“Hi Luna!”
“Good morning Luna!”
“Ganda naman ng Luna namin.”
“Luna good morning! May notes ka ba kahapon sa discussion ni sir Ed?”
Ngumiti ako sa kanila at binigyan pansin ang mga nagtatanong. “Eto Elaine, balik mo later ha? Magrereview pa kasi ako.” sagot ko dito at ibinigay sa kanya ang notebook ko. Ngumiti naman ito at nagpasalamat. Napabuntong hininga ako umayos ng upo. Ganito palagi ang naabutan ko sa tuwing umaga sa school. Hindi naman sa hindi ko gusto ang ginagawa nila, natutuwa nga ako kasi dito ko lang sa school nararanasan tratuhin ng ganito. Sa bahay kasi wala naman may pakialam sa akin dun. Kaya lang napapaisip ako minsan, darating din ang araw na lalayo din sila sakin, kagaya ng mga naging kaibigan ko noon. Hindi naman sa pagiging negatibo pero yun kasi ang totoo.
“Hulaan mo kung sino to.”
Napangiti naman ako tinanggal ang kamay na nakatakip sa mata ko. “Kahit nasa malayo ka pa, marinig ko lang boses mo, alam ko na agad kung sino.” sabi ko sa kanya.
Umupo naman ito sa tabi ko. “Hays! Ang hirap mo talaga iprank, baby.” nakangusong sabi niya.
Natawa naman ako at marahang pinisil ang pisngi niya. “Cute mo. Yung assignment mo sa organic chem, tapos mo na ba?” tanong ko sa kanya.
“Ang hirap sa number 5 po. Pwede paturo? Hehe” nahihiyang sabi niya.
“Patingin nga ng question.” sagot ko at agad naman niyang binigay ang papel niya sa akin. Tinulungan ko siya sa assignment niya at pagkatapos nun ay nagsimula na ang first subject namin. Hindi pa pala ako nagpapakilala.
Hi! I am Luna Sia. 21 years old at graduating na. BS Bio pala course ko kaya natulungan ko ang boyfriend ko sa assignment niya sa org chem. Itong katabi ko naman ay si Carter Sim, jowa ko. Mag-aapat na taon na din kami ni Carter at sa awa ng Dios, sobrang tatag ng relasyon namin dalawa kahit na may mga nililihim ako sa kanya. Kung ako BS Bio, si Carter naman ay chemical engineering. Hindi lang halata pero halimaw din utak nitong boyfriend ko. Sa totoo lang mas matalino pa ito kesa sa akin, masyado lang talaga pahumble ang loko.
Napatingin ako sa kanya at nakitang seryoso itong nakikinig sa professor namin. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti, sobrang gwapo ni Carter, tangkad din ito at mala adonis ang katawan. Matalino din at napaka sweet. Too good to be true talaga si Carter sa buhay ko. Hindi ko aakalain na bibigyan ako ng Dios ng ganitong klaseng jowa. May awa pa rin pala talaga ang Dios sa akin..
"Baka matunaw po ako." sambit nito at agad na ngumisi sa akin. Nawala naman ang ngiti sa labi ko at pabirong hinampas ang balikat niya. "Kapal mo." bulong ko rito.
"Hindi kita mahahatid ngayon, baby. May pinaasikaso si dad sa akin sa kompanya." sabi nito at kinuha ang bag niya, kakatapos lang kasi ng first class namin at dito lang kami magkaklase.
"Okay lang, baby. Mag cocommute na lang ako. Tsaka may lakad din pala ako ngayon." sagot ko sa kanya at inayos ang uniporme niya.
"Saan punta mo?" tanong nito.
"May kikitain lang na teacher ko dati."
"Mag iingat ka ha? itext mo ko kapag nakauwi ka na. Huwag magpapa gabi." sambit nito sa akin.
"Opo. Ikaw din, update mo ko. I love you." sabi ko at lumapit sa kanya. Hinalikan naman agad niya ang aking noo.
"I love you too baby. Good luck on your next class." sabi niya at tumango naman ako. Umalis naman agad ito at pumunta sa next class niya.
"Ang sweet naman talaga ng magjowa." tukso sa akin ni Dave, kaklase ko.
"Mapapa sana all ka na lang talaga." gatong naman ni Albert.
"Sa ibang relasyon na lang talaga ako kikiligin." natawa naman ako sa sinabi ni Nathan, baklang kaklase ko.
"What if makirelasyon ka na lang sa kanila, teh?" pangbabara ni Gia kay Nathan.
Napailing na lang ako sa mga ito. Nasanay na din ako sa kanila, halos araw-araw ba naman kaming tuksuhin. Binansagan pa nga kami ni Carter bilang Campus Couple. Nakakatuwa dahil maraming sumusuporta sa relasyon namin.
Pagkatapos ng klase ko ay agad akong nagtungo papalabas ng building. Palabas na sana ako ng exit ng makasulubong ko ang dating nagpapatibok sa puso ko.
"Luna.." mahinang pagsambit niya sa pangalan ko. Walang emosyon ko siyang tiningnan. "I found you..."
Si Yvo, ang lalaking minsa minahal at pinagkatiwalaan ko.