Nasa labas ako, hinihintay si Russel. Mag aalas dyis palang at pinalabas na ako ni Mama para raw salubungin ko si Russel. Kanina pa ako hindi mapakali. Ilang beses akong patingin tingin sa cellphone ko at sa gate. Hanggang ngayon ay may bumabati pa rin saakin at puro naman ako thank you. Sila Helene ay binati rin ako ulit at balutan ko raw sila ng handa. Napatingin na ako sa labas ng gate nang may narinig na akong kotseng pumarada. Ang bilis ng t***k ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit e siya lang naman 'to. Sa malayo palang ay tanaw ko na siya. I was squealing inside when I saw how extra handsome he was tonight! He was wearing an all black outfit. A black dress shirt and black slacks with a pair of black leather shoes. Mas lalo siyang tumangkad dahil sa ayos niya. Nang makaratin

