Lumipas na ang unang linggo ng pasukan,at simula pa lang pinagbubuti ko talaga pag aaral ko.Kaya lang minsan talaga hindi mo maiwasan din ang mastress dahil sa iyong kapaligiran.
Kuya turuan mo nga ako dito sa assignments ko,sabi ni bunso sa kapatid kong kasunod
Busy ako Iyah, si ate Farrah na lang, "tugon nito sabay tingin sakin.
Titindig na sana ako para turuan siya kaso nagdabog na agad siya.
Ayaw ko, gusto ko si ate Mia o ikaw kuya.,'pagdadabog niya at bumalik na sa kanyang ginagawa
Bkit ayaw mo sakin? tanong ko
Ayaw ko lang kasi may sarili kang mundo,si kuya nakikipaglaro pa yan sakin ,"may himig na tampo sa boses niya.
Hindi na lang ako lumapit sa kanya at natameme na lang ako.
Happy : hi, how are you? 😢
Wizard : y r u sad?
Happy : may i ask you something?
Wizard : Go ahead, what is it?
Happy : paano ba maging malapit sa taong mahal. mo?
Wizard : y? may nagugustuhan ka na ulit?
Happy : uii wala no,,yung bunso ko kasing kapatid ayaw sakin,parang nagtatampo.
Wizard : ahh, iapproach mo lang kausapin mo,gawin mo kung ano yung hilig niya minsan, bond with him or her, ginagawa mo ba yun?
Happy : hindi, kasi hindi nga kami close at ayaw niya sakin.
Wizard : so start from now, gawin mo na.ok .
Happy :ay ayaw nga sakin..
Wizard: Pag sinabing ayaw sayo...Ayaw mo na din??Hindi dapat ganon...Gumawa ka na paraan na magustuhan ka niya kung gusto mo na maging close kayo ng kapatid.
Happy:Hirap naman...Ako kasi pag ayaw na sa akin ..Di wag!Pero kapatid ko yun ...
Wizard:Exactly!Kapatid mo yun..Siguro kung sa ibang tao pwede pa ...Pero kapatid mo yun ..So make effort ....Pag gusto may paraan..Alam mo dapat yan...
Happy:Ok po ...Salamat....Dahil kahit sa maliliit na bagay na kagaya ng ganito ...nakakapag -open ako sayo
Wizard:No problem....Chat ka lang lagi ..
Naglog out na ako ,at nakita ko si bunso na nahihirapan talaga sa ginagawa niya,Tumindig ako at nilapitan siya.
Patingin nga ako,sabay tingin sa ginagawa niya 'nagsosolve ng math. Pinakita naman niya kahit medyo nagaalangan siya.
Ng makita ko, itinuro ko sa kanya pagsolve,unti unti naman niya nakuha.Nagtry siya magsolve on her own at nagawa niya kaya natuwa sya sakin.
Ate Farrah,thank you, lagi mo na akong turuan ha, sabi niya
Oo naman sure na sure basta magpaturo ka lang kay ate.
Napapangiti na lang akong pumasok sa kwarto ko, sinunod ko talaga ang sinabi ni wizard.
Lumipas ang araw, nakatapos na ang prelim,medyo hayahay muna ang buhay.
Wizard : hi
Wizard : Ilang araw ka yata nawala?
Wizard : Ngayon lang kita natyempuhan ah
Happy : kakatapos lang nmin ng prelim.ay kasi po pag magoopen ako wala ka naman, hindi naman ako nakakaonline sa hapon kasi lagi na akong kinulit ni bunso.
Wizard : oh kinukulit ka na nya ngayon? dati ayaw niya sayo,
Wizard : kamusta nama result ng exam mo?
Happy : Effective yung advice mo ,kaya napaamo ko si bunso.thank you for that,My exam, im happy with the result, may naperfect pa nga ako and yung iba ilan lang mali.
Wizard : no need to thank me,its you pa din, kht nag advice ako kung nd mo pa din gagawin,wala din. You deserve, the good result, nag aral ka naman mabuti siguro.
Happy : yes of course i study hard.,basta thank you pa din, by da way maiba naman kasi puro ako na lang bida dito,ako naman ang magtatanong sayo.Anong pinagkakaabalahan mo? taga san ka? may gf ka na ba?
Happy : or may asawa ka na ba? naku kung meron iblock mo na aq kasi ayaw ko ng gulo,
Wizard : haha isa isa lang nman,una mananahi ako, , pangalawa taga Cebu ako ,and wala akong gf at lalong wala akong asawa,, may tanong pa?
Happy : mananahi ka ng ano?
Wizard : mananahi ng sari saring klase ng damit,like uniforms, dress and so on, many to mention,basta yun ang highlight ng pinagkakaabalahan ko.
Happy : haha kala ko basahan,
Wizard : oo nananahi din kami ng basahan.
Happy : kami? may kasama ka pananahi.
Wizard : oo mga katrabaho ko,
Happy : ah ok nag aral ka ba? siguro naman oo,english ka ng english
Wizard : oo Bachelor in Fashion Design and Technolgy.
Happy : wow sosyal, ay di magaling ka sa fashion
Wizard : hindi ko alam hehe sila na lang magjudge sakin
Wizard : Anyway aral kang mabuti,
Happy : thank you po,anong ginagawa mo po ngayon?
Wizard : wala nakaupo lang,
Happy : nakaupo ka lang,,patay ka sa boss mo, baka masisante ka, chat ka ng chat hahaha
Wizard : hindi naman siguro,di naman ako papahuli,ikaw jan baka mahuli ka ng teacher mo
Happy : wala po akong klase, vacant ko ngayon.
Wizard : ah ok tama din nmn relax din pag may time.
Happy:Oo naman po..Wag din naman yung puro seryoso...Bakit po pala wala kayo girlfriend?Pwede na naman siguro kayo mag-asawa at your age.
Wizard:Mag-asawa.....Wala pa sa balak ko iyan....pagdating Naman sa girlfriend...Baka hindi pa lang dumadating ang para sa akin...baka on process pa hahahah...Malay mo ikaw pala 🥰
Happy:Hahahah awwww kilig po ako....Matagal tagal niyo pa po akong hihintayin hahahaha
Wizard:Napakakwela mo din no....Seryoso.....Wala pa sa ngayong napupusuan ....sana ay dumating na.
Happy:Malay niyo Naman nga po on the process na hahaha.Masyado po yata kayong busy sa work..
Wizard:Siguro nga busy ako sa work ...Pero wag na yun pag-usapan natin ....
Happy:Ay ano na lang po pag-usapan natin
Wizard:Ikaw kung ano gusto mo pag-usapan natin
Happy:Wala Naman po ako maisip
Wizard: Kahit yung mga paborito mong gawin or kainin
Happy:Hahaha totoo po?yun talaga paguusapan natin...Naku boring po
Wizard:Bakit ano ba paborito mong gawin?
Happy:Paborito Kong Gawin ...Mag-imagine😂
Wizard:Huh!!!!Anong iniimagine mo?
Happy:Sari-sari po....halimbawa po magiisip ako ng something or ng situation tapos iimaginen ko ako yung andun sa situation na yun hanggang sa lumawak na lumawak ...
Wizard:Hindi ba weird.....Baka naman nagiimagine ka ng ......😆
Happy:Luhhhhh!!!Ano yan??? hahaha....
Wizard:Yung mga hot scene.....hahahha
Happy:HAHAHAHA...MINSAN PO🤫🤫🤫
Wizard:Sabi ko na ...Bad ka!!!!
Happy:Wag ka pong maingay...minsan lang naman...ahhhhhhh hahahah ang weird nga po...
Wizard: Hahaha oo ang weird mo....but it's ok ...
Happy:Hahaha haba na po ng Convo natin...next time na po ulit.
Wizard:Ok sure....thanks sa time...ingat ka palagi.
Happy :Ikaw din po ingat palagi.
Napangiti na lang ako sa naging conversation namin ni Wizard.Masarap naman itong kachat hindi boring kahit pa boring ang topic ..Saka Siya yung taong hindi mo mararamdaman na mababastos ka . Sigurado din na magaadvise siya ng para sa ikakabuti mo at hindi yung Basta may masabi lang siya.
Kaya naman naging maging ang loob ko sa kaniya kahit sa chat lang.Kapag may problema ako ...nasasabi ko sa kaniya ....dahil alam ko na papayuhan niya ako ng walang halong pagkukunwari at paninisi.