CHAPTER 3: MAGALING

1078 Words
Pagkatapos ng klase ay hindi pa ako umuuwi, sinamahan ako ni Alice papunta sa gym kung saan nandoon daw si Clyde. Hindi ko alam kung nagba-basketball ba si Clyde kasi sa pagkakaalam ko wala siyang time doon. "Nalaman ni Klaire na si Clyde ang kinababaliwan ko," sumbong ko kay Alice habang naglalakad kami sa hallway papuntang gym. "Oh? Anong sinabi? Nagalit?" sunod-sunod niyang tanong. Isa sa mga ayaw ni Alice ay ang inaapi ako o binabasto, kaya hindi ko sinabi sa kaniya ang mga pinanggagawa ni Klaire at mga masasakit na sinabi niya. "Hindi ko alam," sagot ko. "Camille hija, saan ka puponta? Pwede ba kitang utosan?" halos manlaki ang mata ko nang makasalubong namin ang Mommy ni Clyde na isang guro din dito sa paaralan. "Yes po Ma'am Gregorio, ano po iyon?" agad kong tanong at hindi na ako nagdalawang isip pa. Pagkakataon ko din ito na makita si Clyde at maibigay ang regalo ko. "Oh kayong dalawa, ihatid niyo muna ito sa kotse ko at babalik pa ako sa faculty dahil may meeting daw," utos niya at kinuha namin ang nga libro, bag at folder na bitbit niya. "Oh ito pambili niyo ng pagkain niyo pagkatapos, ibalik niyo nag susi sa'kin ha, nasa faculty lang ako," tumango lang kami ni Alice, at agad na niya kaming tinalikuran. "Oh baka pag nasa harap mo na si Clyde at aatras ka na?" si Alice. "Hindi noh! Pasalamat nga ako at nakasubong ko ang Mama niya at malaking tulong ito para maibigay ko ang cookies ko ng hindi nahihirapan," sagot ko. Pumonta kami sa parking lot kung saan doon nakaparada ang kotse ni Mrs. Gregorio. Habang papalapit kami ay natigilan kami ni Alice nang makita ang kumpol-kumpol ng estudyante malapit sa kotse niya. Isa na doon si Klaire at may mga kasama siyang mga kaibigan niya. Hindi ako nagkakamali baka nandito si Clyde sa loob ng kotse nila at hinihintay ang kaniyang Mommy na nasa faculty room pa. Kung nandito siya pwede ko isabay ang cookies ko sa mga pinadala ng Mommy niya. Ang maingay na kumpolan ng mga dalaga malapit sa kotse nila Clyde ay tumahimik ng makita nila kami ni Alice na bitbit nag mga gamit ni Mrs. Gregorio at patungo sa kotse nito. Hindi namin sila pinansin at agad naming binuksan ang kotse at sakto din ang pagdating ni Clyde na siyang kumiliti sa mga babae at si Clyde pala ang hinihintay nila. "Anong ginagawa niyo?" bumungad sa akin ang isabg napakagwapong nilalang, matangkad at talagang perpektong-perpekto sa paningin ko. Natulala na lang ako sa kagwapohan niya at hindi na nakapagsalita. "Clyde inutosan kami ng Mommy mo na ilagay daw ito sa kotse niyo," sagot ni Alice. Natahimik naman nag dalaga lalo na sila Klaire nang makita niyang kinakausap kami ni Clyde. Agad ko namang sinulit ang pagkakataon na magkalapit kami at ang bango-bango niya. "Ito nga pala ang bag ng Mommy mo," kinuha niya sa akin at bigla akong namula ng tinignan niya ako. "Tskaa Clyde," hindi ako nakapagsalita agad kasi tumingin na naman siya sa akin. Tinignan ko sila Klaire at ang sakit ng tingin nila sa akin na tila kinakain nila ako ng buhay gamit nag mga mata nila. Kulang nalang lusubin nila ako at ikaladkad sa daan. "Para sa'yo nga pala," ibinigay ko sa kaniya ang garapon ng cookies na may ribbon at ngumiti sa kaniya. "I don't like sweets," sagot niya tila nawalan ako ng pag-asa na kunin niya iyon. Base sa sinabi niya ayaw daw niya sa matatamis at tila wala ngang pag-asa na tanggapin niya ito. "Okay, ibibigay ko na lang kay Mommy, thank you," at biglang lumiwanag ang mata ko sa sinabi niya at dali-daling binigay ang cookies sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na kukunin niya, sobrang saya ko at parang lumilipad ako nang kunin niya iyon at napangiti pa ito! "Tara na Alice!" nakangiting hinila ko siya paalis at nagsara na rin ng pinto si Clyde. "Sabi ko sayo eh," ani ni Alice. "Hoy! Talagang hinahamon mo talaga ako noh!" napatigil kami ni Alice ng harangan kami ni Klaire. "Sino ka para bigyan ng cookies si Clyde? Ha!?" singhal niya sa akin. "Tumigil ka nga Klaire, bakit kaano-ano mo ba si Clyde para pagbawalan itong kaibigan ko ha?!" sagot ni Alice sa kaniya at hinawakan ko sa kamay si Alice para pigilan. "Bakit kaano-ano mo ba si Camille ba't ka daldal ng daldal diyan ha?!" pagtataray niya kay Alice. Hindi niya kilala si Alice at talagang masusuntok siya ni Alice ng wala sa oras kapag sagot pa siya ng sagot. "Anong sabi mo ha!" muntikan na siyang maabot at masabunotan ni Alice mabuti na lang at napigilan ko siya kung hindi baka kalbo na si Klaire. "Isa pang beses na makita kita na lumalapit kay Clyde pagsisisihan mo talaga lahat ng desisyon mo!" banta niya sa akin. "Wala kang karapatan Klaire hindi ka naman nobya ni Clyde kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko, hindi mo ako mapipigilan," sagot ko sa kaniya. "Subokan mo lang Klaire kakaladkarin kita sa harap ni Clyde!" tugon ni Alice. "Hindi mo pa ako kilala," dagdag pa niya. "Same girl! Hindi mo rin ako kilala!" aniya. Umalis na kami at dumadami na ang estudyante na nanonood sa amin nakakahiya na at nag-aaway kami sa iisang lalake lang na parehong wala namang pake sa amin. "Buti na lang napigila kita," wika ko kay Alice. "Buti na lang talaga! Kung hindi talagang mababawasan ngipin niya sa akin!" gigil na sagot nito. Pauwi na kami at inabot na kami ng dilim at medyo malayo-layo pa ang hacienda kung saan kami nakatira. Dadaan na rin ako sa tindahan at bibili ng mai-uulam namin. "Nanggigil ako sa Klaire na iyon! Sarap nilang pag untogin ni Vannesa!" natigilan naman ako sa sinabi niyang pangalan. "Vannesa? Sino 'yon?" kunot noong tanong ko. "Ang babaeng lumalandi kay Ace ngayon! Bukas may laro sila aabangan ko talaga siya," nanggigigil niyang kuwento sa akin. "Si Vannesa pala ang kahati mo, diba kilala 'yan sa paaralan natin," dagdag ko pa. "Oo, malanding babaeng 'yan!" Napatawa naman ako sa sinabi niya at talagang gustong-gusto niyang sabunotan ang babaeng lumalandi sa baby Ace niya. Sikreto din itong babaeng 'to pero baliw na baliw din ito sa lalake. Ilang oras ang nakalipas ay nakauwi na rin kami, pagpasok ko sa bahay ay nagulantang ako at nabitawan ko ang hawak-hawak kong isda na lulutuin pa lamang nang makita ko si Tatay na pinagsusuntok si Nanay. "Nay!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD