Chapter Seven:

1364 Words
"Tipong gusto mo ng college student nung senior high ka palang pero ngayong malapit na mag college ay gugustuhin mo nalang mag boyfriend ng business student," Helene said. Ngumiwi si Dahlia. "Baka engineering?" Sinamaan siya ng tingin ni Helene. "Ekis na ako sa engineering ngayon," Pagsingit ko. Napatingin sila saakin na may ngisi sa labi. "Ay, ayaw ka agad, sis?" "Kapwa Arki ang titiradurin e," Vera teased me. Hinampas ko sya bago inirapan. Hindi ko maubos ang kinakain ko dahil sa usapan nila. I smiled unconsciously. "Hindi ko na kailangang maghanap.." "Bakit, may pinalit ka agad?" Dahlia asked, sounding so shocked. "Lah, mukhang tinamaan na 'to sa iba ah? Iba kung ngumiti e. Parang in love na in love!" Vera said. "Hoy, si Russel ba 'yang nakikita ko?" Helene asked while looking at someone. Agad akong tumingin sa tinitignan nya pero wala naman si Russel. Sasamaan ko na sana ng tingin si Helene pero mala demonyo syang nakangisi saakin bago sinundot ang tagiliran ko. "Malandi ka, si Russel pala e" She teased me. "Pero alam ko may ibang babaeng nililigawan 'yon e" Vera said while thinking deeply. My brows furrowed. "Who?" She pouted a bit before shrugging her shoulders. "Can't remember. Basta meron daw ayon kay Justin" Speaking.. Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa tawag ni Russel. Nasa kandungan ko ang cellphone ko kaya nakatingin ako doon at buti nalang hindi ako napansin. "Powder room muna ako.." Paalam ko. Tumango sila at nagpatuloy sa usapan nila habang ako ay pumasok agad sa powder room at sinagot ang tawag nya. Naka loudspeaker ang tawag at nakapatong sa gilid ng marble sink bago ako naghugas ng kamay at inayos ang sarili. "Why you took so long?" He asked softly. "I'm with my friends. Gagala kami. Kayo, tapos na exams nyo?" I asked. "Saan?" He asked, ignoring what I asked. "Arcade daw ata ulit," I said while drying my hands using the hand machine. "Gagabihin ulit kayo?" "Siguro," "Sama ako," He said that made me laugh. "Wag na, baka mang inis ka lang e" I said. "Nasabi ko na kay Veronica. Papunta na ako dyan," He said. Nataranta ako bigla sa sinabi nya. Seryoso ba sya!? Alam ko ay mas madami silang gagawin ngayon kahit tapos na exams nila ah? Lumabas ako ng powder room at nakita kong kakatayo lang nila. Nagsilabasan na kami at naglakad patawid sa kabilang kalsada. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Russel. After three months, our relationship changed. We're now friends. "Sasama si Russel saatin mamaya," Vera informed me, I nodded seriously. She noticed my mood that's why she smiled at me teasingly before laughing. "Chill kalang hoy! Parang ayaw na ayaw mong kasama si Russel ah!" "Hindi naman.." I said. "Leche! Tigil tigilan n'yo nga 'yang usapang kalandian na 'yan, hanapan n'yo ako para matuwa ako sainyo!" Maingay na pagsingit ni Dahlia saamin. "Edi wow! Kaya pala nung nakaraan may—" Helene intervened. Agad na tinakpan ni Dahlia ang magkabilang tenga nya at naunang naglakad habang may sinasabi na kung ano ano para lang hindi marinig ang dapat na sasabihin ni Helene. Dinaig niya pa talaga ang bata ngayon kung umakto. We laughed. "Anong nangyari doon?" Vera asked, laughing. "Hoy, bakit ang daya mo!?" Dahlia asked loudly. Napangiwi ako dahil sa ingay nya. Napapatingin na ang iba saamin dahil kanina pa kami naglalaro at nag iingay. Sila Vera at Helene naman ay naglalaro sa claw machine. Kaya kaming dalawa ni Dahlia ang naiwan dito sa air hockey. Napahawak ako sa tenga ko habang nakangiwing nakatingin sa kanya. "Lintek ka, ang ingay mo" "E, bakit ba!?" She asked, raising her voice a bit more louder than before. I rolled my eyes before playing again. Kanina pa kami naglalaro ng air hockey at sinasabihan nya akong madaya dahil imbes na air pusher ang gamitin ko para ibalik sa kanya ang puck, e hinuhuli ng kamay ko bago ibabalik sa kanya. Napatingin ako sa kanya dahil saglit syang napatingin sa isang direksyon bago ngumisi. Nagpatuloy pa rin kami sa paglalaro hanggang sa nagtaasan ang balahibo ko dahil may nagpatong ng palad sa balikat ko kaya napahinto ako. Natawa si Dahlia at napailing iling nang saglit na napatingin saaming dalawa. "Mamaya kana Russel, ha? Aanuhin ko muna 'tong mandurugas na 'to," Dahlia said. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami natapos maglaro ni Dahlia. Napagod na raw siya kaya magpapahinga muna siya at hahanapin ang dalawa pa naming kasama. Para naman akong naging kahoy habang katabi si Russel. Nakaupo lang kaming dalawa at nakikinood sa mga naglalaro ng billiards. I don't know how to play that game but it's interesting to watch. "Bakit hindi ka namamansin? Nandito na ako oh," He teased me. I cringed. He chuckled. "Kanina pa kayo dito? Sorry, traffic papunta dito e" "Sino ba kasing nagsabing pumunta ka?" Pabirong bulong ko sa sarili ko. "Lah, ikaw na nga sinasamahan e," He said, rolling his eyes. But I know that he was just teasing me again. "Lah, bakit, sinabi ko ba?" I asked, laughing before looking at him. He crossed his arms above his chest before looking away with an attitude that made me laugh. Tinanggal nya rin naman agad ang pagkakahalukipkip nya at natatawang yumakap saakin patagilid. "I miss you," He whispered. I bit my lower lip, stifling a smile. "I didn't know that you're the clingy type, Russel" I teased him. He pouted a bit. "I'm just comfortable whenever I'm with you. Masama ba?" He asked softly. "Edi sa mga kaibigan mo ganito ka rin kasi komportable ka rin sa kanila?" I asked, chuckling. He laughed. "Gagi..hindi ka naman sila," "What the freak?" Agad kaming napatingin kay Jeff na gulat na napatingin saamin pero agad namang natawa at tinignan pa ng makahulugan si Russel habang nakangisi dito. Hindi siya pinansin nito at niyakap nalang ulit ako habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Bigla tuloy akong naging tuod dahil malapit lang ang mukha nya saakin at ramdam na ramdam ko ang paghinga niya. Nanginginig ang kamay ko sa hindi alam na dahilan at medyo nanlaki ang mata ko nang hinawakan ito ni Russel bago sya tumayo kaya napa angat ako ng tingin sa kanya. He smiled at me. "Laro tayo, turuan kita mag billiards" Medyo naguluhan pa ako saglit pero tumango agad ako at tumayo. Binitawan nya ang pagkakahawak sa kamay ko para kunin ang isang tako. Ang mga kasama namin ay nasa kabilang table pala at nag aaway na naman. "Haha, bobo!" Pang aasar ni Dahlia na nakaupo lang sa gilid at pinapanood sila Justin. May sinasabi si Russel pero natatawa kong pinapanood ang mga kasama namin na nag aasaran. Tinignan ni Justin si Dahlia habang hawak ang isang tako sa kanyang kaliwang kamay, nakatukod ito sa ibabaw ng table. "Tusukin kita netong tako ko, tamo" Justin said. "Ano ako, barbecue?" Ngiwi ni Dahlia. "Pwede, mukha ka namang manok e" At humagalpak sa tawa si Justin. Dahlia mocked him and rolled her eyes. "Ang iingay n'yo, mahiya naman kayo sa ibang tao oh" Sita ni Jeff na nakasimangot na nakapwesto sa kabisera ng table at pinapanood ang pagtira ni Vera sa mga bola. "Mga walang hiya 'yan eh," Habang naka pokus si Vera sa ginagawa niyang pagtantya. Tumawa si Jeff. "Buti walang pumasok, humanda ka sakin," bago lumipat ng pwesto. Vera smirked. "Huwag kang mayabang baka tuktukan kita," "Silene...nakikinig ka ba?" Russel asked. Tsaka lang ako natauhan nang nagsalita si Russel. Umayos siya ng tayo pagkatapos niyang mag bend para mag shoot ng bola sa mga butas. He chuckled. "Pinasok ko na lahat, hindi ka pala nanonood," "H-huh? Sorry, sila Justin kasi e" I said. He chuckled again. "Okay, ulitin ko nalang pagbigay ng instructions. Saakin ka naman mag focus," Tumango ako at seryosong pinanood siya sa bawat kinikilos niya. Narinig kong may sumita kila Justin kaya natahimik sila. Saglit kong tinignan si Helene na nanonood rin pala at nakahalukipkip na nakatayo. Bigla siyang lumayo ng kaonti kay Dahlia na nakaupo nang tinignan siya ng sumita sa kanila na isang nagtatrabaho dito sa arcade. "Ay, hindi ko po 'yan mga kilala. Nakikinood lang po ako," She said as she chuckles sarcastically.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD