Luna's POV
"I finally found you.." he said as he approached me. Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa kanya.
"YVO! PRE!" Napalingon naman kami sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakitang si Drew pala, isa sa mga barkada ni Carter. Agad itong lumapit sa amin at inakbayan si Yvo.
Magkakilala sila?
"Oh? Ikaw pala yan Luna. Teka- magkakilala kayong dalawa?" takang tanong nito sa amin. Sasagutin na sana ni Yvo ang tanong ni Drew ng maunahan ko ito.
"He's my schoolmate way back in high school." sagot ko at agad naman tumango si Yvo.
"Ah yeah. It's nice to meet you again, Luna." he awkwardly said. Ngumiti naman ako kaunti.
"Ay pre, alam mo bang si Luna yung girlfriend ni Carter?" sabi ni Drew na agad naman ikinatingin ni Yvo sa akin.
"Girlfriend ka ni Carter?"
"Kilala mo si Carter?" sabay na tanong naming dalawa. Natawa naman si Drew.
"Ay akala ko close kayo. Childhood friend din ni Carter si Yvo, Luna. Di siguro na ikwento ni Carter sayo kasi alam mo naman yung gagong yun, napaka possessive sayo. Grabe kung mambakod." kwento niya sa akin. Natawa naman ako.
"Teka nga, bat di kayo sabay umuwi ni Carter ngayon? Di ka ba niya ihahatid?"
"May inutos daw papa niya kaya di niya ko mahahatid ngayon." sabi ko at napatingin sa relo ko. "Mauna na pala ako sa inyo, Drew. May lakad din kasi ako." pagpaalam ko sa kanila. Tumango naman ang mga ito.
"Mag iingat ka, Luna." sabi ni Drew at ngumiti naman ako. Di ko na tinapunan ng tingin si Yvo at umalis na doon. Hindi pa ako handa para kausapin siya. Masyadong malaki ang kasalanan niya sa akin kahit na ang tagal na nun.
Kung tatanungin niyo kung sino si Yvo, siya lang naman ang taong pinagkatiwalaan ko ng husto pero binigo ako. Yvo Morales, my first boyfriend and now my ex. Way back in high school, we were classmates and he is my mortal enemy in acads. Palagi kaming pinagsasabong ng mga teachers namin sa acads pero ang hindi nila alam, may relasyon kami. Hindi ko na alam kung paano naging kami pero I used to admire him for being so clean freak tsaka dagdag mo pa na gwapo siya. Tsaka napaka attractive kaya sa lalaki yung pagiging matalino. Pero syempre hindi naging madali ang relasyon namin dalawa. Marami akong kaagaw kay Javi. Kahit sabihin mo pa na girlfriend niya ko. Yvo is almost the perfect guy the you dream of pero wala ibang nakakalam sa totoong ugali niya maliban sa akin.
He might be perfect outside but, madali lang siya ma insecure at gustong-gusto niya na sa kanya ang atensyon ng lahat. Siguro sa sobrang pagkagusto ko kay Yvo, hindi ko agad napansin ang totoong pagtingin niya sa akin. Alam niyo ba na ikinahihya niya akong maging girlfriend?
Kasi ampon lang ako. Sampid lang sa isang kilalang pamilya. Walang nakakaalam nito maliban sa pamilyang kumupkop sa akin at kay Yvo. Hindi ko naman intensyon na itago sa lahat ang totoo, naghihintay lang naman ako na may magtanong sa akin. Hindi ko sinabi dahil akala ko wala namang may interest na alamin ang totoong buhay ko sa labas ng school. Ang alam lang ng lahat na matalino ako, aside from that, wala na silang alam pa.
At yung kay Yvo kung paano niya nalaman ay minsan nagtanong ito sa akin. Kung bakit niminsan daw hindi niya nakita sa school namin ang mga magulang ko o kahit na sino. Ang sabi ko sa kanya noon ay masyadong busy sila para pagtuonan ng pansin ang isang katulad ko na nakikitira lang sa bahay nila. Na ampon lang talaga ako kay wala silang pakialam sa akin.
Akala ko maiintindihan ni Yvo ang sitwasyon ko pero simula noon, napagpasyahan niya na itago ang relasyon namin dalawa. Noong una nagtataka pa ako kung bakit kailangan itago pero ang sabi niya, pinagbabawalan siya ng mga magulang niya na magka girlfriend. Inintindi ko siya noon kahit na gustong-gusto kong ipagmayabang sa lahat na boyfriend ko siya. Ni ultimong mga kaibigan ko ay di nila alam na nobyo ko si Yvo.
Okay naman si Yvo bilang boyfriend ko. Kahit na pasekreto lang ang relasyon namin dalawa, nagagampanan niya pa rin ang pagiging boyfriend niya sa akin. Pero isang araw, ako ang napili ng school namin bilang representative ng quiz bee. Sobrang pinaghandaan ni Yvo yun dahil akala niya siya ang mapipili pero ako ang pinili ng prinicipal namin. Kung itatanong niyo kung bakit ako ang pinili ay dahil nalaman ng principal namin na mas mayaman ang mga kumupkop sa akin kesa sa pamilya ni Yvo.
Naipanalo ko ang quiz bee pero ang katumbas pala ng pagkapanalo ko ay ang pagkasira ng relasyon namin dalawa. Galit na galit siya dahil napaka unfair daw na ako ang pinili. Tinanong pa nga ako nito kung bakit di ko nagawang sukuan ang offer. Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya na hindi ko magawang sukuan ang offer ng principal dahil pinilit ako ng mga umampon sa akin na ipagpatuloy ang pagsali sa patimpalak, pero hindi nakinig sa akin si Yvo. Masyadong sirado ang isip nito at tanging sarili lang ang inisip kaya naman sa araw ng pagkapanalo ko ay iyon din ang araw na nakipaghiwalay siya sa akin.
Napaka sakit. Siya lang ang naging sandalan ko noon pero nagawa niya akong iwan ng ganon na lang. At dumating na ang kinatatakutan ko. Isang araw, pagpasok ko sa eskwelahan ay ako pinag-uusapan ng lahat. Nalaman ko na lang na alam na pala ng lahat na ampon lang ako ng mga Sia. Hindi ko mawari noon kung bakit nila ako nilalait.
Dahil ba ampon lang ako?
Masama bang maging ampon?
Litong-lito man pero mas pinili ko na lang tumahimik hanggang mismong mga kaibigan ko na ang lumayo sa akin. Doon ko lang nalaman na hindi ang issue na pagiging sampid ang dahilan kung bakit nila ako jinujudge, kundi ang issue na binayaran ng mga Sia ang pagiging representative ko. Walang ibang nakakaalam ng sikreto ko maliban kay Yvo kay alam ko na sa sarili ko na siya ang nagpakalat ng chismis na iyon.
Nakakatawa lang dahil ang taong pinagkatiwalaan ko ng husto ay siya pa mismo ang unang nagtraydor sa akin.
Sa loob ng isang taon, hindi naging madali ang buhay ko sa skwelahan na iyon. Walang araw na hindi ako binubully. Walang araw na hindi ako umiyak at ininda lahat ng pasa sa katawan. At higit sa lahat, walang araw na hindi ako tumigil sa paglalaslas.
Akala ko noon, ang eskwelahan ang magiging safe place ko, pero hindi pala. Para akong nakikipag patintero kay satanas sa tuwing papasok ako sa eskwelahan at sa tuwing uuwi ako.
Napatulala na lang ako sa kawalan ng maramdam ang pagtulo ng mga luha ko. Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa akin noon ay hindi ko magawang pigilan ang mga luha ko. Sobrang nakakapagod at nakaka trauma ang nangyari sa akin noon. At ayoko ng maranasan ang ganoon pangyayari.