Pinilit kong makawala mula sa pagkakayakap ni Hades pero hindi ko siya kaya, kaya pinaramdam ko sa kanya na gusto kong makaharap ang lalake na nagsalita. "Please...Hades." Marahan pero madiin kong pakiusap kaya unti-unti niyang niluwagan ang pagkakayakap niya sa akin at kumawala sa pagkakayakap niya. At nang humarap ako sa lalakeng nagliliwanag na nakatingin sa akin ay nangilid ang mga luha sa mata ko ng tuluyan ko na siyang makita. "Lolo!" Sabay takbo ko palapit sa kanya at hindi ako nagdalawang-isip na yumakap sa kanya na agad niyang ginantihan ng mas mahigpit na yakap. "Mahal kong apo miss na miss ka ng lolo mo." Napahagulhol ako dahil sa sobrang pagkamiss sa kanya, si Lolo Zeus ang hari ng Olympus ang ama ng aking ina ay sa loob ng napakahabang panahon mula ng sumama ako kay Hades

