Chapter 5: Mysterious Guy

1112 Words
Luna's POV Mag ieleven am na at hindi pa rin ako kumakain ng breakfast. Gutom na gutom na ako pero kabilin-bilinan sa akin na bawal pa daw ako kumain dahil may mga bisita sila. As if naman na sasabay ako sa kanila. Kruuu... Wag kayo, tunog ng mga bulate ko yun. Masisisi niyo ba ako? gutom na gutom na nga talaga ako. Hindi naman ako pwede umalis dahil wala na akong pera, isang daan na lang ang meron ako at kailangan kong tipirin iyon dahil sa susunod na linggo pa ako bibigyan ng mga Sia. Kung hindi niyo naitatanong pala, one thousand pesos lang ang binibigay sa akin ni Mr. Sia at good for 2 months na iyon. Hindi ko alam kung bakit ganito lang ang binibigay niya na pera eh ang yaman-yaman niya naman. Mabuti na lang talaga at hinahatid ako ni Carter pauwi, minsan naman sabay kaming pumapasok, sinusundo niya ako dito sa bahay. Dahil sa ginagawa ni Carter ay nakakatipid ako sa allowance ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang biglang mag ring ang aking telepono. Agad ko naman sinagot ito, "Hello?" salubong na tanong ko sa caller. "Baby!" sigaw nito na agad ko naman inilayo sa tenga ko ang cellphone. "Baby Hi!" masiglang bati ko sa kanya. Knowing Carter, napaka energetic. "Date tayo?" excited na tanong nito. "Wala akong pera eh. Pwde ba sa susunod na lang mahal?" may halong paghihinayang sa boses ko ng sagutin ko ito. "Eh? Ako naman nagyaya, kaya libre kita. Sige na babyyyy. Miss na po kita." paglalambing nito. Agad naman akong napangiti ng malaki. "Kakita nga lang natin noong isang araw. Miss mo na agad ako?!" "Araw-araw kaya kita namimiss. Ako ba, di mo namimiss palagi?" Diyos ko, kung alam mo lang, mahal. "Namimiss po. Araw-araw." "Ayon naman pala. Tara na! date na po tayo. Pleaseee?" natawa naman ako dahil naiimagine ko siyang nagpapacute ngayon. "Opo na po. Saan ba tayo magdadate?" "Sa shrine hills po. Maganda mag picnic doon tsaka mamayang gabi, star gazing tayo." "Okay po. Saan tayo magkikita, mahal?" tanong ko habang namimili ng susuotin. "Stay put ka lang po dyan sa labas ng gate niyo po. Susunduin kita." sabi nito. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Simple lang ang sinuot ko, floral long sleeve maxi dress with matching boho sandals. Hindi na din ako nag atubiling mag make up dahil unang-una, hindi naman ako marunong mag make up tsaka pangalawa, si Carter naman kasama ko kaya hindi ko kailangan magpaganda pa. Nang matapos akong magbihis ay agad akong sumilip sa labas ng pintuan. Nang mapansin ko na wala namang mga maid na nakabantay ay agad ako lumabas sa silid at dahan-dahan naglakad palabas ng hallway sa likod ng mansion. Papalabas na sana ako ng gate ng bigla kong makasulubong si yaya Mildred. Gulat akong napatingin sa kanya at ikinasingkit naman ito ng mga mata niya. "At saan ka naman pupunta, Luna?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay. "Nanay Mildred, labas lang po." nakayukong sabi ko. "Alam mo naman na pinagbawalan ka ni Lucille na lumabas sa silid mo, hindi ba? dahil may mga bisita sila." "Wala naman po akong intensyon na manggulo po sa kanila. Lalabas lang po talaga ako." mahinang tugon ko. Nagbabakasakaling payagan ako. "Sino ba ang makakasama mo sa labas? mga kaibigan mo? "Nobyo ko po. Pero promise po nay, babalik po ako mamayang gabi." sabi ko sabay hawak sa dalawang kamay niya. "Oh siya sige na. Mag iingat ka sa pupuntahan ninyo. Ako na bahala kay Lucille." sagot nito. Mabilis ko naman siyang niyakap. "Salamat Nay!" sabi ko at bumitiw na sa pagkakayakap. Aalis na sana ako nang bigla itong magsalita ulit. "Mag enjoy ka doon, Luna." sabi nito at nginitian ko naman siya sabay tango. Tuluyan na akong nakalabas ng gate at doon hinintay si Carter. Third Person POV Masayang lumabas si Luna habang tanaw-tanaw siya ng isang binata mula sa di kalayuan. Isa nga pala siya sa mga bisita ng mga Sia. He unconsciously smile as if he was mesmerized by the beauty of the lady. "Who the heck are you looking at?" tanong ng kaibigan nito ng mapansin ang pagngiti ng kanyang matalik na kaibigan. "I didn't know that tito Mike has a beautiful guest aside from my mom?" he said. Napalingon naman si Lucille at tila di maipinta ang kanyang mukha. Alam niyang may possibilidad na tumakas si Luna sa kanyang silid. "A-ah haha a-anak siguro yun ng kasambahay namin." alanganin na sagot ni Lucille at sumilip sa malaking bintana nito. Pero hindi na niya naabutan pa si Luna. "Do you know her name, tita?" the guy asked as he sit on the couch. "uhm hindi eh. I am a busy person kasi kaya I never know her name. Basta ang alam ko lang, anak siya ng k-katulong." nauutal na sambit nito na halata namang pinipigilan ang kanyang galit. Anak ng katulong... Inobserbahan ng lalaki ang galaw ni Lucille at alam niyang nagsisinungaling ito. Palihim niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinext ang kanyang private investigator. To: Private Investigator Alamin mo kung sino ang babaeng kasing edad ko lang sa mansion ng mga Sia. Pagkatapos niyang magtext ay nagpaalam ito na maglibot-libot muna sa loob ng mansion. Kung titingnan mo sa labas ng mansion ng mga Sia ay hindi ito gaano ka bongga pero kapag nasa loob ka na ay halos mappuno ito ng mga mamahaling gamit na gawa sa ginto. Napatingin siya sa mga litrato at napansin na ni isa ay wala doon ang babaeng kanyang nakita kanina. Hindi niya alam kung bakit niya ito nararamdaman pero simula nang masilayan niya ang pagngiti ng dalaga ay agad itong napanganga. Walang kapares o katumbas ang kagandahang tinatangi ni Luna. Simple lang kanyang kasuoton pero sobrang lakas ng appeal niya sa lalaki. Napangiti ulit ang binata at binitawan ang hawak niyang picture frame. Alam niya sa sarili niya na mababaliw siya kapag hindi niya ito makausap. Marami na siyang naging kasintahan pero ito ang unang beses na maulol siya sa isang ngiti lamang. Natamaan na nga ang loko. Napailing na lamang ito. Babalik na sana siya papasok ng sala ng biglang may lumapit sa kanya na isang katulong. Tiningnan niya ito at nakayuko itong pumunta sa harapan niya. "Yung babae po na tinatanong niyo kay ma'am Lucille, siya po si Luna. Luna Sia, wag na po kayong magtangkang pumasok pa sa buhat ni Luna dahil siya po ang mapapahamak." sabi nito at mabilis na umalis. Nakakunot ang noo niya habang inaanalyze ang sinabi ng katulong. Why did tita Lucille lied? I am now more invested to know about you, Luna Sia...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD