Chapter 1
Astrid’s POV
This is a special night for me, kaya naman naghanda ako nang mabuti. I am wearing this sexy party dress that is so sparkly na parang kumikislap sa gabi. It’s a halter, kaya naman kitang-kita ang bare back ko. Kailan ba ako nagsuot ng ganito? Hindi ko na matandaan. Ah, basta! I will take this opportunity tonight. It’s my birthday and the first anniversary of my divorce from my shitty husband. I am going to get wasted tonight!
Tiningnan ko ang orasan at malapit nang mag-10. Muntik ko nang mabitawan ang aking lipstick nang marinig ang malakas na busina sa labas. Kinuha ko ang aking heels at mabilis akong bumaba ng hagdan. Nakita ko ang aking pretty daughter na nasa living room at nanonood ng isang hockey game. Lumingon siya at natigilan nang makita niya ako.
“Mom? Wow! You look so sexy!” tuwa niyang sabi.
“Uhm, is this really okay?” tanong ko sa kanya habang sinusuot ko ang aking heels. “Hindi naman ako mukhang nagta-try masyado?” nahihiya kong sabi. She gave me two thumbs up at mabilis siyang lumapit sa akin.
“No, Mom! Ang ganda mo kaya! Bagay na bagay sa’yo! Remember to let loose tonight and even spend it with a man. Ako na ang bahalang magsabi sa kapatid ko. They won the game, by the way.”
“That’s good, sweetie.” Narinig ko ulit ang busina sa labas. “I need to go. Baka iwanan na ako ng mga Ninangs mo 'pag hindi pa ako lumabas. Don’t wait for me.” Hinalikan ko ang kanyang pisngi at lumabas na ako. Patakbo akong lumapit sa sasakyan habang sinusuot ko ang aking coat. Binuksan ko ang pinto ng backseat at sumakay na ako.
“Wow! Ang ganda-gandah naman ng bestie natin! All out ka talaga ngayon, ah!” tuwang sabi ni Glinda na nasa passenger seat habang si Elphy naman ang nagda-drive.
“Dapat lang! It’s her one-year anniversary of being single! Sa pagiging malaya niya sa isang walang kwentang marriage!” sabi ni Elphy. “Walang pa-inosente tonight. Let's drink, dance, have fun, and maybe get a man for you para paligayahin ka ngayong gabi!”
”Baliw ka, Elphy! Just being with you guys is fun,” sagot ko.
“Astrid, isang taon ka nang celibate! Kailangan nang diligan 'yang kweba mo. Ano ka ba! Baka may cobwebs ka na down there.”
“Glinda! Ano ba naman 'yang sinasabi mo!” saway ko sa aking kaibigan na malakas na tumawa. May nilabas itong isang flask at inabot niya ito sa akin. Kinuha ko naman ito at binuksan. One whiff and I knew it was whiskey. “What the fvck is this? Inom agad?”
“Pampalakas-loob lang at baka bigla ka na namang mag-walk out. Ilang beses mo na kayang ginagawa ‘yon. Lagi na lang busy sa trabaho, sa bahay. When was the last time you drank hard and parrrteeehhh?!”
“I know that I have been single for a year, pero may mga anak ako. Nag-start pa lang sila ng college. My son was accepted sa number one ranked football team ng university habang ang dalaga ko naman ay parte na ng sikat na cheerleading team. I have been really busy, not just with my business, but with my children too. Hindi tulad ninyo na walang anak na inaalala.”
“Luh! Malalaki na ang mga anak mo. Kaya na nila ang kanilang mga sarili, Star. It is time to think about yourself. Isa pa, masyado kang focus sa business mo na matagal nang namamayagpag. I mean, nandito naman kami na kasama mo, co-owners, pero nakakapagsaya pa rin kami. I do like to hang out at our secret store, though.”
“Elphy, huwag mong sabihin na may bago ka na namang idea for the store,” nakangiti kong sabi.
“Yup! I will show it to you girls and maybe try it too.”
“Kyaah! Gusto ko 'yan!” excited na sabi ni Glinda. Napailing lang naman ako at ininom ang nasa flask. Napaubo ako nang konti as it burned my throat. After a few drinks, mas kalmado na ang aking pakiramdam.
Sa isang new nightclub kami papunta. Nang makarating kami roon, it was crawling with people already at ang dami nang nakalinya. Mabuti na lang at VIP na ang kaibigan ko. Nag-park kami sa harapan kung saan may nakaabang nang valet. Binigay ni Elphy ang kanyang susi nang bumaba na kaming tatlo. Isang host ang naghatid sa amin sa isang VIP table.
Napahanga ako nang tuluyan na kaming makapasok sa club. I admit na matagal na akong hindi nakakapasok sa ganito. It was loud, kind of dark with only amber spotlights on the stage, and the colorful lights that were also dancing ay nagre-reflect sa black at makinis na floor. There were dancers on the stage, and a DJ sa gitna. A lot of people were dancing on the dance floor. The air smelled of dark vanilla mixed with the spiciness of alcohol.
Hawak ni Glinda ang aking kamay habang sumusunod kami sa host papunta sa aming booth. Umupo kami sa velvet plush couch which was so soft. May lumapit sa aming waitress na nag-offer sa amin ng champagne na agad naming tinanggap. Tumingin ako sa buong paligid and this place was really different for me. The nightclub before was really different na pinupuntahan namin noon. Everything was so modern, edgy, stylish. My brain started moving, and an inspiration came to mind.
“Star? Natulala ka na d'yan. Is there something wrong?” tanong sa akin ni Elphy. Ngumiti ako at uminom ng champagne.
“Nothing! May pumasok lang na inspiration sa utak ko. But, that can wait…” Tumayo ako at itinaas ko ang aking glass. “To my first anniversary of being single after divorce. Let’s have fun and party with men!” Tumili rin silang dalawa at tumayo. Nag-cheers kami at nagsimula na kaming magsaya.
May binulong si Elphy sa host at umalis ito. Pagbalik nito, may kasama na itong mga lalaki na nakasuot ng black mask, leather pants, at black, netlike top. Kitang-kita ang magandang hubog ng kanilang katawan. Nagniningning ang aking mga mata. When was the last time I had seen men like this?
“This is for our beautiful boss and good friend! Star, dig in!” sigaw ni Elphy mula sa malakas na EDM music. Napatawa naman ako at nilapitan ang mga lalaki. Isa-isa kong hinawakan ang kanilang abs. I bit my lip and drank some champagne again. I needed a stronger one, though. We drank and we danced kasama ang tatlong lalaki. We also did body shots na nagpa-excite pa lalo sa akin.
Hinila ako ng aking mga kaibigan sa dance floor at doon kami sumayaw. I let all my inhibitions go at lumabas ang dating ako noong malaya ako sa isang relasyon. Marriage took it away from me lalo na nang nabuntis ako nang maaga. Well, hindi naman kami ikakasal kung hindi dahil sa aming mga anak. I had a beautiful life back then and one night changed it all. I don’t regret my children. Nagsisisi ako na hindi ko nagawa ang mga gusto kong gawin noon.
“Star! Grind that peachy ass!!!” sigaw ni Glinda. Tumawa ulit ako and started dancing freely on the floor kasama ang aking mga kaibigan. Pumwesto sa likod ko si Glinda at hinawakan niya ang aking baywang.
“That’s it, Star… Don’t just go dancing with us. You need men,” bulong niya sa aking tenga. “Look over there." Tumingin ako sa kanyang sinasabi and my jaw nearly dropped nang makita ko ang ilang lalaki na malapit sa stage. Four big men, gorgeous, with well-built bodies dancing and grinding their hips na walang pakialam sa kanilang paligid. They were just having fun like us. “Hot! Very hot young men.”
“Elphy, I think I’m having a nosebleed," sambit ko at tumawa siya.
I was still staring at them and just as my friend said, they were way too hot! Something stirred inside of me na matagal ko nang hindi nararamdaman. No! No! This couldn’t be! My inner slut had been in hibernation for so many years! Hindi pwede na lumabas lang ito pagkakita sa mga lalaking ‘yon. Not just one, but four! Oh my gosh! No way! Namilog ang aking mga mata nang sabay-sabay silang tumingin sa akin. Agad naman akong tumalikod, at nagpatuloy ako sa pagsasayaw kahit nararamdaman ko pa rin ang kanilang tingin. I was about to walk out of the dance floor nang harangan ako ni Glinda.
“Oh no, you don’t!” nakangisi niyang sabi sabay tulak niya sa akin. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Hindi ko na rin nakontrol ang aking katawan.
“Glinda, you b***h!” sigaw ko. Kumaway lang sa akin ang bruha. I thought I was falling, but strong arms caught me. I met intense, gray eyes that were full of amusement and flirtiness.
Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig ako sa isa sa mga lalaking pinapanood ko kanina. He had this black hair, styled short on the sides of his head and longer in the middle. It was brushed up beautifully. Makapal ang kanyang mapupulang labi, solid jaw, thick neck, broad shoulders. Nararamdaman ko ang kanyang init seeping through me.
“Hello there, pretty lady…” sabi niya in his deep, cold voice. “Careful, you might fall… hard.”