Chapter 2

1003 Words
Allison's PoV Isang linggo na rin lumipas simula nung mag bar kami ni jannah, sobrang busy naming dalawa kaya hindi na kami masyado nakakapag usap. Mas lalo atang dumami ang gagawin ko dahil mamaya ay mag aassist ako sa isang operation, cesarean section ang gagawin kaya hinahanda ko na ang sarili ko. Hindi na ako madi distract dahil General Surgeon siya, ngayon ay sa Ob Gyne ako mag a assist. The last time na may surgery kami ay napagalitan kami dahil kulang ang stats ng patient namin. Kaya nahihiya ako na magpakita kay Doc Alexander. --- Natapos na rin kami sa pagpapanganak. Almost 1 hour and 30 minutes din ang tinagal namin doon, ang daming layers na hiniwa roon hanggang sa makuha na ang baby. Ang cute cute nung baby kaya pala na CS ang patient namin dahil malaki ang baby niya. Nakakapagod ang araw na ito. Ang dami naming ginawa nag check pa ako ng mga pasyente at sinulat ang pangalan nila kung saan sila naka pwesto, public hospital ito kaya wala na kami masyadong space para sa mga pinapasok na pasyente. Kaya nga ang iba sakanila ay nakaupo lang sa upuan kahit naka admit sila. Napadaan ako sa pwesto ng mga doctor. Isang pahabang lamesa iyon at nah .ahati ito sa dalawa, ang dept. ng Medicine at Surgery. Nasa gitna ang pwesto nila at may harang lang itong plastic, ang paligid nila ay puro pasyente kami naman ay nasa kanto ang station. "Hayyyy. Salamat natapos din sa wakas!" Nag uunat kong bigkas. "May gagawin ka ba ngayon?" Napalingon ako at si Doc Alex pala ang nag salita. "Wala naman po, Doc. Pauwi na rin po ako" magalang na nahihiya kong sabi. "Do you want to have dinner with us?" He asked. Napatango na lang ako bilang sagot. Nakakahiya naman na tumanggi sakanila dahil kasama rin nila ang mga kaibigan ko dito sa work. Nag palit na ako ng damit at kinuha ang mga gamit ko, pag labas ko ay nag hihintay pala saakin si Doc. Naka sandal siya at naka pikit, tinitigan ko ang mukha niya napaka gwapo niya talaga ang sarap pisilin ng pisngi. Mataba man siya sa paningin ng iba pero para saakin ay perfect siya. "Tititig ka na lang ba?", Nakapikit niyang sabi. Dumilat siya at tumitig saakin, ako na ang umiwas ng tingin at halos naririnig ko na ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba. "Uhm", medyo nahihiya ako. "Let's go." Tumalikod na siya at nag simulang humakbang. Parang may naalala ako bigla pero pinagsawalang bahala ko na lang ito, sumunod ako sakanya at nalaman na nasa restau na pala ang iba naming kasama. Kaming dalawa lang ang magkasama sa sasakyan niya, halos maihi ako sa kilig ng pag buksan niya ako ng pinto ng passenger seat at sinarado ito pagka pasok ko. "Pagkakataon ko na ito! Landiin ko na ba?" Umikot siya at sumakay na sa kotse, nang mabuksan niya na ang makina ay lumapit ito sakin at nanigas ako sa kinauupuan ko. "Ang bango niya. Amoy Calvin Klein Eternity" Nang maikabit na niya ang seatbelt ay nag simula na siyang mag drive. Wala kaming imikan dalawa hanggang sa dumating kami sa restaurant. Nauna na ako bumaba at dumiretso agad papasok, hinanap ko ang mga kasamahan ko pero hindi ko sila makita. Para akong tanga na palingon lingon hanggang sa may humila na lang saakin. Si Alexander. Hawak niya ang kamay ko habang may kausap siya. Ang narinig ko lang ay reservation. "Doc, asan po mga kasama natin?" Nagtatakhang tanong ko. Hindi niya ako sinagot at hinila lang ako papunta sa table namin. For two lang iyon. Ibig sabihin kami lang ang kakain dalawa? Ano 'to date?. "I'm sorry. I lied." Sabi ko na nga ba. Date nga ito! Kung alam ko lang, sana pala nag ayos ako para naman maganda ako sa paningin niya. "Okay lang po." Syempre pakipot muna tayo hahaha. Hard to get ata 'to. After 1 hour, natapos na rin kami kumain sa loob ng isang oras siguro mga 10 beses lang ako nag salita. Kung hindi oo ang sagot ko ay mga tanong naman ang sinasabi ko. "Ahm. Bakit nga po pala tayo lang dalawa?" Medyo curious na tanong ko. "I just want to talk to you. In private." Hawak niya ang wine at uminom dito. "About saan po ba?" "Do you have a boyfriend?" Titig na titig siya saakin. "Meron! Nasa harapan ko nga lang eh" Syempre charot lang 'yon ano. "Wala po. Bakit?" Andami ko ng naiisip. Lord, ito na po ba? "Good. I want to court you" I was shocked. Who ever thought na ang crush ko ay manliligaw saakin? Meron pa ba n'on ngayon? Pagkatapos ng pangyayari na 'yon ay di ko namalayan na nakauwi na pala ako. Tulala lang ako habang ina-absorb ang sinabi niya, hindi ko akalain na yung paglalandi ko minsan ay gumagana pala sakaniya. Ang dami ko tuloy nai imagine ngayon, pano kung sinagot ko na siya magki kiss na ba kami? May dilig na ba?. Omg, magpa buntis na kaya ako agad para matali na agad saakin. Habang marami akong iniisip bigla na lang ang ring ang phone ko. 'Unknown number' Sinagot ko ito agad kahit ba wala ako masyadong pinagbibigyan ng number ko. "Hello?" Walang nagsasalita. "Hellloooo?" Pinatay ko ang tawag dahil wala naman nagsasalita at baka scammer pa pala ang taong 'to. Haysss, tomorrow is another day. Another pagod na naman. May shortcut sa buhay natin yung pwedeng yumaman agad para hindi na mag hirap ng ganito. Di bale ilang buwan na lang naman magtatapos na ako. Siguro pag tapos na ako balak ko mag trabaho abroad dahil na rin siguro mababa ang pa sweldo rito sa pilipinas. "Makatulog na nga. Pero stalk ko muna siya hihihi", Nag start ako mag search ng pangalan niya hindi pa kami friend pero yung ibang post niya ay naka public lalo na sa mga nagta tag sakanya. "Goodnight" Sabay halik sa cp ko na may picture niya. ------------------------------------------------------------------------------------ Please Support! Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD