Napangiti ako ng matanaw ko si Hermes at si Helion na mukhang nag-aaway na naman. Madalas itong magbangayan samantalang tahimik lang si Herald at Helios at hindi na nakikialam sa dalawa. Pero kapag si Hades na ang nagsalita ay agad itong na nanahimik dahil halatang takot ang dalawa dito, sa ilang linggo ko na pananatili sa mansyon ay unti-unti ko silang nakilala. Ang paraan ng kanilang pamumuhay, kilos, gawa at salita para bang matagal ko na silang kilala dahil magaan ang loob ko sa kanilang lahat. Hindi ko maiwasan minsan na hindi magtaka sa pakiramdam kong ito may natuklasan rin ako sa kanila ito ang kakaiba nilang ugali. Hindi sila madalas na nananatili dito pero may kakaiba talaga sa kanila hindi ko ito makita pero alam ko na may mga lihim sila na hindi ko pa natutuklasan. Si Had

