Farrah's POV
Lumipas ang mga araw, at malapit na naman ang pasukan.Nakapagenrol na ako sa isang University dito sa Tarlac.Business ad major in Operational Management napili kong course,yun talaga ang gusto ko.Hindi man sa RIS sa makati ako nakapasok, ok lang, baka naman next year pwede na ako dun.
Magkasama kami ni Sophie ngayon nasa mall, bibili kami ng mga gamit sa school,parehas nga pala kami ng school at course ni Sophie.oh di ba were bff talaga.
Farrah,pagkatapos natin dito punta tau sa department store ,may nakita ako na magandang damit dun last time baka andun pa, "sabi ni Sophie na hindi man lang tumitingin sakin habang pumipili ng mga notebooks.
Ok cge,magtingin din ako ng shoes,wala pa akong shoes pangpasok , "sang ayon ko naman.
Pagkatapos sa bookstore, dumeretso na kami sa department store.Naghiwalay muna kaming dalawa,nagpunta siya sa girls section ng mga damit,ako naman sa bilihan ng sapatos.
Makalipas ang 30 minuto, nagkita na kami at magbabayad na sa counter.Tiningnan muna namin parehas ang napili ng isat isa.
Wow! you really have a good taste, 'natutuwang sabi ko kay Sophie matapos ko makita ang dress na napili niya,'san mo to nakuha, gusto ko din ganitong yari, yung ibang color lang
Talaga! gusto mo din yan,,madami pa dun, halika, ng makapili ka, mura lang to ha kasi 50% off ,bago ata itong brand na to dito sa department store kaya mura pa.300 lang to na dapat 600 ,oh di ba mura na, 'sabi niya habang hila hila niya ako.
Oh heto mamimili ka dito,dami dami di ba?gaganda pa.
Nilibot ng aking paningin ang mga naggagandahang dress,at manghang mangha talaga ako.Ang dami talaga, at napakaganda lahat ng design,gusto kong bilhin lahat,and take note lahat 50 % off.Binasa ko ang brand Boone ng Boone fashion design.Hindi naman kilala ang brand pero ang daming namimili ngayon,mga nagagandahan din siguro at namumurahan kaya siguro dinumog.
Makalipas ang isang oras nakapili na din ako,3 dress napili ko,worth 750 na yun kasi,nakalagay dun buy 2 for 50% off and get 1 for another 50% off,thats why i grab the chance,ginaya na din nga ako ni Sophie.
Hindi naman halatang nagustuhan natin at ng mga tao ang Boone, hirap makipagsiksikan.Babalik ako dun next time,"sabi ni Sophie habang nakapila kami sa counter.
Pustahan tayo mahal na yun sa sunod,dinumog ngayon eh,sagot ko naman.
Pagkatapos namin magbayad ay kumain na kami at naghiwalay ng pauwi.
Napagod ako kaya pagdating ko ng bahay, sumalampak na agad ako sa kama ko,at nakatulog na.
Nagising na lang ako madilim na sa labas,bumangon ako at tiningnan ang oras sa phone ko .8pm na pala.Naisipan ko magfacebook muna bago lumabas.
Say hi to your new f*******: friend, Wizard.........
Huwhhhhhat,inaaccept niya ako.Inopen ko.
Seen
Seen lang haha,no reaction,nobela na nasabi ko sa kanya, wala lang. hahhaa napapatawa na lang ako sa sarili ko.Nagwave na lang ako sa kanya at naglog out na.
pagkatapos nun lumabas na ako,nakita ako ni mama.
Farrah,ok na ba mga gamit mo sa school,bukas na lang at sa sunod pasukan na,sabi niya
Opo ok na, "maikling tugon ko,at dumeretso sa kusina para kumain, alam ko nakakain na silang lahat ng hapunan at ako na lang hindi kaya di na ako nag alok pa.
Bukas ay mamalantsa ka ng mga uniform mo at ng sa 2 mo pang kapatid.Iyong sunod at bunso ang tinutukoy niya,si ate kasi nasa makati na, siya na namamalantsa dun.
Opo ako ng bahala, "tugon ko uli.
Opo ka ng opo,at ipaalala ko sayo Farrah magaral ka ng ayos ngayon,kung gusto mo next year sa RIS ka mag aral."nagulat ako sa sinabi niya
Talaga Ma,pinapayagan niyo ako dun next year,"tuwang tanong ko kay mama
Oo naman, bakit hindi pangarap mo yun,tapos na din nun ang ate mo,makakapagtrabaho na siya, makakatulong na siya samin ng papa mo.sagot niya uli sakin,
Si papa kasi nasa abroad, nasa factory sa italy,ayos naman sahod niya, malaki naman kaya lang di pa din sapat kasi 4 kaming sabay sabay.Si ate nasa 50k isang sem tuition, tapos kaming 3 nakaprivate school pa.malaki din, kaya kung MagRIS din ako, hirap na. Tiyagain ko na lang ngayon,In fact sikat na University din naman dito sa Tarlac ang papasukan ko,Magaral na lang ako ng mabuti para next year, makalipat ako.
Pagkatapos ng conversation namin ni mama, bumalik na ako sa kwarto,inayos ko yung mga pinamili ko na gamit at nilagay na sa bag na gagamitin ko pagpasok.
Nagonline ulit ako
9pm
Wizard :✋✋✋
Wizard is online
Wizard : what a novel?
Wizard :your conclusion is partially right?
Wizard : So I dont need to give my opinion about your heartbreak because you already move on,I sense it.
OMG!!!!!!!!
OMG!!!!!!!!
OMG talaga !!!!!!!
NAGWAVE BACK SIYA! NAGREPLY!!!
Bigla akong napahiga sa kama tapos napabangon, napahiga ulit at napabangon.
Kinabahan ako bigla.. Hahaha.. NAKAKAHIYA!!! Kung ano ano ipinagdadaldal ko sa kaniya...
Nagisip agad ako ng sasabihin at nireplayan ko siya.
Happy: You are real?hahah ,,I think its almost 8mons, then now you replied.Are you really really real?
Happy: What conclusion? haha i forgot it already
Happy: Hmp ,yeah no need, i move on already,were ok.
Wizard :You conclude I am a boy.,thats true but i m already 28.its good to hear that you already move on.
Happy : You read it all from the top?
Wizard :your novel? oh yeah, thats why it takes days to reply you.hehehe
Happy : Sus marunong ka naman pala kuya magtagalog,,english english ka pa hehehe
Wizard : oo marunong nman aq,ikaw tong sagot ng sagot ng english eh.and dont call me kuya,nalaman mo lang age ko kuya agad.I dont like that endearment,tawagin mo ako kung anong tawag mo sakin
Happy : suplado naman,kuya naman talaga kasi matanda ka po sakin,gumagalang lang po.
Wizard : Bat naman ako naisip mo, pangbuntunan ng mga hinanaing mo sa buhay,?wala ka bang friends,true friends?ow dont tell me may attitude ka...
Happy : ay judgemental din si kuya, hindi ko rin nga alam actually ang dahilan,may friend nmn ako si Sophie, bff ko, Sinasabi ko din naman sa kanya lahat, hindi lang sayo noh.
Wizard : Sophie ano? anong surname?
Happy : ayaw ko nga baka search mo pa, Siya bye na, goodnight po, till next time.
Wizard :Ok goodnight
Nakatulog akong nakangiti dahil kay mama at kay wizard.