Luna's POV
I am now heading to the cafe where teacher Maggie is waiting. Teacher Maggie was my favorite teacher way back in high school. Isa siya sa mga pinaka strict at masungit na pinaka inaayawan ng lahat but not me. I like her. Yes, she's strict but I liked the way she teaches.
Nang makapasok ako sa cafe ay agad ko naman natanaw siya. Lumapit ako sa kinaruruonan niya at umupo sa bakanteng upuan sa harapan niya.
"Kamusta?" salubong na tanong niya.
"Okay naman po ako, ma'am. Kayo po?" sagot ko rito.
"Heto tumatanda na. Taro pala." sabi niya sabay abot sa akin ng isang milk tea. My favorite. Naaalala pa pala niya. Mas may alam pa si ma'am Maggie sa akin kesa sa mga umampon sa akin. Nakakatawa lang dahil mas tinuring ko silang kapamilya.
"Salamat po." sabi ko at agad tinikman ang milk tea.
"Ano po pala yung sasabihin niyo ma'am?" tanong ko sa kanya matapos kong uminom.
"Natatandaan mo pa ba yung pinag aapplyan mo dati ng scholarship?" tanong nito sa akin.
"Yung sa ibang bansa po?"
"Oo."
"Rejected po diba yung application ko nun? kaya di po ako nakuha." sagot ko.
"Well... nireview nila ulit yung application mo and they want you to become one of their students." sabi naman ni ma'am na ikinataka ko.
"Eh? pero graduating na po ako ma'am. Mag-aaral po ulit ako?" takang tanong ko sa kanya.
"You can proceed with your masters doon, Luna. If mababagsak, pwede ka din dun mag-aaral."
"Tumatanggap po sila ng bagsak?"
"Yes. But you need to take the IQ test first before you finally become their students at alam ko naman na kayang-kaya mo ipasa yun."
Napaisip naman ako, maganda nga ang offer pero paano na lamang si...
Carter....
"Pwede ko po ba muna pag-isipan?" tanong ko. Napangiti naman ito at tumango.
"Oo naman. Tawagan mo lang ako kapag tutuloy ka sa offer. Pero sana talaga igrab mo na, Luna. Isang malaking opportunity para sa pangarap mo yun. Pwede ka ulit mag-aral sa gusto mong course. Pag doon ka din grumaduate, sila mismo ang hahanap ng mapagtatrabahoan mo."
"Pag-iisipan ko po ma'am. Tatawag po ako sa inyo kapag nakapag desisyon na po ako." Nakangiting tugon ko. Pagkatapos namin mag-usap ni teacher Maggie ay tumungo na ko pauwi ng bahay.
Si teacher Maggie, siya lang naging kakampi ko sa loob ng apat na taon ko sa high school. Saksi siya kung paano akong ibully ng mga estudyante. Hindi niya man ako mapagtanggol sa mga bumubully sa akin, siya naman ang gumagamot sa mga sugat ko. Naalala ko pa nang minsan nakita niya ang sugat ko sa pulsohan.
Throwback
Patungo na sana ko sa teachers faculty ng biglang kumirot ang sugat sa pulsohan ko. Pinag sa walang bahala ko ito at nagpatuloy sa paglalakad. Kampante naman ako na walang makakita sa mga sugat ko dahil naka hoodie naman ako. Nang makapasok ako sa faculty ay naabutan ko teacher Maggie sa table niya. Lumapit ako sa kanya at inabot ang mga test paper na galing sa principal's office. Ilalagay ko na sana ang mga papel sa mesa niya ng pigilan niya ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya at ibinaba ang mga test papers. Hindi niya pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko at mas nagulat ako sa sumunod na pangyayari. Bigla niya hinila pataas sa aking braso ang jacket at doon bumungad sa amin ang nakabenda kong pulsohan na may bakas na dugo. Agad kong binawi ang aking mga kamay at itinago ito sa aking likod. Gulat niya akong tiningnan at akmang lalapit sa akin, pero pinigilan ko ito.
"Wag po kayong lumapit. O-okay lang po ako. Wala p-po ito." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Naghintay ako sa kanyang tugon pero imbes na magsalita siya ay lumapit ito sa akin at marahan niya akong iniupo sa bakanteng upuan. Kumuha siya ng first aid kit at inilabas ang benda. Kinuha niya ang aking kamay at marahang inalis ang aking benda sa pulsohan. Hindi ko alam ang gagawin kaya inobserbahan ko na lamang ang kanyang galaw.
"I-I'm sorry. Ito lang yung kaya kong gawin para sa iyo. Pasensya ka na kung di kita maproktehan sa mga nanakit sayo. Pasensya kung ba-bakit ako ang naging guro mo." nangingig na sabi nito. "At higit sa lahat, pasensya kung nagbubulagbulagan ako." and with that, her tears starts to fall. Oo, ultimong mga guro sa pinapasukan kong skwelahan ay takot na kampihan ako. Takot sa mga estudyante. Sa yaman ba naman ng mga estudyanteng pumapasok sa paaralan na ito. Baliw na lang siguro ang magtangkang tumulong sa akin.
Because helping me means betraying them...
Napangiti ako ng mapait. "Ayoko ko din po kayo madamay, kaya okay lang po. Naiintidihan ko po." sabi ko sa kanya at agad naman itong napatingin sa akin. Awa. Puno ng awa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako at napatingin sa pulsohan ko na may bagong benda na nakalagay. "Salamat po para dito." sabi ko sabay angat sa kamay ko na may benda. "Pero okay lang po ako. Nasasanay na din po ako." sabi ko sabay tayo. Tinalikuran ko siya at akmang papaalis na sana ng bigla itong nagsalita ulit.
"Ayan ang masama, Luna. Ang masanay ka. Masanay sa sakit." sabi nito na agad naman nagpangiti sa akin ng mapait.
"As if naman po na may choice ako. Ang choices po kasi ay para sa mga mayayaman lang. Eh hindi po ako mayaman, ampon lang po ako." sabi ko at lumabas na opisina nito. Pinigilan ko ang paglabas ng aking mga luha sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.
Pain was never my choice, it was the pain who choose to hurt me.
End of Flashbacks...
Wala akong kasangga sa loob ng isang taon kaya kung iwan man ako ng lahat ngayon, siguro di na ako magugulat pa. Dahil sa bukod sa sanay na ko ay alam ko na sa sarili ko na masasaktan at masasaktan din ako sa huli.
It's like, I was destined to be hurt.