Chapter five

1813 Words
Napabangon ako bigla nang may marinig ako na parang may nag-aaway sa labas nitong silid na kinaroroonan ko, naalala ko ang mga nangyari sa amin ni Hades kagabi at hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang ay naibigay ko dito ang sarili ko. Pero nakapagtataka na wala akong maramdaman na pananakit ng katawan matapos ang maiinit na sandaling iyon kagabi. At hinayaan ko na lang ito sa ginagawa niya natakot ako na baka anong gawin niya sa akin kapag nagpilit pa ako na wag niyang gawin iyon. Hindi ko alam pero napakapamilyar niya sa akin kahit ngayon ko lang siya nakilala at hindi rin ako makaramdam ng pandidiri sa sarili ko dahil sa mga ginawa nito bagkus ay parang sanay na ako sa mga bisig niya. Marami akong gustong itanong sa kanya pero nahihiya ako at hindi ko alam kung saan magsisimula. Napabalik ulit ako sa pagkakahiga at nag-isip ng mabuti habang nakatingin sa mataas na kisame ng silid na ito. Hindi ako makapaniwala na may makakapasok na masasamang tao sa bahay at nataon pa talaga na wala ang pamilya ko. Hindi ko nga alam kung alam na nila ang nangyari sa akin tiyak na makakahalata ang mga kapitbahay namin kung sakali man. At ang kinatatakot ko ay baka isang mamamatay tao si Hades pero kung masama itong tao ay sinaktan na rin ako nito napapikit na lang ako sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Nagulat ako ng marahas na bumukas ang pinto kaya kaagad akong napabangon dahil sa takot. Pero namukhaan ko agad ang pumasok, si Hades pala na madilim ang mga mata pero nawala ito ng makita niya na nakatingin ako sa kanya. "Hades." Tawag ko sa kanya kaya napalapit siya bigla sa tabi ko at umupo dito sa kama. "Hey! babe gising ka na pala." Malambing niyang turan saka ako kinabig payakap sa kanya bigla tuloy akong namula sa ginawa niya. "Nakarinig ako ng mga kalabog at parang may nag-aaway kanina pagka gising ko." Napatingin siya bigla sa akin at saka bumuntong hininga. "Wala iyon nag-away lang kami ng mga kapatid ko." Parang gigil siya ng banggitin niya ang kapatid niya. "Wag mo ng intindihin iyon." Patuloy niya pa kaya napatango na lang ako. May mga kasama pala siya dito sa bahay na ito at mga kapatid pa niya. "Halika kailangan mo ng maligo tapos sabay tayong kakain ng agahan." Napatango na lang ako sa kanya iginiya niya ako sa malaking banyo na kung ano ang disenyo sa kwarto niya ay ganoon rin dito sa banyo niya, itim at puting tiled wall may malaking bathtub at may build in cabinet marahil dahil may isang pinto sa kaliwang bahagi nito at ang mga iba't ibang body soap na halos lahat panlalake. "Tinimpla ko na ang tubig sa bathtub pwede ka ng maligo." Napatango ulit ako sabay tingin sa bathtub napalunok ako sa iniisip ko, s*x in the bathtub is amazing iyon ang narinig ko kay Arlene na madalas nilang pag-usapan ng mga kaibigan niya, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil kinakabahan ako lalo na at nasa tabi ko lang ang greek god na ito. "May problema ba?" Napakislot ako ng hawakan niya ako sa braso ko. "Wa-wala ma-maliligo na ako." Imbes na sagutin siya ay iyon ang nasagot ko nakakahiya tuloy. "I can smell your arousal baby." Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya nito kasabay ng unti-unti niyang paghubad sa kasuotan ko na isang manipis na pantulog lang. "Ha-Hades wag." Paungol ko na pagtutol pero walang lakas ang katawan ko sa pagprotesta kaya ang siste ay nag-iinit ako ng sobra sa sensual niyang pagdama sa katawan ko. "Come on we were taking a bath now." Malambing niyang turan saka niya ako walang hirap na kinarga papunta sa mabangong bubble bath. Lumusong siya dito kasabay ko kaya napaungol ako sa sarap ng pakiramdam sa magkaibang pakiramdam. Ang una ay ang maligamgam na tubig sa balat ko at ang pangalawa ay ang matigas na braso na nakayakap sa katawan ko. Ang minuto lang sana na paliligo ko ay naging isang oras at kalahati at para akong reyna na sinamba at pinaliguan ng lalakeng kasama ko ngayon na kumakain na kasama ko, napailing ako dahil hindi ko lubos maisip na ang ganitong ka-gwapong lalake ay mahuhumaling sa akin ng husto. "Ayaw mo ba ng pagkain? Gusto mo magpaluto pa ako ng iba." Napatingin ako kay Hades na may pag-aalala sa mukha. "Masarap lahat." Mabilis kong sagot saka ako nagsimulang kumain. "Pero bakit tila ang lalim ng iniisip mo?" Tanong niya ulit kaya napatingin ako sa kanya. "Iniisip ko lang kasi ang pamilya ko baka nag-aalala na iyon." Sinubukan ko ulit na buksan ang topic tungkol sa pamilya ko kaya kinabahan ako ng muli kong makita ang pagkunot ng noo niya. "Wag ka munang kumontak sa kanila nagpapa-imbestiga pa ako sa nangyari sa bahay niyo." Halata ang galit sa boses niya kaya medyo nairita ako at napahinga ng malalim. "Hades. Pamilya ko iyong pinaguusapan natin baka nag-aalala na sila sa akin!" Napataas ang boses ko kasabay ng may tunog kong paglapag sa kutsara ko sa lamesa. "Don't shout at me, woman!" Napalunok ako dahil sa galit na niyang boses kaya napahawak ako sa damit ko at mahigpit itong hinawakan. "Gusto ko lang naman malaman kung hinahanap ba nila ako." Mahina kong bulong nangingilid na ang luha sa mga mata ko. "Kilala mo ba ng lubusan ang pamilya mo Persephone Haze?" Seryoso niyang tanong sa akin kaya napatingin ako sa kanya at nagtatakang alam niya ang totoo kong pangalan matagal ko ng hindi nagagamit ang una kong pangalan dahil ipinagbawal iyong gamitin ng mga magulang ko sa hindi ko malamang kadahilanan. "O-oo naman anong klaseng tanong ba iyan?" Kinakabahan ako sa paraan ng tingin niya kaya napayuko ako. "Nevermind about that keep eating!" Inis niyang turan saka padabog na nagmartsa paalis kaya nawalan na ako ng gana at napahilot ng sentido ko. Anong gagawin ko ngayon galit na siya sa akin. Napatingin ako sa mga pagkain na nakahain nanghihinayang ako sa mga ito, magliligpit na lang siguro ako dahil wala akong makitang katulong kaya sinimulan ko na lang ang pagliligpit, nailagay ko na ang mga pinagkainan sa lababo ng may mga boses akong narinig papasok dito sa kusina kaya napaharap ako sa mga ito. "Bakit kaya galit yon pinasibad ba naman yong harley ko nakalanghap tuloy ako ng alikabok." Boses ng isang lalake ang narinig ko. "Badtrip si Hades alam ko kahapon pa iyon." Isa pa ulit na boses ang narinig ko kaya kinabahan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Alam ko na kung sino ang dahilan." Dito na ako napaharap sa kanila at nagulat ako dahil sa dalawang lalakeng parang mga modelo at matatas managalog na mga mukhang banyaga. Ang gu-gwapo nila pero mas gwapo pa rin si Hades sa kanila, ang tatlong lalakeng ito na kapwa mahaba ang buhok ay kahawig ni Hades. "Hi. Ikaw si Haze tama?" Nakalapit na sa akin ang isang lalake na nakangiti sa harap ko. "Ako nga." Sagot ko napatigil ako sa pagliligpit ng umupo sila lahat sa hapag at nagsimulang lantakan ang mga pagkain pero nainis ako dahil kinakamay nila kaya kumuha ako ng tatlong pares ng plato kutsara at tinidor. "Hindi tama na kinakamay lang ang pagkain." Malakas kong turan at sabay lapag ng mga plato sa harap nila isa-isa. Napatigil sila lahat at umayos ng upo at natulalang nakatingin sa akin. "Ngayon lang ako natigilan ng ganito wala ka talagang pinagbago Persy." Napatingin ako sa lalakeng may seryosong mukha na nakatingin sa akin. "Ku-kumain na lang kayo para maubos ang pagkain sayang naman." Linagyan ko pa ng malamig na tubig sa lamesa at baso. "Ano nga pala pangalan niyo parang kilala niyo na ako pero kayo hindi ko kayo kilala." Patuloy ko pa sabay harap ulit sa kanila linakasan ko lang ang loob ko dahil kung hindi ay panghihinaan na naman ako ng loob dahil sa kaba. "Ako si Helion." Pakilala ng may masayahing mukha pero mukhang ito rin ang pinakanakakatakot bukod syempre kay Hades. "Helios kapatid kami ni Hades." Napatingin ako sa lalakeng seryosong nakatingin sa akin tama hinala ko kapatid nga ito ni Hades. "At ako naman si Hermes. Pinsan ko ang mga ito." Sabi naman ng isang lalake naman na may dilaw na buhok na pinapapak ang piniritong manok pero nakatingin sa akin ng malalim kaya medyo nailang ako. "Ikinagagalak ko kayong makilala." Simple ko na sagot sa kanila. "Babalik rin iyon nagpalipas lang ng tampo." Napatingin ako kay Helios. Napatango na lang ako at magalang na nagpaalam sa kanila na sinangayunan naman nila. Nakita ko kung paano nila ako salit-salitan na tignan at parang may gustong sabihin pero hindi maisaboses. "Sige na balik ka na sa silid ni Hades kami na bahala rito." Napatingin ako kay Helios kaya napatango ako at ngumiti sa kanila bago nagpaalam na babalik na ng silid ni Hades. Sila na lang raw ang magliligpit baka raw kapag naabutan sila ni Hades ay pugutan sila isa-isa ng ulo kapag nakita nito na ako ang gumagawa ng gawaing bahay dito. Alam ko naman na nagbibiro lang sila pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kilabutan. Sino nga kaya si Hades, may sinabi siya kanina sa akin na hindi ko maintindihan pero ayoko na munang isipin ang mga bagay na iyon. Umakyat na lang ulit ako sa kwartong pinanggalingan ko kanina buti nga naalala ko pa kung nasaan iyon sa laki ng bahay na ito. Pagkapasok ko sa kwarto ay napaupo ako sa kama at saka bumuntong hininga ano ang gagawin ko ngayon kung nagtatampo ang lalakeng iyon. Nagawa ko pa rin na maging kaswal sa mga kapatid niya na halata naman na kilala ako sa pagkabigla ko. Pero hindi ko maintindihan ang pamilyaridad sa kanila lalo na kanina na nakita ko na parang gusto nilang umiyak habang nakatingin sa akin. Napahiga na lang ako at nag-isip kung paano ko ulit makukumbinsi si Hades na pauwiin ako. Pero naisip ko rin na sana wag na lang akong umuwi dahil pakiramdam ko ay marami nang nagbago sa bahay. Hindi ko nga lang alam kung ano ang tinatago ng mga magulang ko naiiinis ako dahil hindi ako makapaniwala na mangyayari iyon sa akin. Muntik na akong mapahamak at kung hindi dahil kay Hades ay baka pinaglalamayan na ako sa mga oras na ito. Nanginig ako sa isipin na iyon baka napagsamantalahan na rin ako at iyon ang isa sa mga hindi ko makakaya. Pero hindi rin ako makapaniwala na wala lang sa akin ang ginawa ni Hades ang magpa-angkin sa kanya na hindi ko man lang nagawang tutulan. Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa unan at mahinang humiyaw dahil sa bilis ng mga pangyayari. Iniisip ko pa lang na paano kung wala si Hades nong gabing iyon ay baka nga kaya hindi pa rin mawala ang kaba dito sa dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD