Chapter 14
ZAINNAYA's POV
Pag labas ko kahit nag aalinlangan man ay sinagot ko parin ang tawag.
" Hello!" Walang sumasagot sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.
" Hello! " Wala paring sumasagot kaya medyo nainis nako dahil pinaprank call lang atah ako nito.
" Kong gusto mo ng gagohan pwes wag ako ang tawagan mo bwesi- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla itong nagsalita
" Jhoanna Zainnaya Zhang Dela Vega" para akong nabingi sa narinig ko
" Sino ba'to hindi ako nakikipag lokolahan sayo at hindi ko Kilala ang sinasabi mo" matigas Kong Sabi
" Right now you are Jhoanna Zainnaya Larcena, but soon you'll going to be Jhoanna Zainnaya Zhang Dela Vega, your real name" bigla akong kinilabutan sa tawa nya at sa pagbigkas ng pangalan ko lalo akong kinabahan dahil Kilala nya ako.
" Sino ka ba talaga bakit mo ako kilala... Ano bang kailangan mo" Sigaw ko rito
" Do you want to know me, then meet me here at *** coffee near at Luna University. You will know everything about yourself and of course you real family."
Toot toot toot.......
Hindi ko alam kong anong gagawin ko dahil parang hindi pa nag sisink in sa utak ko ang mga sinabi ng caller, hindi ko rin alam kong maniniwala ba ako pero Kilala nya ako at ang pamilya ko raw. Nagtatalo ang isip ko Kong pupunta ba ako o hindi.
*Beep beep*
Agad kong inopen ang text message na nareceived ko.
Unregistered number.......
I know you were doubt what I'm talking about, pano Kong sabihin kong you we're involved in a car accident dahilan ng pagkabura ng alala mo.
Lalo akong nagulohan sa mensaheng nabasa ko at nag tataka rin ako ng sabihin nyang Kasama ako sa Isang accidente dahilan ng pagkabura ng alala ko sa kagustohan kong malaman ang totoo kaya mabilis akong tumungo sa address na ibinigay nya. Pati ang mga kaibigan ko ay nakalimutan ko sa covered court at hindi rin ako nag paalam kaya habang nasa tricycle ako nagtext ako kay Era at Gabby na uuwi muna ako dahil may nakalimutan ako.
Pag pasok ko sa coffeeshop may sumalubong saking Waiter.
" Good afternoon ma'am... Table for two or solo?" Magiliw na pagbati sakin ng Waiter
" Ahmm may imemeet Kasi ako dito siguro table for two nalang" magalang ko namang sagot dito
" Ah! Ma'am may I ask your name?" Kumonot ang noo ko pero kalaunan ay binigay ko rin
" Zainnaya Larcena! Bakit?" Ngumiti ito sakin
" So! Sainyo po ang envelope sa counter! Saglit lang po ma'am at kukunin ko po" iniwan ako nitong nakatanga dahil hindi ko alam ang sinasabi nyang envelope at ngayon lang ako nagawi dito kaya impossibleng sakin iyon.
Sapag hihintay ko ay umupo muna ako sa bakanteng upoan. Nakita ko nang paparating ang waiter na may dalang brown envelope at masasabi Kong makapal ito.
" Ma'am ito po baka sainyo po ito dahil naka pangalan at naka address sainyo! Sige po ma'am maiwan muna po kita at kong may order ka po tawagin nyo nalang po ako!" Magalang nitong sabi bago umalis at iniwan sakin ang envelope hindi ko sana kukunin pero naka tala ang pangalan ko kaya sa sobrang curious ko ay kinuha ko na ito. Nagpalinga linga muna ako sa loob ng coffeeshop dahil may imemeet ako pero puro magkasintahan ang nakikita ko dito sa loob kaya nagpasya akong iuwi muna tong envelope kahit diko alam Kong kanino to galin pero dahil nakapangalan sakin kaya kinuha ko'to.
Babalik sana ako para manuod uli ng laro pero naisip Kong hindi ko pweding dahil itong envelope kaya naisip Kong idaan mona ito sa bahay saka ko nalang titingnan.
Pagdating ko dito sa bahay ay pumasok ako sa kwarto ko para itago muna ang dala Kong envelope dahil mamaya ko nalang iyon titingnan.
*Beep beep*
Kinuha ko ang cellphone ko ng marinig ko itong tumunog dahil baka sina Era o si Gabby ang nag text, pero nagkamali ako dahil unregistered number ang nag text kaya binuksan ko ito agad.
Unregistered number....
Did you see what I brought for you.
Nagugulohan ako dahil sino ba'to at anong binigay nya sakin?... bigla akong napatingin sa hawak Kong envelope. Agad ko itong kinuha at sumampa sa kama ko.
Halos kapusin ako ng aking hininga dahil sa nakikita ko ngayon.