7pm
Wizard :Good evening,
Wizard : are u done with your dinner?
Happy :gud eve too.yes ,im done already.. alam ko kasi magchat ka, kaya kumain na ako ng maaga.
Wizard : ganon kaimportante sayo ang chat ko,kaya nag adjust ka sa pagkain mo.
Happy :oo naman, mahalaga sakin ang chat mo,pinagiginhawa nito pakiramdam ko.hahaha
Wizard : wow hehehe at sa paanong paraan naman,im not aware,nakakatulong pala aq sayo ☺☺☺
Happy : basta, nakakapaglabas ako sayo ng mga emotions ko,sometimes nakakapagadvice ka at nakakatulong naman sakin pag ginagawa ko.
Wizard : so thank you for appreciating that
Happy : no..ako dapat magthank you. magwaone year na aqng nagoopen sayo
Wizard : talaga..pasensya ka na ,di ko agad naopen account na to,disin sanay kasama mo aqng nakaharap sa mga problema mo
Happy : ano ka ba,kahit di ka nasagot noon, ok lang, nakabawas ka pa din sa bigat ng pinagdaanan ko,look at me now, strong na hehehe
Wizard :pano kita titingnan? di ka naman makipagkita
Happy : soon,,darating tayo jan,sa ngayon ,ganito muna tayo..may tatanong aq sayo ?
Wizard : ok wait ko yang soon na yan..sige tanong mo na
Happy : Can you be my invisible friend?
Wizard : hindi pa ba ang lagay natin na ito?
Happy : i just want an official answer from yours
Wizard : hmmm i accepted you as my invisible friend,
Happy : yes ! thank you,,thanks for the trust..
Wizard : trust??
Happy : trust...i trust you hehehehe,anyway bakit wizard account mo?
Wizard : naadik ako sa coc dati,do you know that game?
Wizard : tapos meron akong clanmates dati na parang kagaya mo gusto ako ichat, ay syempre di ko naman kilala sya personally,ayaw ko ibigay true account ko, kaya gumawa ako nito.
Happy : ah kaya pla, bakit inabandon mo na ang account mo ng matagal na panahon.
Wizard : hindi na nga kasi ako nglaro ulit ng coc.
Happy : and then why you open it again.,?tinitingnan mo yung clanmate mo kung nagmemessage pa sayo?namiss mo na? girl ba sya?oo siguro alangan naman mag open ka ulit kung boy lang yun, maliban na lang kung....
Wizard: haha so many questions,naisipan ko lang iopen,alam ko ng di sya magmemessage sakin,bago ko iwan tong account na to,matagal na kaming di nagchachat.
Wizard : oo girl sya,di ko naman siya namimiss,naisip ,oo siguro kasi napagusapan natin
Wizard : maliban kung???
Happy: wala yun never mind..
Wizard : maliban kung bakla ako...pwede ko patunayan sayo
Happy: huh!
Wizard : haha wala.
Wizard : may boyfriend ka na ngayon?
Happy : wala,, bata pa ako, ayoko na muna isipin ulit ang pagboboyfriend.di ba alam mo nangyari dati,akala ko di ako makagraduate
Wizard : yan tama ka jan, masyado pang maaga para sayo.ako nga di nagmamadali
Happy : ay dapat mag asawa ka.. malapit ka ng tumalon sa kalendaryo
Wizard : naughty girl..di pa naman, ilan taon pa din naman bago mawala sa calendar,wait pa kita kaya di pa ako nagaasawa hehehe
Happy : so masaya ka na sa biro mo
Wizard : pinapatawa lang kita
Happy : pano ka naman nakasigurado na matatawa ako dun sa biro na yun
Wizard : ayan oh tumatawa ka na, hahaha
Happy : di naman
Wizard : Seriously speaking, ay chatting pala, aral kang mabuti para sayo yan pagdating ng araw.
Happy :hahaha what a nice term.i like that.oo naman, i study hard, gusto ko lumipat sa rockwell international next pasukan,papayagan na daw ako nila mama.
Wizard : oo maganda dun, sa makati yang sinasabi mo di ba?
Happy : oo dun nga,,dun ka ba nag aral?
Wizard : after ng bachelor in fashion design and technology, i also took up business ad, 2 majors in RIS,dun din ako nagmasteral at doctorate.
Happy : wow!!really!! and then bat mananahi ka lang
Wizard: because that is my fashion
Happy : sana di ka na lang nag aral ng pagkarami rami
Wizard : masarap mag aral,tandaan mo yan,pag nkagraduae ka na ng course mo ngayon aral ka ulit,magmasteral ka din at doctorate kung kaya pa ng utak mo
Happy : so you mean matalino ka?
Wizard : hindi ko alam,nakaya lang ng utak hehehe
Happy: wow pahumble,, magtayo ka ng sarili mong negosyo,para di sayang pinagaralan mo
Wizard: di naman sayang,gamit na gamit ko na nga eh
Happy : sana ako din, maging kagaya mo, sana yung mga problema na darating sakin makaya ko masolusyunan lagi para lagi akong may lakas sa hamon ng buhay
Wizard : everything is going to be ok in the end,if its not ok, then its not the end. Just dont lose hope, dont give up.Challenges are what make life interesting and overcoming them is what makes life meaningful.
Happy : nice encouraging qoutes.i will always remember that.
Wizard : yeah always pray also and ask for the wisdom
Happy : i want to cry.. you made me cry ,😂😂
Wizard : why? did i say something wrong?
Happy : nothing,napapaiyak mo ako kasi ganda ng nga sinabi mo,talagang naeencourage ako.
Wizard : ah thats good,so that you cant forget me.hehehe
Happy : siguro d n talga kita makakalimutan ngayon
Wizard : di ka pa antok? 10 pm na, you should rest,pagod ka sa school
Happy : parang ayaw ko pa matulog,baka bukas di k naman magchat
Wizard : hehehe then i will give you time to chat
Happy : is dat a promise?
Wizard : i ll take it as a yes
Happy : ok , you should rest too, pagod ka sa work, i will keep your promise
Siguro iisipin ng iba napaka OA ko kung magreact sa mga chat ni Wizard.Sa totoo lang kung makakahanap kayo ng wizard ng buhay niyo ,yung hindi niyo pa nakikita pero pinaparamdam at nararamdaman niyo yung pag appreciate niya sa mga napag-usapan niyo , maiintindihan niyo ako.Mas pipiliin niyo ang magkaroon ng kaibigan na kahit di niyo pa nakikita pero nararamdaman niyo siya.
Nakakatuwa lang at hindi ko akalain na may tao palang magiging ganon ang turing sa inyo..Sana lang hindi magbago.