Danleigh's P.O.V. Kakauwi ko lang galing sa opisina. Masakit ang likod ko at wala ako sa mood. Ilang araw na rin ang lumipas at napapansin ko ang pag iwas sa akin ni Julianna. Hindi ko alam kung bakit siya nagiging ma ilap sa akin. Dati naman ay pinapatulan niya ang mga biro ko. Ngayon ay para siyang napipikon at nangigil sa akin. Ano ba ang ginawa ko sa kaniya? Hindi ko rin alam sa sarili ko at naiinis ako tuwing may kasama siyang lalaki. Si Ken, Syd, at si Dion. Pero mas naaabala ako kay Ken dahil pakiramdam ko ay may gusto rin sa kaniya ang sekretarya ko. But I shouldn't meddle with them right? Hindi ko naman siguro kakainin iyong mga salitang binitawan ko noon sa bar. Ang mga sinabi kong kataga kay Ken. Napabuntong hininga nalang ako at winalang bahala iyon. Napahilot na rin ako

