bc

Hades Queen

book_age18+
426
FOLLOW
2.5K
READ
dark
dominant
king
queen
multiverse
realistic earth
self discover
love at the first sight
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Haze ay isang simpleng dalaga na nagkaroon ng kakaibang karanasan mula ng makilala niya ang isang lalaki na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi niya naranasan sa kanyang sariling pamilya.

Sa madaling salita ay hindi pangkaraniwang pagkakataon ang maglalagay sa kanya sa sitwasyong hindi na niya maaring takasan pa.

Isang sensual na karanasan sa piling ng isang hari.

Hari ng impyerno.

Original story by: Seirinsky

Date started: July 22 2019.

chap-preview
Free preview
Chapter one
Isang kaharian sa mataas na bahagi ng isang bundok ang tinatanaw ko lang mula dito sa kinatatayuan ko. Isang lugar na tirahan ng mga diyos na walang ibang ginawa kundi ang magbigay ng pabor sa mga tao. Napatawa ako sa isiping iyon dahil masyadong mabait ang hari na namumuno sa lugar na iyon. Hindi ko pinangarap ni minsan ang tumuntong sa tinatawag nilang paraiso. Ang paraiso sa akin ay ang sarili kong kaharian ang lugar kung saan tahimik at walang gulo. Wala namang makakapansin sa akin dahil abala ang buong palasyo sa isang pagdiriwang, narinig ko sa mga kapatid ko na kaarawan ng isa sa mga apo ng hari ngayon kaya't maraming bisita at nagkakasiyahan at mga abala sa kanilang sari-sariling buhay. Sa pambihirang pagkakataon ay nagkaroon ako ng interes na umakyat mula dito sa lupa para lang masilayan ang sinasabi nilang prinsesa, na anak ng isang pinaka makapangyarihang heneral sa buong Gresya, at ang asawa nito na prinsesa na anak ni Zeus at Hera. Ang apo raw ni Zeus ay ang pinakamagandang prinsesa na isinilang sa henerasyong ito kaya kahit ang mga kapatid ko ay gusto rin itong masilayan. Pero masyadong maingat ang diyos sa kanilang prinsesa hindi nila ito hinahayaan na makababa sa lupa kaya nakakakuha talaga ito ng atensyon lalo na sa iba pa na diyos na hindi naninirahan sa Olympus. Mas maganda pa raw ito kay Aphrodite kaya kahit ako na walang pakialam sa kanila ay nagkaroon ng kuryosidad sa itsura nito. Isa pa hindi ko akalain na pumayag ang hari ng Olympus na magpakasal at hayaan na mag-sama ang anak nito na isang diyosa at isang tao na heneral. Kung tutuusin ay maraming mga kwento na may pinagkasunduan ang hari ng Olympus at ang heneral na nagligtas sa buong Gresya laban sa mga Romano. Katatapos lang pala ng digmaan dito sa lupa ng mga Romano at Griyego, at hindi nagpatalo ang mga Gresyan dahil naitaboy nila ang mga Romano, maraming namatay sa digmaan na inabot pa yata ng tatlong pung taon. Kaya walang tigil ang mga kapatid ko sa kaka-trabaho sa mga napupunta sa impyerno. Gusto kong matawa sa isiping iyon dahil wala akong ibang ginawa noon kundi manood lamang at tahimik na nagmamasid sa kanilang mga kahibangan. At ngayon nga ay nagawa ko ng makalabas dahil tahimik na ang lahat, at ilang taon na rin na tahimik ang buong bansang ito. Marami nang nagbago sa paligid kung dati ay walang mga nabubuhay na mga halaman sa paligid. Ngayon ay halos kahit saan ako tumingin ay puro berde at iba't ibang uri ng halaman na ang nakikita ko sa paligid. Kaya pala madalas na nandito sa lupa ang mga kapatid ko dahil nakakapanibago ang itsura ng bagong mundo dito sa lupa. Napatigil ako sa paglalakad ng maamoy ko ang napakabangong bagay sa paligid, napatingin ako sa paligid isang burol na nalalatagan ng mga bulaklak nagmula marahil dito ang naamoy kong mabangong halimuyak. Pero ang ikinagulat ko ay ang makita ang isang batang babae na abala sa pagpitas ng mga bulaklak sa paligid, mukhang aliw na aliw ito sa mga halaman at hindi napapansin na nandito ako. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha nito at mahina rin na humihimig ng isang kanta, napangiti ako at nakatayo lang habang pinapakinggan ko ang banayad niyang tinig na samasaliw sa banayad na hangin. Naramdaman nito siguro ang prisensya ko kaya napatigil siya sa pagkanta bagay na ikinadismaya ko, bigla naman humarap sa gawi ko ang batang babae. At isang hindi ko maipaliwanag na damdamin ang naramdaman ko sa pagkakita sa kanyang napakagandang mukha. "Sino ka?" Iyon agad ang lumabas sa bibig niya halata ang gulat sa kanyang mga mata. "Isa lang akong naliligaw na salamangkero." Wala sa loob kong sagot sa kanya habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Napakaganda niya hindi ako makapaniwala na maswerte ako na nakaharap ko ang batang babaeng ito. Napaatras siya ng humakbang ako palapit sa kanya pero lalo lang itong umatras kaya tumigil ako sa paglapit sa kanya. "Wag ka po lumapit." Itinaas niya ang kamay niya na pinapatigil ako kaya natawa ako ng bahagya. Kinontrol ko na lang ang sarili ko na hindi siya lapitan agad at siilin ng halik, nagugulat ako sa mga niisip kong senaryo. Ang inosenteng batang ito ay hindi alam ang kung ano ang nasa isip ko na gusto kong gawin sa kanya. Agad akong na-alerto sa isang prisensya na paparating kaya mabilis akong umalis sa lugar. Nakita ko si Ceres ang prinsesa na anak ni Zeus. Tinawag nitong anak ang batang babae at may itinanong ito sa bata pero umiling lang ito, hindi siya nagsalita pero pakiramdam ko ay nakatingin siya dito sa puno kung saan ako nagkubli hindi kalayuan sa burol na kinalalagyan nila. Anak nga siya ni Ceres hindi ako nagkamali, ang munting prinsesa na bumihag sa puso ko. Muli akong tumingin sa direksyon kung na saan sila pero wala na ito, mukhang umuwi na ito kasama ng kanyang ina. Magiging akin rin ang batang iyon ito ang sinumpa ko mula noong araw na nasilayan ko siya. At ngayin nga ay napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko na nakayakap sa akin habang mahimbing na natutulog. Sa wakas pagkaraan ng ilang taon ko na paghihintay at pagpigil sa sarili sa kanya ay nandito na siya sa tabi ko. Kanina ay walang kapantay na kaligayahan ang naranasan ko dahil ibinigay niya sa akin ang matagal ko ng minimithi ang ma-angkin siya hindi lang ang puso niya kundi ang katawan niya na matagal ko rin na pinanabikan. Mahal na mahal ko ang babaeng ito at gagawin ko ang lahat para hindi siya mabawi sa akin ng kanyang pamilya. Kahit isang daang libo pa na kawal ang ipadala nila dito sa kaharian ko, hinding-hindi ko isusuko ang aking reyna. "Mahal na mahal kita Hades hindi ako magsasawang sabihin ito sa'yo." Malambing niyang turan habang hinahaplos niya ang mukha ko madiin ko na lang siyang hinalikan sa palad niya at napapikit ako. "Mahal na mahal rin kita mahal na reyna wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang habang buhay." Turan ko rin sa kanya hindi ako makapaniwala na magiging ganito ako ka-kontento ang manatili lang sa mga bisig ng pinakamamahal kong babae. Pero may mga nilalang talaga na sadyang humahadlang sa aming dalawa at kahit ako ay walang magawa kahit na isa ako sa pinakamakapangyarihang hari ay mayroon pa rin na limitasyon ang aking kapangyarihan. At alam nila kung ano ang kahinaan ko kaya nagawa nilang magtagumpay. Kung kailan na nagbabago na ang lahat lalo na sa aking nasasakupan at bihira na rin akong makipag-away sa hari ng Olympus ay may masasamang nilalang pa rin na handang makipagsapalaran sa ibang demonyo. Kinuha nila sa akin ang pinakamahalagang babae sa buhay ko at wala akong nagawa nong mawala siya. Marami akong pinagsisihan ng mga panahong iyon, kung sana ay hindi ko siya iniwan na mag-isa. Kung sana na hindi ako nakinig sa mangkukulam na iyon. Hindi magiging impyernong muli ang Tartarus, at hindi sana magiging magulo ang lahat. Pero may mga pagkakataon na umaayon sa akin ang lahat dahil alam ko na muli siyang babalik sa akin, isang tadhana na hindi namin matatakasang pareho. Ngayon ay hinihintay ko na muli siyang bumalik sa akin pero nasa mundo siya ng mga tao at doon ay isinilang siyang muli, walang alaala ng nakaraan at namumuhay sa isang bagong katauhan. Tanaw ko ang batang babae na akay ng isang babae sa tapat ng isang malaking bahay, ang bahay na iyon ay ang magiging bagong tahanan nito sa piling ng isang pamilya na umampon sa kanya mula sa isang bahay ampunan. Napakagandang bata parang gusto ko na lang siyang kunin sa kamay ng babae at dalhin sa kaharian ko, pero hindi pwede kapag ginawa ko iyon ay malalaman ng kanyang pamilya na buhay pa siya lalo na at ang alam nila ay hindi na muli pa na mabubuhay ang aking reyna. Pero may ginawa ang kanyang lola na muli siyang isisilang dito sa mundo ng mga tao. Mag-asawa ang sumalubong dito at may dalawa pa na bata na nasa pintuan lang ng bahay at nakatanaw parehong masama ang tingin sa aking reyna, anong karapatan nila na magalit sa aking reyna. Ngayon pa lang ay mukhang magkakaroon na ng problema ang aking mahal. Sinubaybayan ko siya sa pamilyang umampon sa kanya at naging maayos naman ang lahat pwera lang sa mga kapatid nito na walang ibang ginawa kundi ang i-bully ang aking reyna. Kung hindi ako napigilan ng aking mga kapatid ay matagal ng nasunog sa impyerno ang mga ito. Pero may isang trahedya ang nangyari at nakasulat sa talaan ng kapatid ko na mangyayari ito, pinatay ang mga magulang niya at may panibagong mga tao na pumalit sa mga ito at ginaya ang mga mukha nila at sila ang pumalit bilang mga magulang nito sa katauhan ng mga impostor na iyon. Kung noon ay wala akong pakialam sa mga ginagawang masama ng mga tao pero ngayon namamangha ako sa mga pamamaraan nila. Nakita ko kung gaano sila ka gahaman sa salapi at kapangyarihan handa silang pumatay para lang sa masama nilang intensyon. Pero hindi ko na iyon dapat pa na pakialaman hangga't walang nangyayaring masama sa aking reyna ay hindi ako makikialam. Naging kampante ako sa kung ano ang mga susunod na mangyayari kaya hindi ko napaghandaan ang sasapitin sana ng aking reyna. Nagngangalit akong pumasok sa kabahayan at pinatay ang mga taong magtatangkang saktan ang mahal ko. At ngayong hawak ko na ulit ito ay gagawin ko na ang lahat para hindi siya mawala sa akin. Kaya ko ulit na maging pinakamasamang diyos para lang ma-protektahan ang aking pinakamamahal na reyna. Bigla akong napabalik sa kasalukuyan ng marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko, at pumasok ang kapatid ko na sambakol ang pagmumukha. "Ano ang problema mo Helios?" Mahinahon kong tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin ng masama. "Sabihin mo kay Hermes na bumalik na siya sa Olympus dahil sumasakit ang ulo ko sa kanya." Inis niyang turan napailing na lang ako at muling tumanaw sa bintana. "Ikaw ang magsabi ikaw ang nangangailangan." Maikli kong turan sa kanya at uminom ako ng red wine sa kopita na hawak ko. "Hindi siya nakikinig sa akin baka sa iyo mapaalis mo na siya." Giit pa niya sabay upo sa harap ng lamesa ko. "Hindi ako ang magsasabi sa kanya kundi ikaw Helios, wala akong pakialam sa kung ano man ang pinag-aawayan niyo." Mahinahon ko na turan sa kanya. Narinig ko siyang umungol at muling lumabas ng pinto. Napabuntong hininga na lang ako sa pinipigilan ko na inis. Naalala ko na may magandang babae na mahimbing na natutulog ngayon sa kwarto ko at sumilay ang munting ngiti sa labi ko. Sa wakas ay nasa tabi ko na ulit ang aking pinakamamahal na reyna. At sisiguruduhin ko na sa mga oras na ito ay gagawin ko na ang lahat para hindi siya muli pa na mahiwalay sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook