Napahinga ako ng malalim habang nakatinginang sa pinto na nilabasan ni Hades kanina pa. “Babalik rin iyon kakalmahin niya muna ang sarili niya.“ Nakangiti na turan ni Helios kaya napatango ako at napatingin sa kamay ko. “Sisirain niya malamang ang palasyo.“ Napstingin ako kay Helion na tila problemado kaya tinapik lang ito ni Herald na nasa tabi nito. “Tell me queen ano ang mga naaalala mo?“ Biglang tanong Hermes kaya napatitig ako sa kanya at napangiti ako dahil hindi pa rin siya nagbabago. “Limitado lang ang mga bumalik na alaala sa akin pero kilala ko kayo at natatandaan ko na kayo.“ Nakangiti ko na sagot sa kanya kaya napangiti siya at nakahinga ako ng maluwag. Napatingin kami bigla sa pinto ng marahas itong bumukas makalipas ng ilang minuto na pagkawala ni Hades. At ngayon ay bu

