CHAPTER 2: MASIPAG

1204 Words
Kinaumagahan ay alas-kwatro pa lamang ay bumangon na ako. Nagsaing ako at agad na pumonta sa mga pananim at inani ang mga talong na ilalako ko bago pumasok sa iskwela. Ito ang karaniwang ginagawa ko. Bago ako pumasok naglalako muna ako ng kung anong gulay para may pambaon ako at pambili ng ulam namin sa gabi. Mahirap para sa akin na nag-aaral at sinasabay pa ang mga gawain at pagtitinda ng gulay paralang may pangkain. Si Nanay naman ang nagtatanim at minsan nagtatrabaho siya sa mga taniman ng mga kaibigan niya para may pangdagda din sa gastusin. Pagkatapos kong kunin at ilagay sa basket ang mga talong ay kumuha ako ng lima at doon hiniwa para gawing ulam ko bago pumasok sa paaralan. Binilang ko at pinira-piraso ang mga talong, lima sampu at inilagay sa plastic. Pagkatapos ko magluto kumain na rin ako, binilisan ko lang ang pagkilos dahil baka ma-late ako sa paaralan. Pagkatapos ko lahat magligpit, maligo ay kinuha ko na ang bag ko at basket ng talong. Tamang-tama kakagising lang ni Nanay at agad na ako nagpaalam. "Nasa lamesa po ang ulam, aalis na po ako," at agad ko siyang hinalikan sa noo. "Mag-ingat ka," aniya. Lumabas ako ng bahay na may bitbit na talong, at may mga ngiti sa labi. Kailangan ko maubos ito bago pumatak ang alas-syete at hindi ako male-late. "Tara na?" salubong sa'kin ni Alice. Sinasamahan niya ako sa paglalako para mabilis ito maubos at hindi kami ma-late. Kahit na reklamadora si Alice hindi talaga niya matiis na hindi ako tulongan. Mahal niya ako at wala siyang magagawa kundi ang tulongan ako. Bumuntong hininga ako at ngumiti sa harap niya. "Tara!" sagot ko. At agad na kaming umalis at naglako ng gulay ko. "Talong po kayo diyan!" sigaw ko. Marami ng tao at mas makakatinda kami ng mas mabilis dahil sa ganitong oras wala pa silang ulam na lulutuin para pang almusal nila. "Mura na lang po!" sigaw pa ni Alice. Ilang oras pa ang nakalipas at may lima pa kaming talong na natitira at nagdesisyon ako na dalhin na lang iyon kay Mrs. Reyal dahil bumibili din siya sa akin. "Handa ka na ba?" kumunot naman ang noo ko sa tanong ni Alice. "Handa sa?" kunot noong tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin hanggang sa nag-isip ako kung ano ba ang dapat naming gagawin mamaya. "Syempre handang-handa!" sagot ko nang maalala ko na magbibigay pala ako ng regalo kay Clyde at hindi na ako makapaghintay. "Patingin nga ng regalo mo," binuksan niya ang bag ko at kinuha ang isang garapon ng cookies na binili ko sa isang coffee shop. Pinag-ipunan ko talaga ang cookies na iyan at pinapangako ko na hahanap-hanapin talaga niya ang cookies na iyan. "Magkano 'to?" tanong niya. "500 lang naman iyan," sagot ko sabay kinuha ang garapon ng cookies. Hindi naman siguro masama kung bibili ako ng cookies na tig five hundred. "Seryoso ka Camille?! Ipamimigay mo lang ang five-hundred mo?!" napanganga siya ng malaman niya na ganon kalaki ang halaga ng binili ko. "Imbis na bumili ka ng tig five-hundred na ganito kung binili mo ng bigas niyo may silbi pa! Kesa mag-aaksaya ka ng oras diyan sa lalakeng hindi ka naman nakikita, hindi ka naman pinapansin!" hindi ko alam kung galit na ba siya o talagang naiinis lang siya sa'kin. "Alice, ito lang ang kasiyahan ko. Si Clyde lang ang nagpapasaya sa akin," sagot ko naman sa kanya at pinakita ang nakakaawa kong mukha. "Nakakainis ka!" wala siyang nagawa kung 'di ang maglakad na lang papasok sa paaralan at nakasunod naman ako sa kaniya. Alam niya na hindi talaga niya ako mapipigilan pagdating kay Clyde. Alam niya rin na si Clyde na lamang ang nagpapasaya sa akin at alam niya kung gaano ko ka mahal si Clyde. "Last na 'to Camille ha," wika niya habang naglalakad kami sa hallway papunta sa classroom ni Mrs. Reyal para pagtindahan ng talong. "Hindi ko maipapangako iyan Alice, alam mo nama kung gaano ko ka mahal si Clyde." sagot ko naman. "Bahala ka sa buhay mo," iyon lang ang nasabi niya. Bakit ba siya inis na inis sa akin? Eh hindi ko nga siya pinapagalitan na halos mabaliw din siya sa crush niya. Tapos pagdating sa'kin napaka higpit niya na parang siya iyong Nanay ko na pinagbabawalan ako. "Good morning Mrs. Reyal! Bilhin mo na po itong talong ito na lang kasi ang natitira," pag-alok ko sa kaniya ng talong ko. Si Mrs. Reyal ay isang mabait na guro dito sa San Dionisio at talagang araw-araw niya akong binibilhan. Naging guro ko rin siya noong junior high ako at sobrang bait niya sa akin. Para ko na rin siyang pangalawang Nanay noon dahil alam na alam niya kung ano ang pamumuhay ko. "Sige ilagay mo na lang diyaan Camille, magkano iyan?" tanong niya. "Bente lang po ito Mrs. Reyal tsaka nakakahiya naman kung bebentahan kita ng mahal," biro ko pa sa kaniya. "Naku ikaw talaga, oh ito singkwenta," napangiti naman ako sa ibinigay niya. "Salamat naman Mrs. Reyal!" "Bukas dalhan mo ako ng kalabasa ha, naghahandap kasi si Brando ng kalabasa eh," tugon niya. "Sige po tignan ko mamaya pag nakauwi ako Mrs. Reyal," s**o ko at dali-dali ng pumonta rin sa clasroom ko at magsisimula na ang first period. Pagpasok ko ay saktong wala pa ang aming guro kaya nakahinga ako ng maluwag at akala ko late na talaga ako. Kinuha ko ang notebook ko upang tignan ulit ang siangotan kong assignmen ngunit hindi ko sadyang mahulog ang garapon ng cookies na ire-regalo ko kay Clyde. "Uy si Camille may re-regalo kay Clyde Gregorio ang sikat at gwapong estudyante sa paaralan natin!" nanlaki ang mata ko nang kinuha ito ng lalake kong kaklase at binasa kung para kanino iyon. Nagulat naman ang mga kaklase ko at lahat sila nakatingin sa akin. Hindi nila alam kung sino ang kinababaliwan ko dito sa paaralan at ngayon parang gusto ko magpalamon sa lupa ng malaman nila kung sino iyon. Halos lahat ng kaklase ko ay crush din si Clyde kaya patay ako ngayon. "You have the guts to give this cheap gift?!" halos nanlaki ang mata ko nang kinuha ito ni Klaire. Si Klaire ay kilala sa paaralan namin na baliw na baliw din kay Clyde. Alam ko naman na siya ang kahati at matinding kalaban ko pagdating kay Clyde. At alam ko rin na kakalabanin niya ako pagnalaman niya na may kahati siya sa lalakeng kinababaliwan niya. "Klaire akin na iyan," wika ko sa kaniya habang kinukuha ang garapon ng cookies samga kamay niya. "Klaire ibigay mo sa akin 'yan." pagmamakaawa ko sa kaniya . "Do you think papansinin niya ang isang katulad mo? Ganiyang klaseng itsura? Eww!" wika niya sabay na itinapon sa akin ang garapon ng cookies. Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi nila at itinuon ko nalang nag atensyon ko sa notebook ko. "Talo ka sa kaniya sis, may regalo siya ikaw wala!" sulsol pa ng kasama niya. "Nag-aaksaya lang siya ng pera!" sagot naman ni Klaire. Kumg nandito lang talaga si Alice kung magkaklase lang kami kanina pa sila nilampaso ni Alice. Pasalamat sila ayoko ng g**o, tsaka hindi ako pumapatol samga ganitong klaseng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD