"Saan naman next?" Tanong ni Dahlia.
"Hindi pa ba kayo napapagod?" Natatawa kong tanong sa kanila.
Halos nag isang oras kami sa arcade kakalaro at gusto ko nang magpahinga pero ang mga kasama ko ay energetic pa rin at ang hirap na makisabay sa kanila.
Umiling si Dahlia at tinuro si Helene na nasa malayo dahil may kausap sa cellphone. "Kanina pa 'yan ah? Ano kayang nangyari?"
Nagkibit balikat ako bago tinignan si Helene. Nakatalikod sya saamin at nakatayo lang habang nakadikit ang cellphone sa kanang tenga.
"Chix pre," Natatawang sabi ni Jeff.
Sinundan ko ng tingin ang babaeng dumaan sa harap namin. At ang mga kasama naming lalaki ay nag aasaran na naman. Nang magkatinginan kami ni Russel ay tinaasan ko siya ng kilay pero s'ya ay umiling lang na natatawa.
Ano kayang tinatawa tawa neto?
Nakatayo lang kami dito sa labas ng arcade at nasa gilid habang hinihintay na matapos si Helene sa pakikipag usap sa kung sino man. Nakahalukipkip lang akong nakatingin sa sahig habang iniisip ko kung anong gagawin ko dahil papalapit na ang next school year.
I'm planning to finished my whole senior year here in my current school. Hindi ko alam kung lilipat ba ako kapag nag college na dahil gusto ko rin ng new environment. Iniisip ko palang na isa na akong architecture student ay parang natutuwa na ako at kinakabahan at the same time.
"What are you thinking?" Russel asked me softly.
Nasa gilid ko na pala siya at hindi man lang napansin dahil sa iniisip ko.
"Fuckening s**t pre, umay" Rinig kong pagod na reklamo ni Jeff bago bumuntong hininga.
"Bonak ka e," Sabi naman ni Justin.
Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila pero nang tinignan ko si Jeff ay mukha siyang pagod na iritado dahil bagsak ang magkabilang balikat niya habang salubong ang dalawang kilay at nakaawang ang labi.
"College plans," I said.
"Tara let's g, sorry dahil napatagal" Sabi ni Helene na kakalapit lang saamin.
Napagdesisyunan naming maglakad lakad muna habang naghahanap kung saan kami kakain dahil hindi sila makapag isip kung saang restaurant ang pupuntahan namin.
I pressed my lips together when I saw them walking towards the high end clothing store. Nangunguna sila at mukhang gustong bumili habang si Russel ay nilingon pa ako dahil nahuhuli ako sa paglalakad kaya binilisan ko ang lakad.
Magkausap si Vera at Justin habang naglalakad lakad at natingin ng damit habang si Jeff naman at Russel ay nakatayo lang malapit sa isang rack at nag uusap.
"Wala 'yung hinahanap ko," Sabi ni Dahlia.
"Ano ba 'yon?" Tanong ko.
"Faded jeans na high waist kaso hindi ko mahanap 'yung bet ko," She said.
Si Helene ay nakatingin sa malaking salamin at inaayos ang buhok niya bago lumapit saamin at naki tingin na rin. Ilang minuto pa kaming naghanap para tulungan si Dahlia sa pantalon na hinahanap niya.
Ngayon ay nasa fitting room cubicle na si Helene at Dahlia dahil may nagustuhan si Helene habang nagtitingin tingin habang ako ay nagtitingin na rin ng pwede kong mabili.
"Oh, ano hanap mo, Miss?"
Napatingin ako kay Vera dahil sa tanong niya. Natawa kami parehas. Hinahanap naman ng mata ko ang kasama niyang si Justin at kausap ang isang babae na nagtatrabaho dito habang hawak ang isang black tshirt.
"May natira pa pala akong assignment," Then I clicked my tongue due to sudden frustration.
"Same," Vera forced a laugh.
"Basic Cal, s**t" Bulong ko sa sarili ko nang maalala ko ang natira kong gawain.
Pagkalabas nang dalawang kakatapos lang magsukat ay dumiretso sila sa counter para bayaran na. Ako naman ay pumasok na sa fitting room para isukat ang nagustuhan kong top.
Huhubarin ko na sana ang sinukat ko dahil sakto lang naman saakin at bagay naman kaso tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag.
Mama calling..
"Hello, Ma" I greeted.
"Nasaan ka, Sil?" She asked.
Nilagay ko sa likod ng tenga ko ang iilang takas ng hibla ng buhok ko bago tinignan ang sarili sa salamin. "Nasa Mall po, pauwi na rin"
"Mac is here, your elementary friend"
Huh?
Ilang segundo akong natahimik habang inaalala ang sinabi ni Mama na tao. Madami akong kakilala pero hindi ko naman lahat sila kaibigan. Tanging sila Vera lang talaga ang close friends ko.
"Nasa Manila pala sila. Umuwi kana dahil ikaw ang sadya dito," She said.
I sighed. "Okay," then she hung up.
Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil hindi ko maalala ang Mac na nasa bahay namin. Binalik ko agad sa baguette bag ko ang cellphone at sinimulang hubarin ang sinukat.
Lalabas na sana ako pagkatapos kaso narinig ko ang boses nila Vera at Justin na nasa labas. Mahina lang pero rinig na rinig ko dahil tahimik ang lugar.
"May nililigawan 'yang si Russel. Bakit mo naman nasabing kaibigan mo?" Nagtatakang tanong ni Justin.
Agad nagsalubong ang kilay ko at nanatili dito sa loob.
"Huh!? Hindi mo ba nakikita kung paano sila ka close na akala mo mag MU?" Vera asked.
"Ganyan naman talaga 'yan sa mga babae, huwag na kayong magtaka" He said.
I don't know why but my heart ached a bit.
"Ang gago ah," Vera said, irritated.
"Dati ko pa naman kasi sinasabi sa'yo na iba gusto niyan ni Russel e, ayaw mo naman kasing maniwala" He chuckled.
"Damn you, paanong hindi ako magkaka second thoughts sa sinasabi mo e ganoon nga ang galawan ni Russel sa kaibigan namin?"
"Oh, bakit ka saakin nagagalit?" He chuckled.
"Naku, huwag lang talaga lalapit 'yang si Russel kay Silene at baka tuhurin ko ang itlog niya tamo," She warned him.
I sighed deeply before I fix my posture then I opened the door. Paglabas ko ay dire diretso ako sa counter at nasa gilid pala sila, medyo malayo sa fitting room cubicle kung saan ako kanina.
Sinundan nila ako ng tingin pero hindi ko sila pinansin. Siniko pa ni Vera si Justin na agad dumaing at nagreklamo.
Pagkatapos kong bayaran ang binili ko ay nakihalo agad ako kila Helene na nagtatawanan sa kung ano. Nang napatingin saakin si Russel ay tumingin siya sa paperbag na hawak ko pero nag iwas agad ako ng tingin at kinuha ang cellphone.
"Ano binili mo? Patingin!" Dahlia asked so I handed her my paperbag.
To: Mama
I might be late po. Baka 30 minutes.
Gabi na kasi at magiging traffic na kaya nag text agad ako para ipaalam at baka kung ano pa ang isipin ni Mama.
Lumabas na kaming lahat sa clothing store at nakapag desisyon na sila kung saan kami kakain. Gusto nila sa Japanese restaurant at sumang ayon naman kami para makauwi na rin dahil may sari sarili pa kaming gagawin.
Nahuhuli na naman ako sa paglalakad kaya sinabayan na ako ni Russel habang ako ay nag ii-scroll lang sa i********: account ko para kunwari abala ako pero sa totoo lang ay umiiwas ako sa kung ano mang pwedeng pag usapan naming dalawa.
Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito matapos kong marinig ang usapan ng dalawa. Para akong bahagyang sinaksak sa puso at ang lamig ng pakiramdam ko.
Nang tumingin ako sa harap kung saan sila, nagkatinginan kami ni Vera at medyo nagulat pa siya pero ngumiti rin naman agad. I smiled back.
"Ang tahimik mo yata," Puna ni Russel saakin.
Tumango lang ako at nanatili pa rin ang tingin sa harap.
"May problema ba?" He asked.
I sighed then ignored his question. Ano nga bang problema ko at bakit ganito ako umakto?!
"You know what, you don't have to hide your ulterior motives from me" I said coldly.
"Ano?" He asked, confused.
"Nevermind," I said. Medyo nairita dahil sa pagtanong niya. Hindi niya ba talaga 'yon narinig?
Tuloy tuloy lang ang paglalakad ko habang siya ay bumagal naman. Medyo nakakalayo na ang ibang kasama namin at gusto ko ng umuwi.
"Silene, wait" He called me.
Huminto ako para lang lingunin siya. Medyo nagulo ang malambot niyang buhok dahil sa pag half-run niya papunta saakin habang nagtataka ang hitsura niya.
"Ano?" I asked, looking at him.
"Ano bang nangyari? Bigla ka nalang hindi namamansin," He asked with worried and curiosity written on his face.
Sasagot na sana ako pero narinig ko ang tawag nila saamin kaya hindi ko na tinuloy. Nilapitan pa ako ni Vera at hinila papalayo kay Russel.
"May sasabihin ako sa'yo mamaya," She said coldly.
Gusto ko sanang sabihin na narinig ko ang usapan nilang dalawa ni Justin pero gusto ko ring magtanong at malaman pa ng buo kung ano ang pinag uusapan nila kanina.
Tumango nalang ako at pumasok na kami sa restaurant na napili. Nakahanap agad sila ng table at umupo agad ako sa tabi Dahlia na para raw talaga saakin.
Ang mga lalaki ang nag order habang kaming mga babae ay naiwan dito. Si Dahlia ay maghuhugas daw muna ng kamay kaya kaming tatlo nalang nila Helene ang naiwan dito.
Nasa harap ko si Helene at tinitignan lang ako. "Bakit ka nakasimangot?"
Vera cleared her throat but she didn't say anything.
"Pinapauwi na ako kasi may bisita raw saamin," I said.
Natawa siya. "Pagkatapos neto uuwi na tayong lahat, makakapag hintay naman yata ang bisita mo"
I nodded.
Dumating na ang pagkain at kumpleto na kami kaya kumain na kami. As usual, maingay dahil kay Jeff na sinasabayan ng mga kaibigan ko. Nang napatingin ako kila Vera at Justin, napansin ko na tahimik lang silang dalawa.
Gutom yata ako dahil ako ang naunang natapos sa kanila. Tinanong pa ako ni Russel kung kakain pa ba ako para o-order pa siya pero umiling ako dahil nawalan rin agad ako ng gana.
Pinapanood ko lang sila at minsan nakikitawa sa biruan nila. Natigil lang nang tumunog na naman ang cellphone ko kaya tumayo agad ako.
"Hello," Bati ko bago umalis sa table namin para lumayo sa kanila.
"Sil, nasaan ka na ba? Mukhang nayayamot na 'tong bisita mo kakahintay sa'yo," She said worriedly.
Naiirita ako.
"Pwede naman po yatang bumalik nalang ulit," Sabi ko habang tinatago ang iritasyon sa boses.
She sighed. "Sige sasabihin ko, traffic na rin at baka alas nuwebe kana makauwi"
"Sige po," I said then she hung up again.
I rolled my eyes upward before walking towards them again. Patapos na sila kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Pagod na rin ako at gusto ko nang makapagpahinga.
"Si Tita?" Vera asked me.
"Yup, hindi yata maka uwi si.." Itutuloy ko sana ang sasabihin ko pero nagkatinginan kami ni Russel kaya nanahimik nalang ako.
"Si?" Si Jeff.
"Wala," Sabi ko at nag iwas tingin.
Ilang minuto at natapos na sila. Inayos pa namin ang pinagkainan namin at nag ayos ng sarili bago kami lumabas. Humiwalay pa si Justin saamin dahil may dadaanan pa raw siya.
Paglabas namin ng Mall ay nagpara agad ng taxi si Dahlia dahil may pupuntahan pa raw siya kaya lima nalang kaming natira.
"Pre, meron kana sa financial analysis?" Jeff asked Russel.
Ilang segundo pa bago sumagot si Russel. Nasa unahan silang dalawa.
"Patapos palang ako," He said.
Si Helene ay abala na naman kakatingin sa cellphone niya habang si Vera na nasa gilid ko ay tahimik lang na naglalakad.
"Sana all. Pucha, hindi ako makapagsimula saakin" Reklamo ni Jeff.
I heard Vera sighed so I chuckled. Mukhang may iniisip rin siyang malalim kaya ganito siya. Minsan lang siya manahimik kaya medyo nakakapanibago.
"Ilang gawain pa ba sa'yo?" I asked her.
"Chem 2 nalang naman 'yon e," She said.
"Onti lang naman 'yon e, matatapos mo rin agad" I said.
"Oo nga kaso tinatamad ako. Onti nga pero mahirap naman. The f**k," She ranted.
Natawa nalang ako.
"By the way may sasabihin pala ako sa'yo kaso sa Facetime nalang mamaya pag uwi dahil marami rami 'to. Baka kasama mo ako hanggang pag uwi mo para lang matapos ang sasabihin ko," She laughed.
"Hmm, sige lang" I forced a smile.
Gusto ko na talagang umuwi.
Umuwi na 'yung dalawang lalaki dahil magkasama pa silang dalawa at may dalang kotse si Jeff. Hindi niya na ako kinausap ulit at si Jeff lang ang nagpaalam saamin.
"Bye guys, goodnight!" Pagkaway ni Helene saamin pagkababa niya sa taxi.
"Sa kanila yata matutulog," Vera said.
"Oo nga," I said.
May condo unit si Helene na medyo malapit sa school namin. Medyo malayo ang bahay ng magulang niya kaya naunang bumaba saaming magkakaibigan.