Chapter 13
ZAINNAYA's POV
After lunch na kami dumating dito sa covered court halos puno narin dito. Kada taon ginaganap ang Basketball League Tournament pero ang nakapagtataka dahil ngayong taon lang dito ginanap sa Villaluna covered court, malaki ito kumpara sa covered court sa school lahat rin ng taong pupunta dito ay nakaupo hindi gaya sa school ay first come first serve at kong mahuhili ka nakatayo kang manunuod. Napatingin kami ni Gabby Kay Era ng tumayo ito.
" Oh San punta mo!" tanong ni Gabby
" Bumaba raw tayo rito sabi ni Denver dahil may naka reserve raw na upuan satin duon sa unahan para kita raw natin ang game nila." Paliwanag ni Era samin napataas ang Isang kilay ko dahil sa alibi ni D
" Makikita naman dito ang buong game ah!" Sabat ni Gabby
" Hindi yun ang ibig sabihin ni D, ang gusto nyang iparating ay para makita nya agad si babe sa buong game nila na inspiration ba nya Ganon!.... " gusto ko nang tumawa sa itsura ni Era dahil sa sobrang pula kahit morina sya makikita mo na namumula rin hahaha....
" Ganyan ka pala kiligin Era girl, mamula ang pangit hahaha" napanguso naman si Era sa banat sakanya ni Gabby
" Ewan ko sainyo bahala kayo dyan! " padabog itong nagmartya paalis para bumaba kaya wala kaming nagawa kundi ang sundan sya hahaha......
" Ikaw Kasi Gabby pikon pa naman Yun hahaha" umirap nalang ito habang natatawa
Nandito na kami sa baba kong saan ang pinareserve na upuan, nahirapan pa kami dahil hindi naniniwala ang bouncer na kami ang uupo kong hindi pa dumating si David ay hindi pa kami makakaupo eh.
" Hi Naya babes!, Hi Era! Yow Gab." Bati samin ni David naki pag fist bump pa sya Kay Gabby
" David asan na sila?" tanong ko dahil 30 minutes bago mag simula ang game
" Parating na ang mga yun- oh! Andito na pala sila..."
Agad ko namang nakita sila D kasama sina Lukas, Aldrich at Marco sa likod naman ang iba pang players. Binati kami nilang lahat kaya tumango nalang ako sakanila kantyawan pa ang buong team dahil sa hirit ni D kay Era na ngayon ay parang kamatis na sa sobrang pula, kaya pati ang mga manunuod ay samin na ang attention kaya hindi ako nakatiis at nabatukan ko si D .
" Aray!!! Z naman bat ka ba nambabatuk?" Nakangiwi nyang sabi
" Anong good luck kiss ka dyan huh! mamaya kana humirit ng kiss dyan kapag napanalo nyo ang game nato." Pagtataray ko Kay D pero alam ko namang sanay na sya sakin pati rin ang barkada.
" Oo naman para may kiss ako mamaya sa Selena ko!" Ang corny kaya tawanan ang buong team
" Oo na Sige na ayusin nyo yang laro nyo huh!" Nag sialisan na sila para mag warm up.
10 minutes bago mag start ng dumating ang players ng kabilang team, parang naglindol dahil yumanig atah dahil sa tilian ng halos lahat ng kababaihan at mapa bakla dito sa covered court. Kaya napatingin ako sa kabilang team na kararating palang hindi na ako nag aksayang bilangin sila pero hindi ko maikakailang may maganda silang mukha at katawan nagmumuka rin silang mga Modelo pero hindi sapat Yun para pati ako ay mapatili. Hindi ko nalang iyon pinanasin at natuon ang paningin ko sa katabi ko na tudo hampas sakin.
" Nakikita mo ba ang nakikita ko Naya girl! Ang gawapo ng mga paping maglalaro sa kabilang team goshhh" Isa patong baklang toh akala mo hindi lalaki Kong makatili wagas.
" Oo nakikita ko may mga mata naman ako at hindi bulag, sus muka namang mga fuckboy at playboy kaya tigilan moko dyan Gabby at baka masapak kita kakahampas mo sakin! " Sabay irap ko dito hindi naman ako judgemental kaso nakikita naman sa appearance nila.
" Ayy ang judger mo babe ah! Nangangamoy ampalaya" gatong naman ni Era saka nag apir ang dalawa kaya napairap naman ako.
Hanggang sa nag simula na ang laro, Lima kada player ang dapat maglaro kaya ang nauang player ay sina D, Lukas, Aldrich, Marco at si David. Hawak ngayon ng kabilang team ang bola at nakapuntos agad ito, patuloy ang laro salitan ng shoot ang bawat grupo pero lamang ng dalawang puntos ang kabilang team. Natapos ang 1 quarter ng laro na panalo ang kabilang team, sa 2 quarter naman panalo ang team ni D at sa 3 laro ay naging patas ito kaya medyo intense ang laban dito sa huling laro dahil parihas sila magagagaling.
Kinalabit ako ni Gabby kaya tumingin ako sakanya.
"Gurl! May tumatawag atah sayo kanina pa nag riring yang cellphone mo." Siguro hindi ko narinig dahil narin sa tilian at cheer nila, tutuk din naman ako sa laro pero agad ko namang nakita ang tumatawag pero nagtaka ako dahil unregistered number.
" Sige labas muna ako ahh " nagpaalam ako sa dawala para lumabas kaya tumango nalang ang mga ito at busy rin sa game.