa lang siya sa malaking kama. King-size bed na puti ang bedsheet, malambot yung unan, at amoy luxury lahat. Yung tipong malamang hindi niya afford kahit isang buwan niyang sweldo.
Napahawak siya sa ulo niya, trying to remember kung ano bang nangyari kagabi.
Club. Eclipse Club. Uminom siya. Madami. Tapos may lumapit sa kanya na lalaki.
Drake.
Bigla siyang napatigil.
Oh my God.
Biglang bumalik lahat ng memories sa utak niya. Yung paghalik niya sa lalaking yun. Yung pag-uwi nila dito. Yung—
"Oh my God," ulit niyang sabi, pero mas malakas na ngayon.
Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. Parang gusto niyang maging invisible. Parang gusto niyang bumalik sa kagabi at sampalin ang sarili niya.
Ano ba ginawa niya?
Nagkipag-s*x siya. With a complete stranger. Sa first time niya. Yung first time na matagal na niyang sinasave para kay Tristan—para sa future husband niya—binigay niya lang basta-basta sa lalaking hindi niya kilala.
Nakaramdam siya ng pagkahilo. Hindi dahil sa hangover. Dahil sa kahihiyan. Dahil sa takot. Dahil sa guilt na naramdaman niya.
Ilang beses siyang huminga ng malalim, trying to calm down. Hindi pwedeng mag-panic siya ngayon. Kailangan niyang umalis dito bago pa siya makita nung lalaki.
Tumingin siya sa paligid, looking for her clothes.
Nakita niya ang damit niya—neatly folded sa isang upuan malapit sa kama. Pati underwear niya andun, nakatiklop ng maayos. May nakasabit ding robe sa sandalan ng upuan, mukhang para sa kanya.
Ibig sabihin may nag-ayos nung damit niya. Ibig sabihin nakita siya ng—
"Stop it, Selene," saway niya sa sarili niya. "Just get dressed and leave."
Dali-dali siyang bumangon, bitbit ang blanket para takpan ang katawan niya. Sumakit yung katawan niya sa bawat kilos, pero hindi na niya pinansin. Kailangan niyang kumilos nang mas mabilis.
Kinuha niya yung damit niya at nagbihis siya ng mabilis. Yung suot niya kagabi—yung black dress na binili niya para sa anniversary date na hindi natuloy—parang ang awkward na ngayong isuot. Parang reminder ng lahat ng pagkakamali niya.
Nung fully dressed na siya, napatingin siya sa salamin.
Ang gulo ng buhok niya. Yung makeup niya smudged na. May mga marka sa leeg niya na—
Hinawakan niya yung leeg niya, nakita niya sa salamin yung faint na mga pula. Love bites. Hickeys.
"f**k," bulong niya.
Kailangan niyang takpan yun mamaya. Kailangan niyang—
Narinig niya ang tunog galing sa labas ng kwarto.
Voices. May kausap yung lalaki sa phone.
Napatigil si Selene, nakinig.
Yung boses na malalim na parang powerful. English yung sinasabi niya, something about business. Contracts. Meetings. May sinabi pa tungkol sa property development.
Business talk at mukhang seryoso ‘yung usapan.
Ibig sabihin hindi lang basta-basta yung lalaking yun. May trabaho siya.
At nandito siya, sa condo niya. Penthouse niya. Kasi nung tumingin si Selene sa bintana, nakita niya kung gaano kataas yung building. Nasa top floor sila. Penthouse suite.
This guy—si Drake—mayaman siya. Really rich.
At siya? Siya si Selene, yung babaeng may broken heart, walang self-control, at ngayon ay nasa penthouse ng stranger na kinakain ng sarili niyang konsensya.
Kailangan niyang umalis.
Kinuha niya yung bag niya—thank God nakalapag lang sa tabi ng upuan—at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto.
Nakita niya agad ang binata.
Si Drake. Standing sa living area ng penthouse, nakaharap sa malaking glass window, hawak ang phone sa tenga, naka-business attire na. Slacks at white polo shirt, naka-tuck in, kamay na nakahalukipkip. Yung buhok niya, na magulo kagabi, ngayon ay neatly styled.
He looked... different.
Kagabi, parang mysterious stranger lang siya. Dark, dangerous, exciting.
Ngayon, parang CEO siya. Parang boss. Parang taong may power at influence.
At bigla, nakaramdam si Selene ng mas matinding kahihiyan.
What was she thinking? Na nagawa niyang makipag-hookup with someone at walang consequence? Na kaya niyang maging spontaneous at reckless for one night?
She didn't belong here. Sa mundo niya ng architecture firm at middle-class background, hindi siya bagay sa ganitong setup. Sa mga penthouse at business calls at luxury.
She needed to leave. Bago pa siya makita.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa exit, trying to be quiet. Kung makakaabot lang siya sa elevator—
"Leaving without saying goodbye?"
Napatigil si Selene.
Fuck.
Nakita niya siya.
Dahan-dahan siyang humarap.
Si Drake, naka-end na yung call, nakatayo habang nakatingin sa kanya. Yung mukha niya—walang expression. Hindi galit. Hindi disappointed. Just... neutral. Observing her.
"I—" simula ni Selene, pero hindi niya alam ang sasabihin.
Sorry? Thank you? What do you even say sa taong—
"Coffee?" tanong ni Drake, casual lang. Parang normal lang na may babaeng gustong tumakas sa penthouse niya ng umaga.
"I... I should go," sabi ni Selene, mahina ang boses.
"It's six in the morning," sabi ni Drake, tumingin sa relo niya. "Let me at least get you breakfast. Or coffee."
"No, thank you. I really should—"
"Selene."
Yung pagkakasabi niya ng pangalan niya made her stop. Kasi she didn't remember telling him her name last night. Parang lasing na lasing na siya nun. Parang—
Wait.
"How do you know my name?" tanong niya.
Drake walked toward her, slow and deliberate. Hindi threatening, pero may presence siya na parang commanding ng space.
"You told me last night," sagot niya. "Before you passed out."
Passed out?
"I... I passed out?"
"Nakatulog ka," sabi niya, softer ngayon. "After. I carried you to bed."
Oh God.
Parang gusto niyang maging bato si Selene. Parang gusto niyang matunaw sa kahihiyan.
"Look," sabi ni Drake, nag-stop siya a few feet away from her, giving her space. "I'm not going to pretend na hindi ko alam ang nararamdaman mo ngayong umaga."
Tumingin si Selene sa kanya, confused.
"You were hurting last night," patuloy niya. "Someone hurt you. Kaya ka nandun sa club. Kaya ka uminom. Kaya ka... kaya tayo nag-end up dito."
The way he said it—walang judgment. Walang accusation. Just stating facts.
"I'm not proud of myself," bulalas ni Selene, before she could stop herself. "I don't do this. I don't just... sleep with strangers. I don't—"
"I know."
"You don't know me—"
"You're right," sabi niya, cutting her off gently again. "I don't know you. But I know you're not the type to do this normally. Kasi kung ikaw yung tipo na ganon, you wouldn't look at me right now na parang gusto mong mawala sa mundo."
Tumama yung sinabi niya.
Tumahimik si Selene.
"Let me make you coffee," alok ulit ni Drake. "Please. Tapos kung gusto mong umalis after, I'll call you a car. No strings attached."
No strings attached.
Yun naman talaga yung gusto niya, right? One night. No complications.
Pero bakit parang ang hirap tanggapin?
"Okay," sabi niya finally, kasi honestly, kailangan niya ng coffee. At parang mas awkward kung tatakbo siya palabas ngayon.
Tumango si Drake, tapos pumunta siya sa kitchen area. Yung penthouse—open layout lahat. Kitchen, living room, dining area, lahat nandun. Puro white, gray, at black ang color scheme. Modern. Minimalist. Walang personal touch.
Umupo si Selene sa stool sa kitchen island, awkward pa rin. Pinapanood niya si Drake while he made coffee. Espresso machine yung gamit niya—yung mga expensive na type na nakikita lang niya sa coffee shops.
"How do you take your coffee?" tanong niya, hindi humaharap.
"Uh... cream and sugar. Two sugars."
Tumango lang siya.
Silence.
Yung tunog lang ng coffee machine ang naririnig.
Selene was fidgeting with her hands, hindi alam san titingin. Ayaw niyang tingnan siya. Ayaw niyang tingnan ang penthouse. Ayaw niyang isipin kung ano ginawa nila kagabi sa—
"Here."
Nilapag ni Drake ang cup ng coffee sa harap niya. White mug, perfectly made coffee, may latte art pa.
"Thank you," sabi niya, tinanggap ang cup.
Umupo si Drake across from her, may hawak ding sariling cup. Black coffee, walang cream or sugar.
They sat in silence, both sipping their coffee.
It was so awkward na parang gusto na lang ni Selene lagukin ng isang beses yung coffee niya para makaalis na.
"Can I ask you something?" tanong ni Drake after a while.
Tumingin si Selene sa kanya, hesitant. "What?"
"Are you okay?"
Simple question. Two words lang.
Pero somehow, yun ang unang tanong na yun na narinig ni Selene simula kagabi.
Hindi siya tinanong ni Tristan if she's okay after malaman niyang nanloloko siya, well hindi niya na inaasahan kasi siya mismo ang pumapatay sa tawag nito. Hindi din siya tinanong ni Ashley kasi hindi din niya ito gustong kausapin. At lalong hindi niya tinanong ang sarili niya kung okay lang ba siya.
Pero ngayon, itong stranger—si Drake—asking her.
Nakaramdam siya ng kung ano sa dibdib niya. Parang gusto niyang umiyak. Pero hindi siya pwedeng umiyak. Hindi dito. Hindi sa harap niya.
"I'm fine," sabi niya, kahit obvious na hindi.
Tumango si Drake, pero yung tingin niya—parang hindi naniniwala.
"What happened last night—" simula niya.
"Was a mistake," putol ni Selene agad. "I was drunk. I was hurting. I wasn't thinking straight."
"Okay."
"I'm sorry if I gave you the wrong impression—"
"You didn't."
Napatigil si Selene.
"I'm not expecting anything from you, Selene," sabi ni Drake, malinaw ang boses. "I'm not going to call you. I'm not going to show up sa work mo or sa bahay mo. If you want to forget this happened, then we'll forget this happened."
Dapat relieved siya. Dapat happy siya na ganun kadali. Pero bakit parang may kung ano sa dibdib niya? Parang disappointment?
"But," patuloy ni Drake, at tumingin siya ng diretso sa mata niya, "I need you to know that last night wasn't a mistake for me."
Napakurap si Selene.
"I wanted you," sabi niya, simple. Honest. "I still want you. But I respect you enough to let you walk away kung yun ang gusto mo."
Ang bigat ng sinabi niya.
Ang honest.
Ang direkta.
Hindi niya alam ang irereply niya.
"I... I need to go," sabi niya finally, standing up. Kailangan niyang umalis bago pa siya ma-confuse. Bago pa siya mag-decide ng mali ulit.
Tumayo rin si Drake. "I'll call you a car."
"No, it's fine. I'll get a taxi—"
"It's six in the morning, Selene. Let me at least make sure you get home safe."
Parang wala siyang choice kundi tumango.
Kinuha ni Drake ang phone niya, nag-text. Within a minute, ay may nag-reply sa kaniya.
"My driver will be here in five minutes," sabi niya.
"Okay. Thank you."
Awkward silence ulit.
They both stood there, sa living area, hindi alam ang gagawin.
"Can I ask you one more thing?" tanong ni Drake.
Tumango si Selene.
"Can I have your number?"
"Why?"
"Just in case," sabi niya. "In case you need anything. In case you want to talk."
"We agreed no strings—"
"This isn't strings. This is just... being decent."
Nakaramdam si Selene ng hesitation. Kasi part of her—yung rational, logical, self-preserving part—was screaming no. Huwag mo bibigyan ng number. Huwag mo bibigyan ng access sa buhay mo.
Pero may part din na... curious. Na gusto.
"I don't think that's a good idea," sabi niya finally.
Tumango si Drake, at para siyang disappointed, pero hindi niya pinilit.
"Okay."
Nag-buzz ang phone niya.
"Your car is downstairs."
"Thank you."
Naglakad sila toward the elevator. Yung elevator mismo, nasa loob ng penthouse. Private. Syempre private. Kasi penthouse nga.
Pinindot ni Drake ang button, tapos bumukas ang elevator.
Pumasok si Selene, humarap sa kanya.
This was it. Last time niya siyang makikita.
"Selene," tawag ni Drake before magsara ang elevator door.
Tumingin siya sa kanya.
"Forget what happened if you want," sabi niya, "but don't forget that you deserve better than whoever hurt you last night."
Yung sinabi niya hit her hard. Harder than expected. Bago pa siya maka-reply, nagsara na ang elevator door. At bumaba na siya, leaving Drake Valencia's penthouse.
Leaving behind the man she gave her first time to. Leaving behind the mistake that somehow didn't feel like a mistake.
---
Pagdating ni Selene sa lobby, may naghihintay na driver. Middle-aged man waiting for her.
"Miss Selene?" tanong niya.
Tumango lang si Selene. Binuksan niya ang car door para sa kanya. Mercedes-Benz. Syempre.
Sumakay si Selene saka niya binigay ang address niya.
The drive home was quiet. Walang siyang energy para makipag-small talk. Sa buong byahe, iniisip niya lahat.
‘Yung nangyari kagabi, si Tristan, sii Ashley at sii Drake.
Yung gabi na yun supposed to be ang five-year anniversary nila ni Tristan.
Instead, naging gabi na nasira lahat. Naging gabi na nagbago lahat. Naging gabi na hindi niya makakalimutan.
Pagdating niya sa apartment niya, thank God walang tao. Si Mika probably nasa bahay pa nila, hindi pa aware na hindi siya naka-uwi kagabi dahil pagtapos nilang mag-usap sa telepono ay hindi na niya binuksan ang cellphone niya.
Pumasok siya sa apartment saka ni-lock ang pinto.
At dun lang siya huminto. Dun lang siya huminga. Dun lang siya narealize kung anong kagagahan ang ginawa niya.
Slept with a stranger and lost her virginity. Sa isang tao na hindi niya kilala, na hindi niya mahal, na hindi man lang niya boyfriend.
Dapat guilty siya. Dapat umiiyak siya. Pero instead, nakaramdam siya ng something else.
Freedom.
For the first time in five years, parang hindi niya obligasyon si Tristan. For the first time, parang narealize niyang may mali talaga sa relationship nila. For the first time, parang she could breathe.
Pero kasama nun ang takot.
Kasi paano siya mag-mo-move on? Paano siya magsisimula ulit?
At ang lalaking yun—si Drake—paano niya kakalimutan yun?
The way he touched her. The way he looked at her. The way he made her feel, even for just one night, that she felt wanted, that she’s desirable, that she’s worth it.
"f**k," bulong niya sa sarili habang umuupo sa couch.
Kinuha niya ang phone niya saka ito binuksan. 43 missed calls. Mostly from Tristan. Some from Mika. One from Ashley na binura niya agad.
Messages flooding her phone.
Galing kay Tristan:
"Baby where are you?"
"Please answer"
"I'm sorry"
"Let me explain"
"I love you"
"Come back"
Galing kay Mika:
"WHERE ARE YOU"
"OMG Selene please tell me you're okay"
"I'm worried"
"Call me asap"
Hindi niya alam san magsisimula. Pero alam niya ang unang gagawin niya.
Text niya kay Tristan:
"We're done. Don't contact me again."
Send.
Block.
Delete.
Tapos. Iyak later. Breakdown later.
For now, kailangan niyang maligo. Kailangan niyang tanggalin ang amoy ng kagabi. Ang amoy ni Drake. Ang amoy ng isang pagkakamali na kahit paano ay hindi niya pinagsisisihan.
Tumayo siya, papunta sa banyo. But before she went in, tumingin siya sa salamin.
Same girl. Same face. Same body.
Pero somehow, pakiramdam niya, iba na siya. Hindi na siya yung Selene na tanga sa pag-ibig. Hindi na siya yung Selene na tanga kay Tristan.
She was just Selene.
At ngayon, kailangan niyang i-figure out kung sino ba talaga yun.