Chapter 4: Living in Hell

607 Words
Luna's POV Napatingin ako sa malaking gate na nasa harapan ko ngayon. Sa likod ng malaking gate nito ay isang mansion, mansion ng mga Sia. Pumasok ako at agad naman akong binati ni manong guard. "Magandang hapon, Luna." bati nito sa akin. "Magandang hapon din po, Manong Berting. Nandyan na po ba sila ma'am Lucille?" tanong ko. "Ay wala pa po. Ang balita ko mamayang gabi pa sila dadating." sagot nito at tumango naman ako. Pumasok ako sa bahay pero hindi kagaya ng iba, sa likod ako ng bahay dumaan. Dahil sa bodega lang naman ang silid ko. Nagtungo nga ako sa loob ng bodega/ kwarto ko. Hindi naman masama ang loob ko na nasa bodega ako natutulog, sa totoo pa nga masaya ako dahil malayo ito sa kwarto ng mga Sia. Hindi ko maririnig ang mga sinasabi nila sa akin. Ang panglalait ng step mom ko sa akin at pananakit ng ama ko sa akin. Tama kayo ng pagkakabasa, hindi totoo na ampon ako. Isa talaga akong Sia. Isang bastarda nga lang. Nagbunga ang pangangabit ng ama ko. Ang alam ko, noong ipinanganak ako ng nanay ko ay agad din akong ibinigay kay Mr. Sia, which is my dad. Hindi matanggap ng step mom ko ang pagtanggap ni dad sa akin at patirahin ako sa mansion nila kaya simula noon kahit baby pa ako, ang mga maid ang nag alaga sa akin at sa mga kwarto nila ako lumaki. Nang magka isip ako ay dito nila ako pinatira sa bodega. Dito ako kumakain, may sarili din akong banyo dito. Parang nakikitira lang talaga ako dito. At simula ng magka isip ako ay walang araw na hindi pinamukha sa akin ng step mom ko na sampid lang ako sa pamilyang ito at kahit kelan ay hindi ako magiging isang Sia. Noong grade six ako ay sinubukan kung hanapin ang totoong nanay ko. Galing ako sa pambubugbog ni Mr. Sia sa akin dahil hindi ako ang naging top 1. Sa tuwing may mali ako sa exam, katumbas nun ay isang sampal. Ang sakit dahil mismong tatay ko yun nanakit sa akin. Kaya hinanap ko yung totoong nanay ko, magbabakasakaling tanggapin niya ako pero nakita ko siya sa isang restaurant. Masaya. Bakas sa mukha niya na masaya siya kasama ang dalawang bata at isang lalaki. Sinundan ko sila at napag alaman ko na pamilya niya pala yung kasama niya. Impit akong napaiyak, at mas lalo lamang akong naluha na makitang masayang kumakain sina Mr. Sia kasama ang totoong pamilya niya. Doon ko lamang na realized. Ano pa bang saysay na binuhay ako ng babaeng yun? Para ba magdusa? Magdusa sa mga kasalanan na ni minsan di ko naman ginawa? Ako yung nagdusa sa kasalanang ginawa nilang dalawa. Napaka unfair. Wala akong ibang inisip kundi napaka unfair ng mundo sa akin. Pinag sa walang bahala ko ang lahat. Tinanggap ko lahat ng pananakit nila sa akin. Alam ko naman sa sarili ko na dadating ang araw na mapapagod din ako at ako na mismo ang kusang susuko. Pagkatapos kong magbihis ay agad ko naman itinext si Carter at ipinaalam sa kanya na nakauwi na ako. Napabuntong hininga ako, kahit si Carter hindi alam ang kalagayan ko dito sa bahay. Ang alam niya lang, ampon ako which is hindi naman totoo. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo ngunit itinatatak na sa akin ng mga Sia na isa lamang akong ampon. Kaya pinanindigan ko na. Ayoko din na mag alala pa siya. Ayokong dagdagan pa ang mga problemang hinaharap niya. Kagaya ng sinabi ko kanina, sanay naman na ako. Because living in this hell means living with my demons too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD