bc

Working To Mr. Womanizer

book_age16+
2.3K
FOLLOW
16.5K
READ
pregnant
badboy
independent
drama
bxg
enimies to lovers
virgin
like
intro-logo
Blurb

Julianna is working to Padilla Enterprise as secretary of Danleigh. Danleigh do not believe in love. Julianna believes in a fairy-tale story of love. Their roads are cross together and what will they experience to each other?

chap-preview
Free preview
Prologue
Julianna's P.O.V. I need to work so that I can pay for the things that I need. Matagal na akong mag-isang nakikipagsapalaran sa mundo. Hindi ako ganoon kahirap dahil meron naman akong kotse at condo unit. Matagal ng namatay ang mga magulang ko. 'Yun ang reality ng life. Hindi habang buhay ay mag mag-iistay sa tabi mo. Hindi habang buhay na mamumuhay ang mga magulang mo. Kaya naman dapat habang nandyaan pa sila ay gawin mo na lahat ng makakaya mo para sa kanila. You need to show your love to them before it's too late. Bago pa ma huli ang lahat at wala ka ng magagawa. I am thankful na naiparamdam ko sa kanila iyon habang nabubuhay sila. Napabuntong hininga nalang ako. Nawalan ako ng trabaho at ngayon ay kailangan kong humanap muli. Paano ako mabubuhay kung magiging tamad ako at amagiging tambay lang sa condo ko. Ano iyon? Mamalimos na lang ba ako at papabayaan na mawala sa akin ang lahat. Napa isip ako na kung sana ay meron akong nobyo ngayon ay merong dumadamay sa akin. Merong magbibigay ng saya sa buhay kong malungkot. I just shrugged my shoulders off and look at the bright side of life. At least hanggang ngayon ay humihinga pa ako hindi ba? Tumayo na ako mula sa kina uupuan ko at tumingin sa paligid. Naka upo ako sa isa sa mga bench sa daan kanina. Pinalibot ko ang tingin ko sa mga naglalakiang mga building. Working companies, mall, and condominiums. Ngayon ay saan ako hahanap ng trabaho? Pumasok ako sa loob ng isang convenience store at tinignan ang mga magazine roon. Napukaw ng atensyon ko ang isa. Cover niyon ang gwapo ngunit mukhang supladong lalaki. "Padilla enterprise," basa ko sa nakasulat. "The one and only child of Mr. Padilla," napatango na lang ako at binasa ang loob niyon. Isa ang enterprise na ito sa mga gusto kong pasukan. Nalaman ko kasi na maganda itong mag-pa sweldo at kailangan ko iyon para sa pag iipon ko. Para sa ikabubuhay ko. Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko at dumeretso sa mga pagkain. Kumuha ako ng hotdog sandwich at ng sprite. Dala dala ko na rin ang magazine. Bibilhin ko iyon upang mabasa pa ng tuluyan ang laman nito. Inilagay ko na iyon sa counter. "Two hundred forty eight point fifty po, Ma'am," saad ng lalaki sa counter. Tumango naman ako at binuksan na ang pitaka ko. Marami rami pa naman ang laman niyon ngunit nanlulumo pa rin ako. Lalo na at wala akong income ngayon kaya kailagan kong mag tipid. "Thanks," saad ko at kinuha na ang naka plastic. Lumabas na ako roon at naglakad lakad pa. Wala ngayon ang kotse ko dahil tinitipid ko rin iyon sa gas. Mukha na ba talaga akong maghihirap? Grabe naman talaga ang buhay na ito. Napatawa na lamang ako sa aking inisip at iwinasiwas iyon. Binuksan ko ang plastic at kinuha ang hotdog sandwich. Kakainin o iyon habang naglalakad. Excercise na rin ang paglalakad ko na ito. Sa kabilang dako pa kasi ang sakayan pa uwi sa amin. Nakakalahati ko na iyon ng bigla iyong mahulog. "Ang hotdog ko," atungal ko sa lalaki na bumangga sa akin. Napatingin naman siya sa akin at napangisi ng kaunti. "May hotdog ka miss?" tanong niya. Doon ay nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Aba at talagang namumuro na siya sa akin. "Bahala ka nga diyan. For your information wala rin po akong lawit," saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad. KAamalas malasan nga naman. Kung kailan ka nagtitipid ay roon pa mahuhulog ang pagkain mo. Wala na akong balak bumili pa ulit noon. Binuksan ko nalang ang sprite at ininom iyon. Sana naman ay hindi na ito masayang. "Ay," inarte ko ng mahulog sa damit ko ang sprite. Ano ba naman iyan? Kakasabi ko lang eh. Nakakainis naman talaga oh.  Napatingin ako sa bumunggo sa akin. Siya na naman at talagang gusto ko na siyang batukin. "Ano bang problema mo?" sigaw ko na sa kaniya. Na agaw ko na rin ang atensyon ng iba ngunit agad din naman silang nag-iwas ng tingin. Kainis na buhay naman ito. "Chill," itanaas niya ang dalawa niyang kamay. "It's not my intention to do that," sagot niya pa. "Eh bakit ba kasi ang likot likot mo? Alam mo namang nasa daan ka tapos ay ganyan ganyan ka," galit na utas ko. Hindi siya nagsalita at patingin lang sa hawak kong plastik. Clear iyon kaya naman nakikita ang laman nito sa labas. "Really huh?" nakangisi na niyang tanong.  Hindi ko makuha ang ibig sabihin niya. Kaya naman napakunot nalang ang noo ko sa kaniya. Ano bang pinagsasabi at ninginisi nisi nito? Akala mo naman ay ikinaguwapo niya. "What?" mataray ko pa ring bulalas. Natawa lamang siya at tumingin ulit sa hawak ko. Pagkatapos ay papiling piling na umalis. Nababaliw ba iyon? Parang tanga naman. Akala mo naman talaga ay gwapo. Nek nek niya. Pero sige gwapo na siya kahit kaunti lang. Kainis naman talaga ano po. Tinakpan ko ang damit kong basa gamit ang hawak kong plastik na may laman. Lumipat na ako ng daan at naghintay na ng jeep na masasakyan. Wala na akong pang taxi. "Para po," saad ko ng natatanaw ko na ang building ng condo unit ko.  Bumaba na ako at naglakad papasok doon. "Hi, Manong guard," bati ko sa nagbabantay sa entrace. "Good evening, Julianna," he said and waved at me. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang number three button. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumukas na iyon. Lumabas na ako at dumretso sa pintuan ko. I punched my password and get in. "Nakakapagod na araw," bulong ko sa aking sarili at umupo sa malambot kong sofa.  Napatingin ako sa hawak kong plastik at kinuha ang laman noon. Tinanggal ko ang pagkakabalot ng magazine. Hindi ko na tinignan ang front nito dahil nabasa ko naman na iyon kanina. Natigil ako sa ika limang pahina ng makita ang malaking letrato. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking napagtanto. Siya iyon. Ang dalawang beses na nakabangga sa akin. Ang nakakainis at nakakakulo ng dugo na lalaki. Napa isip naman ako bigla at bumalik sa isipan ko ang pag ngisi niya. Napatakip ako sa aking mukha at na realize kung bakit niya iyon ginawa. Ano na lang ang iisipin niya nito? Na may gusto ako sa kaniya? Na pinapagpantasyahan ko siya? Juice colored naman talaga. Binasa ko ang nakasulat doon, "The super so hot Padilla," iyon ang aking binigkas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married to a Cold Billionaire

read
130.8K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

That Night

read
1.1M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
174.5K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

A Billionaire In Disguise

read
667.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook