Chapter 15
Author's point of view;
Mabilis nyang kinuha ang envelope at Isa Isa nyang inilabas ang laman nito pero hindi sya makapaghintay na makita ang lahat kaya't binohus nya ang lahat ng laman sa kanyang kama, maraming litrato ang nahulog kasama ang Isang maliit na Diary at ilang sulat. Ngunit hindi sya makagalaw sa sobrang pagkabigla dahil sa nakikita nya ang kanyang sarili at ang kanyang Inay Carmelita, at Isang matandang lalaki na sugatan at parang wala nang buhay. Hindi nya rin namalayan na lumuluha na pala sya, maraming litrato ang nakakalat kaya nakikita nya ang iba't ibang Imahe na kasama sya sa accidente, naisip nyang ito siguro ang dahilan Kong bakit sya ang sinisisi ng kanyang ate Jaila.
Dahil sa pag iyak ay lumalabo na ang kanyang paningin at nararamdaman nya narin ang pag sakit ng kanyang ulo kaya ipinikit nya ang kanyang mga mata dahil lalong sumasakit ito halos sabunotan nya na ang kanyang sarili at napapasigaw dahil sa sakit nito kaya humiga muna sya. At pinakalma ang sarili nya dahil para bang kinakapos rin ang kanyang paghinga.
Sa paghiga nya may mga nakikita syang Imahe at unti unti na ring bumabalik ang alala nya sa pangyayaring iyon at ang ilang alalang nabura sa isipan nya, pero hindi pa ang lahat. Oras ang binilang bago unti unting humuhupa ang sakit ng kanyang ulo kaya ng maging okay sya ay inayus nya ang mga litratong nagkalat sa kama nya at ibinalik sa envelope ulit at malinaw na sakanya kong anong nangyari sa accidente at kong bakit sila naaccidente, Kilala nya narin ang kasama nilang lalaki pero after ng accident ay duon nawala ang alala nya iyon lang ang bumalik sa alala nya ang nangyaring accident the rest ay wala na kaya baka ay may mga nalimutan pa sya na nakilala nya o nakasama nya tulad ng kuya Terrence nya na naging kasintahan ata ng ate nya dahil wala namang nababanggit na kahit ano kaya hindi nya alam. Napansin nya ang hawak nyang tatlong sulat at ang Diary.
Familiar sakanya iyong Diary kaya hindi sya nag dalawang isip na buksan ito at bumungad sakanya ang sarili nyang sulat kamay kaya inisip nyang sakanya ito, hindi nga sya nagkamali dahil dala nya ito kahit San sya mag punta at isinusulat nya rin ang mga bagay na importante sakanya naluha nanaman sya na napangiti habang hinahaplos ang Diary nya gusto nyang basahin ito Kong hindi lang nya narinig na may kumakatok kaya dadali nyang pinunasan ang mga luha nya at ibinalik ang Diary nya at ang mga sulat sa envelope saka inilagay nya sa ilalim ng kanyang damitan.
Inayos muna nya ang kanyang damit at hindi manlang nya tingnan ang kanyang sarili sa salamin, agad itong lumabas para pagbuksan ang kumakatok.
Nagulat sya ng bigla syang hagkan ng Kong sino.