Chapter two

1868 Words
Napapunas ako ng noo ko dahil sa pawis na lumalabas mula dito napatingala ako sa sikat ng araw at tinakpan ko bigla ang mukha ko dahil sa mainit na panahon. Napatingin ako sa mga halaman na dinidilig ko, pagkatapos ay umuklo ako para tignan kung may nasira ba sa mga ito. Gusto kong umiyak dahil ang ilan nga sa mga ito ay nalalanta na. Dalawang araw ko itong hindi nadiligan dahil hindi ako nakalabas ng silid ko. Gusto kong magwala at awayin ang mga kapatid ko dahil sa ginawa nila. Dalawang araw na wala ang mga magulang namin at dalawang araw rin na kinulong nila ako sa basement, mga hayop na iyon ang sasama nila. Tuluyan na akong napaiyak dahil sa sama ng loob ganoon sila lagi kapag umaalis ang mga magulang namin dahil sa trabaho ng mga ito. Hindi ako makapagsumbong dahil sa pananakot nila na saktan ako, kaya hindi ako makapagsumbong sa mga magulang namin. "Hoy! anong ginagawa mo diyan?" Napatingin ako sa kapatid ko na si Arlene. Nakapamaywang siya at nakangisi sa akin. Hindi ko siya pinansin ay pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. "Ang bwisit na ito tinatanong lang naman kita!" Galit niyang hiyaw kaya napaharap ako sa kanya. "Nakita mo naman na nagdidilig ako ng mga halaman diba!" Sagot ko sa kanya na may diin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Aba't ang tapang mo na porke't nandito na sina daddy." Akma na siyang lalapit sa akin ng itutok ko sa kanya ang hose na hawak ko. Kaya napahiyaw siya dahil binasa ko siya ng tubig. Hindi siya makalapit sa akin dahil malakas ang sirit ng tubig mula sa hose na nakatututok sa dito. Akala niya siguro masasaktan na naman niya ako, pwes nagkakamali siya dahil hindi na ako takot sa kanya. "Ano ba ang nangyayari sa inyo? Haze tigilan mo iyan ano ba!" Inihinto ko ang hose ng marinig ko si mommy na nakapamaywang mula sa taas ng veranda ng bahay. At ang kapatid ko na napaupo na sa damuhan at himihiyaw. "I'm sorry mommy. Si Arlene kasi." Napailing lang ito at tinawag si Arlene na galit na galit sa akin at pumasok na ng kabahayan. Maraming nagbago sa loob ng ilang taon, ang mga magulang ko ngayon ay naging pangalawa ko ng magulang. Sila ang umampon sa akin sa bahay ampunan dahil doon ako lumaki, wala na akong nakilalang totoo kong mga magulang dahil iniwanan lang ako sa ng aking ina sa labas ng kumbento. Iyon lang ang tanging alaala ko sa aking ina at kwento pa ng isang madre na nakakita sa akin. At itong mga magulang ko ngayong ang naging pamilya ko sa loob ng labing dalawang taon, maswerte ako dahil mababait sila pwera lang sa dalawa kong kapatid na orihinal nilang anak. Mula noon pa man noong dumating ako dito ay hindi na maganda ang pakikitungo nila sa akin, at hindi nila ako itinuring na kapatid. Ang mga magulang ko ay mababait at lahat ng gusto namin ay naibibigay nila dahil sa estado ng kanilang pamumuhay, mayaman sila at may-ari ng isang kumpanya si daddy samantalang si mommy ay may-ari ng isang jewerly store. Pero nitong nakaraang dalawang taon ay may unti-unting nagbago sa kanila, hindi ko maintindihan pero parang hindi sila ang mga magulang na kinalakihan ko. May mga behavior sila na hindi ko maintindihan, pinagbawalan na rin nila akong lumabas ng mansion dahil naging sakitin ako. Nauunawaan ko naman iyon pero dalawang taon na rin ako na hindi nakakalabas ng bahay, dahil sa kalusugan ko. Napatigil na ako sa pagdidilig ko ng tawagin na ako ng isa sa mga katulong na manananghalian na daw. Oo nga pala eleven thirty na pala kaya oras na ng kainan sa tanghali. Inayos ko lang ang sarili ko at pumasok na sa loob, naabutan ko ang mga magulang ko na kumakain na. Napatingin sila sa akin at pinaupo na ako. Masama ang tingin sa akin ni Arlene, at nandito rin pati si Toby na nakangisi lang. "Oo nga pala may sasabihin kami ng iyong ina." Napatingin kami kay daddy na tumigil sa pagkain, may napansin ako kay daddy na hindi niya madalas gawin noon. Ang kumain ng walang manners parang may nagbago talaga sa kanya, maging kay mommy na nawala na yata ang sopistikada sa katawan. "Aalis tayo papuntang Manila, para asikasuhin ang magiging trip natin sa Japan." Napapalakpak ang dalawa kong kapatid at sabay na nag-apiran. "Maiiwan ka Haze para magbantay ng mansion, hindi ka pwedeng sumama dahil baka lalo lang lumala ang kalagayan mo." Si mommy na napatingin sa akin. Nadismaya ako sa sinabi niya kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. "Aasikasuhin rin namin ang papeles mo wag kang mag-alala." Napatango na lang ako sa sinabi ni daddy at nagpaalam na magpapahinga na. Nakakapagtaka dahil ang mga katulong sa bahay kinabukansan ay hindi ko na nakita pa, wala rin na paliwanag si mommy at daddy kaya malaki na talaga ang katanungan sa isipan ko. Ngayong araw rin sila aalis kaya lalo lang sumama ang pakiramdam ko. May mga ibinilin si mommy na labas sa ilong habang ang dalawa kong kapatid ay nagawa pa akong takutin dahil mag-isa lang akong maiiwan dito. Sumapit ang maghapon na wala akong ginawa kundi mag-ayos ng mga halaman na tanim ko, mahal na mahal ko talaga ang mga ito at dahil naging abala ako sa mag-hapon ay ngayon ko lang nakita na papalubog na ang araw kaya pumasok na ako sa kabahayan. Kumain ako ng maaga para sa hapunan at umakyat na sa taas sa kwarto ko, bago iyon ay isinara ko lahat ng pintuan sa buong kabahayan maging ang mga bintana ay nakasara lahat. Pero nagkamali ako dahil may nakapasok pa rin at ngayon nga ay doble-doble ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nangangatal ang buo kong katawan dahil sa takot na baka mahuli ako ng mga lalakeng pumasok sa bahay namin. Gumapang pa ako sa pinaka ilalim ng kama ko, madilim ang buong kabahayan dahil nawalan ng kuryente kani-kanina lang. Napakalakas pa ng ulan at ang kulog at kidlat ay parang nagpapaligsahan sa lakas nito, halos yumanig ang buong kabahayan sa lakas at ito pa ang lalong nagpalakas ng takot sa'kin. Wala ang buo kong pamilya dahil pumunta sila sa Manila para asikasuhin ang mga papeles nila papuntang Japan. Ako ang naiwan dahil ako ang magbabantay ng bahay at isa pa bawal akong lumabas ng bahay na ito. Sanay naman na akong mag-isa pero ngayon ay alam kong nanganganib ang buhay ko, may mga taong nagpilit na pumasok sa bahay at mayroon silang binabalak na masama at alam nila na may tao dito dahil rinig na rinig ko ang usapan nila kanina at parang ipinaparinig pa nila sa akin iyon. Apat na lalake ang pumasok dito at alam kong hinahanap nila ako. Naririnig ko ang bawat lagatak ng mga sapatos nila at ang boses na parang nagtatawanan pa, matalas ang pandinig ko sa mga ganitong pagkakataon kaya kahit malakas ang ulan ay rinig ko pa rin ang mga pangahas na taong nandito sa loob ng bahay namin. Isang napakalakas ulit na kidlat ang humahati mula sa kalangitan at halos mayanig ang buo kong pagkatao dahil parang hindi na normal ang nangyayaring delubyo sa labas. Para bang mayroong gumagawa nito naalala ko ang mga norse god mula sa norse mythology, ang god of thunder na si Thor baka galit na naman siya o kaya ay nakikipagaway na naman siya sa kapatid niya. Napasapo ako ng ulo ko dahil sa mga lumalabas na kung ano sa isip ko. Hindi naman iyon totoo kaya napailing na lang ako. "Alam namin na nagtatago ka lang diyan mahuhuli ka rin namin!" Kinilabutan ako sa boses ng isa sa mga lalake kaya tahimik akong napaiyak at paulit-ulit na nanalangin hawak ang rosaryo na kinuha ko ilalim ng unan ko kanina. Nagtataka ako kung paano nila nalaman kung saan ako banda at ang bawat sulok ng mansyon ay parang kabisado nila kaya lalo tuloy akong naguguluhan. "Lumabas ka na diyan!" Isa pa ulit na naiiritang boses ang narinig ko pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hangin sa baga sa pagpigil ko ng hininga natatakot ako na baka paghuminga ako ay malaman nila kung saan ako nagtatago. "Alam na namin kung nasaan ka!" Sabay silang nagtawanan alam ko na nandito na sila sa tapat ng silid ko at pinupwersang buksan ito mula sa labas. Isa pa ulit na kalabog ang narinig ko kasabay ng marahas na pagbukas sa pinto ng kwarto ko at habang papalapit na sila sa kinaroroonan ko ay tuluyan na akong napaiyak at napasubsob sa sahig, wala na akong kawala at ito na ang katapusan ko pinilit ko na lang na hindi makagawa ng kahit na anong ingay habang umiiyak. Alam nila kung nasaan ako at nandito na ang mga lalaki sa silid ko halos hindi ako makahinga mula sa nagliliwanag na kalangitan, mula sa malakas na kidlat ay kita ko ang mga paa nila mula sa ilalim ng kama ko. Naghintay na lang ako na makita nila ako dahil nawawalan na ako ng pag-asa na makaligtas pa sa mga taong ito. Pero isang hiyaw ang narinig ko at isa pa at isa pa hanggang sa parang may namimilipit sa sakit. Bigla ay napahiyaw ako dahil sa parang dugo na umaagos papunta sa akin isa pa ulit na hiyaw at kasabay ng malakas na kidlat sa kalangitan ay kita ko mula dito sa kinaroroonan ko ang nakahandusay na katawan ng lalaki kaya tuluyan na akong napahagulhol dahil sa sobrang takot. Kung kanina ay takot ako na mahuli ng mga lalake pero ngayon mas dumoble pa ang takot ko alam ko na may pumatay na isa pang tao kanila. Bigla na lang ay may humigit sa paa ko kaya nagkakakawag ako at napapahiyaw. Sa isang iglap ay hawak na ako ng lalake sabay karga sa akin at tuluyan na akong bumigay dahil sa init na nagmumula sa kanya rinig ko rin ang panay niyang mura habang karga ako kung saan man niya ako dadalhin ay hindi ko na alam dahil ito na ang magiging kapalaran ko ngayong gabi. Wala akong tigil sa pag-iyak habang ramdam ko na parang lumilipad ang lalaking may karga sa akin. "Don't cry babe." Malambing nitong bulong at inilapag niya ako sa isang malambot na kama kaagad akong napahagulhol at napasubsob sa unan at umiyak nang umiyak. "Pa-Parang awa mo na wag mo akong sasaktan." Pakiusap ko na nagawa ko pa na makapagsalita para lang magmakaawa, halos hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang pagbabara ng lalamunan ko. "Hindi kita sasaktan kaya wag ka nang umiyak." Malambing niya ulit na turan, hindi nakakatakot ang boses niya at hinaplos niya ako sa ulo ko kaya lalo akong nanginig sa takot kaya narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Iiwan muna kita magpahinga ka muna pero babalikan kita dito." Rinig ko ang malambing niyang boses at ang yabag na papaalis at pagsara ng pinto. Napatalukbong ako ng kumot na marahil ay ikinumot niya sa akin saka ako umiyak. Sino ang lalakeng iyon ano kaya ang kailangan niya sa akin. Sa sobra kong pag-iisip at pagod ay tuluyan na akong natalo nang antok kaya nakatulog ako na maraming katanungan sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD