Pagkauwi ko ay medyo napahinto pa ako dahil saktong papalabas na ang isang hindi ko maalala na lalaki. Papasok palang ako at nakita ko ito agad.
Napansin agad ako ni Mama na naghatid sa kaniya palabas kaya napatingin rin ang lalaki saakin. Tinignan ko siya mulo ulo hanggang paa lalo na ang mukha niya para lang maalala kung sino siya.
"Oh, ayan na pala si Silene" Mama said.
Lumapit ako kay Mama upang humalik sa pisngi niya pag akyat ko sa step stairs. Si Mac naman ay nasa gilid lang ni Mama at nakangiting nakatingin saakin.
"Silene, long time no see" He said with a smile.
I forced a smile. "Yeah, long time no see. Kamusta?"
He chuckled. "I'm fine. Kakauwi ko lang kahapon dito,"
I nodded. "From?"
"New Zealand. We have business here, that's why.." He said so I nodded again.
Medyo nangangalay na ang paa ko kaya inaya ko ulit siya papasok sa loob. Hindi ko napansin na kami nalang pala ang naiiwan sa labas at pumasok na pala sa loob si Mama.
"Kumain ka na ba?" I asked him.
"Hmm, medyo nabusog ako sa hinanda kanina ni Tita. How about you? Saan ka galing?" He asked before he noticed my paperbag.
"Mall with my friends. Let's go, samahan mo kami sa dinner bago ka umuwi," I said.
Nakakahiya na pinaghintay ko siya ng ilang oras at mas nakakahiya kung wala man lang akong gagawin para hindi naman masayang ang oras na nilaan niya para saakin.
Nagpaalam ako na aakyat muna ako sa kwarto para makapagpalit ng damit kaya naiwan siya sa sala kasama si Papa.
Pagtapos kong magpalit ay dumiretso agad ako sa ibaba para makapag dinner na at masimulan na ang assignment ko. Nasa hapag na kami at nag uusap sila sa negosyo habang ako ay nakikinig lang sa kanila dahil wala naman akong alam kung ano ang pinag uusapan nila.
Natawa si Daddy bago tumango sa sinabi ni Mac. "Very business-like, huh. I like how you think, hijo"
Natawa rin si Mac at tumango sa sinabi ni Daddy. Medyo napangiti ako dahil sa sobrang galang niya makipag usap.
"Do you have a girlfriend, Mac?" Mama asked.
Napatingin agad ako kay Mac dahil medyo nasamid siya sa tanong ni Mama. Agad ko siyang inabutan ng tissue at ng bagong tubig na tinanggap niya bago nagpasalamat.
He chuckled awkwardly. "Unfortunately, I don't have po"
Mama gave him a mischievous smile. Parang inaasar na kawawa naman siya at wala siyang girlfriend. Gusto kong tumawa kaso naalala kong naiirita pala ako.
"Why not? You are very good-looking," She said.
Daddy laughed. "I see, relationship is not your priority right now"
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi ko alam na gutom pa pala ako kaya naubos ko ang pagkain ko. Hindi na masyadong nagtagal si Mac dahil kailangan niya na ring umuwi dahil hinahanap na siya sa kanila.
Pagtapos kong gawin ang skincare routine ko ay naupo agad ako sa study chair para simulan ang assignment. Binuksan ko ang laptop at nanood ng video na tungkol sa assignment.
Kinuha ko ang cellphone para tawagan si Vera. Tatawagan ko na sana siya pero naunahan niya na ako. Sinandal ko ang cellphone sa pencil holder para makita ako ng maayos habang nag uusap kami.
"Sorry ngayon lang, kakatapos ko lang maligo" She said while brushing her wet hair.
"Ayos lang, kakatapos ko lang rin" I said.
Nagsimula siyang magkwento habang nagsasagot ako. Minsan ay tumitigil ako sa ginagawa para maintindihan ng maayos ang sinasabi niya. Medyo nalilito na rin ako sa ginagawa kaya pinatapos niya muna ako sa ginagawa ko.
Tapos na pala siya sa assignment niya kaya pala parang wala ng iniintindi habang nagkukwento.
"Hindi niya sinabi sa'yo kung sino 'yung nililigawan ni Russel?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Umiling siya. Nasa kama niya na siya at naka sandal lang sa headboard habang kitang kita ko ang dim table lamp sa gilid niya na tanging nagbibigay liwanag sa kwarto niya.
"Ayoko rin namang tanungin dahil baka isipin niya na chismosa ako. Basta ang alam ko, sila silang magkakaibigan ang may alam kung sino 'yung babae," She said.
I scoffed. "Halatang ayaw ipaalam ni Russel saatin kaya ganon,"
She rolled her eyes. "True! Kaya irita talaga ako diyan kay Russel kanina e,"
"Akala ko 'yung Amanda ang nililigawan niya. One of his sidechicks lang pala," Natawa ako.
"Amanda who?" Her brows furrowed.
"Yung sa soccer game dati," I said
Medyo napaisip siya pero tumango naman. Naalala niya na siguro.
"Hindi ko sure kung same person lang ba tayong iniisip pero may isang babaeng pumasok sa isip ko. Sa party ata 'yon, noong nag away 'yung dalawa" She said.
Natawa ako dahil naalala ko rin 'yon. The night when he had a fight with Jackson because of his cheating scandal. Hindi ko makakalimutan 'yon. That was my first heartbreak.
"Oo, s'ya 'yon. The Amanda" I said.
"Oh, ano ng balak mo ngayon? You two are pretty close right now. Simula nang maghiwalay kayo ng gago mong ex,"
I shrugged my shoulders. "Magkaibigan lang naman talaga kami. Ewan ko kung bakit ganito ang nangyayari saamin,"
She laughed. "Akala ko nga may something na sainyo! The way he hugged you earlier!" Then she shrieked.
I rolled my eyes. "Nakita mo pa pala 'yon,"
"Of course!" She said.
I sighed before leaning comfortably on my chair while looking at my screen with her face on it. "Siguro balik nalang ulit sa dating trato. Less interaction, more dodging conversations"
She nodded. "Mas mabuti pa nga. Huwag ka munang lumapit habang hindi niya kinaklaro kung anong merong dalawa sainyo. Baka sidechick ka lang rin 'no!"
"Aba, gago nga talaga siya kung ganoon nga" I scoffed.
Napatigil lang ako nang ngumisi siya. "Hmm. Tama nga talaga hinala ko,"
"What?" I asked, confused.
Mas ngumisi siya na mala demonyo. "Hindi ko alam na may pagtingin ka kay Russel. Wala ka namang nasabi saamin na may nararamdaman ka sa kaniya pero after having this conversation, na confirm nga ang hinala ko" then she laughed so loud.
Agad akong nataranta dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang na realize ang pinag uusapan namin at ang mga pinagsasabi ko. Para akong babaeng may crush kay Russel.
Tawa siya nang tawa na parang wala ng bukas habang sinasamaan ko lang siya ng tingin. Gusto kong iumpog ang sarili ko sa lamesa dahil masyado akong nadala sa pait ng nararamdaman ko kanina kaya hindi ko napansin na nahahalata niya na pala ako.
Kinuha ko ang unan sa gilid ko at sinubsob sa mukha bago tumili sa sobrang inis. Rinig ko pa rin ang tawa ni Vera kaya tumili ulit ako.
"Oo na, oo na" Pagsuko ko para tumigil na siya sa pagtawa niya na nakakainis.
"Oo na na ano?" She teased.
"Oo na na may gusto ako kay Russel," I said.
"Teka ako palang naman ang may alam 'no? Hindi pa alam ng dalawa?"
I shrugged my shoulders. "May napapansin na yata pero hindi sila nagtatanong,"
"Maybe they need a perfect timing to corner you!" She said.
Pagkatapos naming mag usap ay dinapuan agad ako ng antok kaya inayos ko na ang gamit ko sa study table at tinignan kung kumpleto ba ang gamit ko sa bag bago ako nahiga sa kama at natulog.
5 AM nang magising ako at kahit medyo inaantok pa ay tumayo na ako para maligo at mag asikaso. Alas sais nang matapos na ako sa lahat kaya maaga akong lumabas ng bahay para pumunta sa unit at kunin ang iilan kong gamit.
Nakasalubong ko pa ang humihikab na Dahlia na papasok na rin sa school kaya ginulat ko siya at pabiro niya lang ako na tinulak bago nagreklamo dahil puyat daw siya kaka aral kagabi.
Sinalubong kami ni Helene na palaging maaga saaming apat. Wala ang bag niya at mukhang nilapag niya na sa room. Habang hindi pa nagsisimula ang flag ceremony ay umakyat muna kami.
"Naiiyak ako sa stiff neck ko," Sabi ni Helene habang hawak hawak gilid ng leeg niya.
"Mali yata posisyon mo kaya ganyan," Sabi ni Dahlia sa kanya.
Natigilan si Helene para hampasin siya habang natatawa. "Tangina, iba nasa isip ko bruha!"
Natawa tuloy ako dahil isang segundo bago ko naintindihan ang sinabi ni Dahlia. Nakisali ako sa pang aasar hanggang sa medyo nag iba na ang pinag uusapan kaya mas lalong nagising ang diwa nilang dalawa.
Napailing iling nalang ako sa kanila. Palabas na sana kami sa room pagkalapag namin ng bag namin pero biglang sumulpot si Vera kaya hinintay namin siya at sabay sabay na kaming bumaba.
"Malapit na pala tayong mag grade 12. Ilang linggo nalang," Vera said.
"Ilang linggo na nga lang pero sandamakmak pa rin pinapagawa, ano 'yon" Helene said.
"Another enrollment. Another puyat session na naman next school year," Dahlia yawned.
"Kahit wala namang pasok puyat ka palagi e," I said.
"Haha, nadale mo 'ko banda dyan ah," She said.
May sumita saaming teacher kaya nanahimik kami. Nagpigil tawa pa kami dahil tsaka lang namin na realize na nasa pila na kami at nagsisimula na ang ceremony.
"Gagala ba kayo mamaya? Hindi ako pwede ah, may pupuntahan ako" Helene said.
"Huwag na muna. Tambak ako ngayon," Vera said.
"Same," Sabay naming sabi ni Dahlia.
Natapos ang first subject namin at pakiramdam ko ay pagod agad ako. Minasahe ko ang kamay ko dahil medyo masakit ito dahil sa haba ng pinasulat saamin.
Tinignan ko ang mga kaibigan ko at may iba iba silang ginagawa. Si Vera ay naka focus lang sa ginagawa niyang pag memorize habang nilalaro ang ballpen sa daliri niya. May quiz kasi kami mamaya chem 2.
Si Helene naman ay nagsusulat pa rin at si Dahlia ay tahimik na natutulog sa pwesto niya. Napapikit ako nang medyo kumirot ang kanang sentido ko kaya kinuha ko agad sa bag ko ang water bottle para uminom.
Natapos ang third subject namin at vacant na namin. Nasa cafeteria na kami para kumain habang nag uusap na naman sa kung ano ano. Kakatapos ko lang kumain at uminom na ako ng gamot dahil pakiramdam ko ay lalala pa ito kung hindi ko agad aagapan.
"Muntik na akong mabokya kanina sa quiz," Helene said.
"Sunod sunod quiz at tests ngayon, ayoko na!" Pagod na sabi ni Vera bago minasahe ang magkabilang sentido.
"Gusto ko nalang umuwi," Dahlia said.
Nagtawanan kami dahil kahit puro reklamo kami ngayon ay nagsisipag pa rin kami dahil gusto namin ng magandang record.
"Ikaw, Silene. G kana talaga sa Architecture?" Dahlia asked me.
"Oo. Naghahanap na nga sila Mama kung saang school ako papasok," I said.
She nodded. "Hmm. Ako ewan ko. Siguro Engineering saakin,"
"Anong field?" I asked.
"Soccer field," She said.
Napasimangot ako dahil sa sagot niya at tumawa siya nang napansin niya ang hitsura ko. "Gago ka ah," Sabi ko.
"Marine yata, hay ewan ko!" She said.
Dumako ang tingin niya kay Helene. "Ikaw, Helene. Anong course mo?"
Napakurap kurap siya sa tanong ni Dahlia. "Mag pharma ata ako as my premed o ano, ewan ko. Go with the flow nalang,"
Tumango kaming dalawa bago tinanong si Vera. Silang dalawa lang ang abala sa cellphone nila habang naglalaro kami ni Dahlia ng kung ano ano. Nayamot agad kami kaya napunta sa tanungan ng courses.
"Ikaw, Veronica Andrea? Ano course na kukunin mo?" I asked
"Hindi ko pa alam e," She said, undecided.
Natawa si Dahlia. "Pucha, bakit parang hindi tayo sigurado sa mga plano natin sa buhay? Talaga bang may patutunguhan 'tong ginagawa natin?"
"Anong field ba ang pinaka ano mo?" Tanong ko kay Vera.
"Garfield," Pagsingit ni Helene.
Tumawa ng malakas si Dahlia at nakipag apir kay Helene. "Ang benta mo doon!"
"Kinang ina n'yo ah," I said while glaring at them.
Pinagkakaisahan nila ako ngayon. Hindi ko alam at bakit ako ang gusto nilang inisin. "Undecided between the two kasi ako e," Vera explained.
Hindi na natuloy ang tanungan namin dahil pumasok agad ang teacher namin at nagsibalikan agad kami sa mga pwesto namin bago nagsimula ang leksyon niya.
Uwian na namin at hindi pa kami nakakalabas ng room ay nagpapaalam na sila na mauuna sila hanggang sa ako nalang natira. Mag isa nalang ako ng naglalakad at nang lumiko ako sa isang pamilyar na kalsada at may nakitang pamilyar na tao ay bumalik ako at naghanap ng ibang dadaanan.
Bakit parang ang aga yata ng uwian nila Russel? O nag cutting siya? Mag isa lang siya!
"Silene?" I heard someone call me.
Lumingon ako at nakita si Mac na mukhang nagulat rin nang nakita niya ako. I chuckled awkwardly. "Uy, ikaw pala 'yan,"
"Silene?"
Sabay kaming napatingin ni Mac sa isa pang tumawag saakin. Nagsalubong ang kilay ni Russel nang tinignan niya ang kasama ko bago dumako ang tingin saakin.
"Mac, let's go.." I said and turned my back on him before walking away.