Nasa labas kami ng Cinema. Kakatapos lang namin manood at nag uusap na kami kung saan kami kakain o kung ano ang sunod naming gagawin. "Pre, alam ko namang patay na patay ka kay Silene pero baka naman gusto mong lumayo sa kaniya kahit kaonti? Nakakasira kayo ng mata e," reklamo ni Justin. Natawa ako bago siniko si Russel sa tagiliran. Nasa gilid ko siya at nakatabi lang saakin. Nag angat ako ng ulo kay Russel. Mapang asar siyang nakangiti kay Justin habang si Justin ay halos malukot ang hitsura kakatingin saamin. "Sabi ko naman kasi sa'yo na ligawan mo na 'yung tao. Mukhang nauunahan kana tuloy," Russel said teasingly. Napatingin agad ako kay Justin. Hindi ko alam na may nililigawan siya. Akala ko kasi ay may girlfriend na 'to noon pa. Kinalabit ko siya at hinila pababa ang laylayan

