Natapos ko na lahat papirmhan ang clearance ko .Magbabakasyon pa lang at excited na ulit ako magpasukan,syempre sa RIS na ako papasok.Alam ko matutuwa si mama ngayon, tataas ng grades ko, deans lister pa
7pm
Wizard : Good evening,Kamusta ?
Happy : ok naman,bakasyon na ulit
Wizard : tapos k na mga clearance mo?
Happy : yap,tinapos ko na kanina lahat,relax relax na ako ngayon,excited na ako
Wizard : excited for what?
Happy : next pasukan,
Wizard : kakabakasyon mo pa lang,excited ka na uli pumasok,relax lang,
Happy : kasi sa RIS na ako papasok,
Wizard : natutuwa ako sayo, kasi masipag kang mag aral at talagang excited pa, merong iba jan tinatamad ,dinala sa ibat ibat school tinatamad,keep up the good work
Happy :kasi gusto ko makapagtapos ng pag aaral,makapagtayo ng sariling negosyo, para makauwi na si papa.
Wizard : asan ba papa mo?
Wizard : anong negosyo ba gusto mo?
Happy : si papa nasa italy,nagwowork sa factory,ayaw niya pa umalis dun kasi malaki ang sahod dun, wala pa nman ako naiisip na negosyo so far, pero sigurado ako bago ako matapos ng pagaaral may makikita at mararamdaman ako sa puso na gustong kong business.
Wizard : matagal na papa mo dun?
Wizard : i like you attitude,towards your dream dapat nasa puso talaga yung mga gagawin para maging successful.dapat gusto mo talagang gawin at di ka napipilitan lang.
Happy : may 20yrs na si papa dun,siya lang nmn may work samin,si ate ngayon pa lang nakagraduate. hehehe napagaralan namin yun dapat daw sa bawat gagawin sa business may puso ka.,pero meron din naman na hindi nila mahal ang ginagawa nila pero succesfull pa rin.
Wizard :san balak nagwork ng ate mo?
Wizard :keep in mind lahat ng natutunan mo,magagamit yan balang araw.
Wizard :oo meron naman ngang nagtatagumpay kahit di gusto ang ginagawa,lalo na kung nagstart sila na stable na ang business, like for example pinamana lang ng magulang na established na talaga ang business,pero syempre dahil di talaga nila mahal ang ginagawa di yun magtatagal,mapapabayaan din, sayang.
Happy : ay ikaw mahal mo ba ang ginagawa mo?
Wizard : oo, ang magchat sayo 😘😘😘
Happy : dun ata si ate magwowork sa business na tinayo ng bf niya,sa makati din
Happy : baliw ka, hahaha, i mean yung work mo
Wizard : ah akala ko wala pa mapag aaplayan ate mo,i can help her to find
Wizard : hehe kala ko kung anong ginagawa ko ngayon, oo mahal ko talaga work ko ngayon kaya maganda ang result,im always happy and excited in every single day when i was at my job.
Happy : talaga?kung sakaling walang maapplyan si ate tutulungan mo siya.?
Wizard : oo, i know someone na may business na pd niyabg pag applyan.
Happy: wow, galing, sige sasabihin ko pag hindi siya dun nagaplay sa bf niya.Baka naman panahiin mo lang din siya.
Wizard : anong masama sa mananahi?
Happy : walang masama dun,di niya yun hilig lang hehe,gusto niya sa office, ganon.
Wizard : alam ko naman, sa RIS siya nagaral,babae pa di malamang sa mga offices sya magwork.high standard pag galing RIS
Happy : definitely true,thats why i push harder to convince mama and papa na dun magaral.Alam mo naman palang high standard sa RIS, bat naging mananahi ka lang.,dont be offended, im just really curious.
Wizard : sariling negosyo ko ito patahian,
Happy : ah wow,yun naman pala sariling business.
Wizard : satisfied with my answer?
Happy : hmm hindi masyado,pero ok lang hehe at list, may alam ako.sya goodnyt na,inaantok na ako.
Wizard : goodnight
Lagi na kaming nagkakachat ni Wizard, nitong bakasyon, natutuwa ako sa kanya kasi binibigyan niya talaga ako ng time para ichat kahit minsan madali lang.Magdadalawang taon ko na syang kachat,magaan na din talaga ang pakiramdam ko sa kanya,im always excited kapag magkachat kami, dont know why,Gusto ko na makipagkita sa kanya,siya naman ito umayaw ngayon.
Ate ' sigaw ko sa kapatid," tara na baka tanghaliin tayo " , mageenrol na ako ngayon sa FIS, sasamahan ako ni ate kasi sanay na siya dun,
Oo anjan na,"nagmamadali siyang lumabas, hindi pa tapos magsuklay tapos ang gulo pa ng bag na basta na lang binitbit.Sa kamamadali niya ay may nalaglag pa na gamit sa bag.Pinulot ni mama kasi nasa tapat niya to nung mahulog.
Mia,may nahulog sa bag mo," pagkapulot ni mama nagulat siya. "ano to mia,kanino to?, "gulat niyang tanong.
Ma..kay..a..noo..po..ma..kay...utal utal si ate,di alam sasabihin, 'tiningnan ko yung hawak ni mama ,pregnancy test and positive siya.
Tumingin din ako kay ate na nagtatanong ang mga mata, hindi ako makapagbigkas ng salita kasi nagulat din ako.
Ma,,im sorry,im sorry po,,"naiiyak na sabi ni ate...
Anong sorry? sayo to? "di makapaniwala si mama
Opo,"hagulhol na iyak na si ate.,umupo na siya sa sofa ,dahil iyak na iyak talaga siya.
Paano nangyari yan Mia? Ipaliwanag mo nga? gulong gulo talaga si mama.
Hindi talaga si ate marunong magsinungaling kaya inamin niya.
Hindi po namin sinasadya ni Ryan, "hindi na natapos ni ate ang sasabihin pa at nakatikim na siya ng sampal kay mama.
Hindi ginusto,? kung hindi ginusto, di yan mangyayari, ginusto nyo yan, hindi kayo nagiisip.,sabi ni mama
Hindi mag sink in sakin ang mga nangyayari,hindi ako makapaniwala kaya tahimik lang akong nakatingin sa knila.Si ate for all the people,sa kanya ako halos ikumpara kasi ang galing niya, and now ganito, buntis siya.
Farrah, bukas ka na magenrol, at hindi ka na sa FIS mageenrol.Dito mo na sa Tarlac itutuloy ang pag aaral, baling sakin ni mama.
Ano ma? napasigaw din ako sa gulat, "hindi pwede, dun ako sa FIS mageenrol,"pagmamatigas ko
Pag sabi kong dito,DITO,hindi yung mababago, "pagdidiin niya", at ikaw Mia papuntahin mo dito si Ryan, baling ulit kay ate.
Ma,sa ayaw nyot sa gusto, mageenrol aq sa FIS,dahil sa nangyari kay ate,pipigilan nyo ako? tatalikod na sana ako papasok sa kwarto ko, ng magsalita si mama
Oo at ayaw kong magaya ka sa kanya,Dito ka lang para uwian ka at alam ko mga nangyayari sayo.
Wow! ma, di ba dati sabi mo gumaya ako kay ate,may pangarap sa buhay, at may nais marating,ngayon ayaw niyo na ako magaya sa kanya, and as if naman alam niyo ang mga nangyayari sakin pag andito ako,hindi nyo din po alam" sagot ko" , at nagulat na naman ako kasi sinampal ako ni mama.
Bastos ka! marunong ka ng sumagot sa magulang mo,
Hindi ko na sya pinatapos at sumabat na agad ako.
Ako na ang pinakabastos nyong anak,AKO na,Pinakawalang kwenta,Walang nais marating,A foolish dauhgter of yours,then so b it, sabay alis papuntang kwarto.
Alam ko naintindihan niya yun kahit english,may pinagaralan din naman si mama.Iyak lang ako iyak,sobrang nakakatampo,nakakainis sa pakiramdam,I am always compairing to her,even in good or in worst, sa kanya pa din ako nakokompara.Gusto ko na tuloy magalit sa kanya, kahit di nman dapat, si mama lang kasi tong compaire ng compaire.Iba ako sa ate ko.