Capítulo Tres: Bullies or Bullied?

3230 Words
Shy's POV Nilapitan siya ni Xavier. Kinakausap niya ito pero mukhang hindi interesado si Searchin. Bakit may pakiramdam akong may kakaiba sa kanya? Nakita ko siya sa gym na lumapit sa bangkay ni Mrs. Garcia at bigla na lang nahimatay. Bakit naman siya lalapit sa bangkay? At hinawakan pa ito? May kakaiba talaga sa kanya. Pilit pa rin siyang kinakusap ni Xavier pero wala pa rin itong imik. Tinignan ko naman si Sisi. Kung nakakamatay lang ang titig niya. Paniguradong bagsak na si Searchin ngayon. Patay na patay si Sisi kay Xavier. Halos elementary pa lang magkakilala na ang dalawa. Kahit na sinabi ni Xavier sa kanya na may iba itong gusto at kapatid lang ang turing ni Xavier. Mahal pa rin ito ni Sisi. Hindi man niya sabihin at ipahalata sa iba, pero ako alam ko ang totoo. Ang lahat, alam ko. Nasasaktan siya. Pero anong magagawa niya, si Gemini ang kalaban niya. Mukhang napipikon na si Searchin kaya lumabas ito na siyang sunod ni Xavier. Wala kang magagawa Xavier, hinahabol ka nang nakaraan. "May inoobserbahan ka nanaman." Napalingon ako sa katabi ko. Gising na pala siya. "Nagsimula na ang laro." Sabi ko habang binubuklat ang notebook. Nanatili siyang tahimik. Mukhang hindi ko ito makakausap ng matino. Lumipas ang ilang sandali. "Hayaan mo sila. Sisimulan ko na rin naman ang akin." Naghikab pa siya at nag-nob ulit. Akala ko hindi na siya sasagot. "Klent, sa tingin mo matatapos ito?" Hindi siya sumagot. Tulog na siguro. Nagsulat na lang ako ng mga notes. Walang prof. Masaya sila. Pero hanggang kailan? Hanggang saan? Paano kaya to matatapos? Sino ang nagsimula? At sino ang tatapos? Ilan muna ang mamatay? Ano ang dahilan? Alam ko namang dadating din ang araw ko. Dahil sa larong ito, walang panalo. Lahat talo. May kasalan ka man o wala, kapag gusto kanyang tumakbo, tumakbo ka pero sa huli, mahahabol at mahabol ka niya. Ready na ko. Alam ko naman ako ang sunod. Hindi ko nga lang alam kung sino ang master of the game ngayon. Pero ang nakaraan, babalik at babalik... "Oo. Pero buhay pa tayo kapag nangyari yun. Basta humawak ka lang sa akin." Sabi niya habang nakayuko. Klent Max Lim. Sana nga. Lagi naman akong nakahawak sayo. At hinding hindi ako bibitaw. Kahit anong mangyari panghahawakan ko ang sinabi mo. --- Keefer's POV Lintek!!! Lagi na lang Noah! Wala na ba siyang ibang makita kung hindi si Noah!?! Si Noah na gwapo! Si Noah na magaling! Si Noah na matalino! Edi siya na!!! f**k him!!!! That jerk? Lagi naman siyang sinasaktan through emotional. Hindi ba niya matanggap na ako ang magiging asawa niya? Na ako, sobrang nagmamahal sa kanya? Na kahit ganyan siya, tanggap ko. Noah never see her as a girlfriend material but only as a sister. Kahit gusto kong magalit kay Cecilia hindi ko magawa. Tignan pa lang niya ako, wala na surrender na ko. Ang corny ko na. Damn! Under pa ata ako sa kanya kapag nakasal na kami. NO WAY!! Sa dami ng naghahabol sa akin, ako naman ang humahabol sa kanya. Haaay! Naman oh! " KC!" Biglang may umakbay sa akin. KC???? Isa lang ang alam kong tumatawag sa akin nun. Tinignan ko kung sino ang umakbay. At s**t! Siya nga. Sa sobrang gulat ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Tatawa ba ko o maiinis. "HAHAHAHAAHAHA!!" f**k him. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito. " Your face!! Damn! It's priceless! Dapat pala nirecord ko ang pagpapakita ko sayo. You must seen it." Tuloy pa rin siya sa pagtawa at ang loko nakahawak pa sa tiyan. As in hagalpak sa tawa. Konti na lang masasapak ko na ito. "What are you doing here?" Naglakad na ako sa corridor. Habang siya tumatawa pa rin. Peste to. "Hey ! Hey! Wait up! Ganyan ka ba magwelcome sa mga new student?" New student? Napansin kong nakauniform siya ng SRU but Engineering Department. Dito pala siya lumipat. Bully tong isa ito. Sa mukha niyang yan, wala talagang matinong gagawin. Ang bitter ko naman pakinggan. "So Engineering ka pala. Maghahasik ka lang ng lagim dito." Tumawa nanaman siya. "Wala ka bang tiwala sa gwapo mong kuya?" Nagpogi sign pa siya. Argghh. Mukha siyang timang. "Kyaaaaaa!!! Girls ang gwapo nung kasama ni Keefer oh." Tili nung isang estudyante. Mga babae talaga. Makakita lang ng gwapo akala mo mamatay na sa kilig at itong isa naman to, narinig ata kaya lalo pa atang nagpacute. Nagpuppy eyes pa. f**k him. "Kyaaaaaah" tilian pa ulit sila. " Stop it Ford." Nagtuloy na ako sa paglakad. Bahala siya magpacute. Baka magalit pa sa akin si Sisi. Sabihin nambabae pa ako. "Hey!" Hinabol niya ako at umakbay. "Wala ka talagang galang sa Kuya mo." kuya your face Ford. "Stepbrother." Pagtatama ko. He laugh. " Yeah right. Ford Davis is you're stepbrother KC" KC? f**k. Binata na kaya kami. Ford Davis is my stepbrother. Mom's son in her first husband. We're in good terms naman kaming dalawa. Sadyang maloko lang si Ford. Cool sya kasama kaso sa sobrang cool niya, nauuwi sa yabang. Papalitpalit ng course. Sana nga magtino na ito ngayon. He’s getting older na. NGSB din. Yes, sa gwapo nito wala pang ni isang naging girlfriend, as in never, as far as I know. Napansin ko na putok ang labi niya. Nakipagsuntukan nanaman sya siguro. Kapag nalaman nila daddy yang kalokohan niya. Siguradong sa States na siya mag-aaral. Sobarang ayaw niya yung idea na yun. Kaya and pangako niya sa parents naming ay magpapakatino. "Sino nanamang gago ang nanapak sayo?" Hinawakan niya ang putok niyang labi at ngumiti. Masaya pa ata na nasuntok siya. Umiling na lang ako. --- Ford's POV "Sino nanamang gago ang nanapak sayo?" napangiti ako sa tanong ni KC. Ang adik ko ay mali, ang gwapo ko pala. Ako na ata ang masayang tao na nasapak. Pero kung siya ang dahilan ng pagkasapak ko, why not. Basta laging halik niya ang kapalit. "Oh, Gago ka rin noh? Nasuntok ka na nga, nakangiti ka pa." Gago na kung gago. Pero ang ganda niya talaga. Wala naman akong balak halikan yung babae kanina. Kaso nung nakita ko yung mukha niya. Bigla na lang lumipad yung labi ko sa labi niya. Maski ako nagulat din. With matching pikit pa. Para siyang anghel na hinulog sa langit para saluhin ko. Sa totoo lang nang makita ko siya, in one snap, I kissed her. At yun nasuntok tuloy ako. "What's name of that girl?" speaking of. "Where?" Sinundan niya ang tingin ko. Sabay tawa. Hayop din tong kapatid ko. Ano bang nakakatawa? Binatukan ko nga. "Ouch... That's Searchin May Montesquieu. New student. Kablock ko. Why?" Searchin May. Ang ganda niya. Greek Goddess. Yung blue niyang mata, matangos na ilong, mamulamulang pisngi. Lahat ang ganda. Lalo na ang perpekto niyang labi. Oh f**k! Sa pagdedaydream ko hindi ko namalayang iniwan na pala ako ng siraulo kong kapatid. Saan na kaya yun nagpunta. Nilingon ko siya at nakita kong pumasok siya sa isang kwarto? Ano ba yun? Museum? Wala talaga sa hulog tong isang ito. Tumingin ulit ako kay Searchin at... *SLAP* What the f**k!!!! Sinampal siya nung babae na may kulot ang buhok. Nanatiling nakatabingi ang mukha ni Searchin. Hindi man lang ba siya gaganti? Tumawa yung kulot. " You. Dirty b***h! Don't you ever touch my Noah again!" Noah? Oh sino naman yun? Nag-aaway ba sila sa isang lalaki lang? Akala ko pa naman iba siya. Sinuntok niya ako dahil hinalikan ko siya. Pero nakakipagaway naman pala dahil lang sa lalaki. Mga babae nga naman. Tumalikod na ako at naglakad palayo. Bahala kayo dyan. May misyon pa ako dito sa lugar na ito. --- Searchin's POV Sa lahat ng ayoko ay yung sinasaktan ako. Lalo na ng hindi ko kakilala. Patuloy siya sa pagmura at panglait sa akin. Peste!!! Ano bang meron ang Noah na yan at lagi akong napapahamak. Ni hindi ko nga kinakausap yung bastard na yun. And one thing for sure that you don't want to mess with me, ang sabihan akong b***h. "Hindi ka naman pala lumalaban. Duwag b***h!!!" Sa pagsabi niya nun. Tumingin ako ng napakasama sa kanya. Don't you dare call me like that Bastard cocoo brain. "You want fight? Then I give you." I slap her so hard. Halos matumba siya sa sampal ko. I told you don't mess up with me. "How dare you!!!" Ambang sasabunutan niya ako but I slap her again. And this time she fell. Dinaganan ko siya at pingsasampal ulit. Ilang ulit ko siyang sinampal. Kahit dumudugo na ang labi niya at namumula na siya patuloy pa rin ako. Ni sino hindi ako sinaktan, walang nagtatangka. Hindi ako pinipigil ng mga estudyante, subukan lang nila. I slap her again and again. She's crying and screaming. " You dirty asshole!!! Get off on me!!!" Sigaw niya. Hindi niya magawang sanggain ang mga sampal ko. I'm quick and strong compare to normal girls. Hindi pa ako nakuntento at sinuntok ko na siya. Brutal na kung brutal.Hell!! I don't even know her. Sa kanya na si Noah! Magsama sila. Akmang susuntukin ko ulit siya ng may humila sakin patayo. "Arggghh" tinignan ko ito ng masama. "Pwede ba tama na? Don't you see? Baka mamatay siya sa ginagawa mo?" f**k sino naman itong lalaki na ito? " The hell I care! She slap me first." Hinila ko pabalik ang braso ko. Ang sakit ng pagkakahawak niya. Tss. "It doesn't matter kung sino ang nauna." Duh? Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya? Hell! Hindi ko naman siya sasampalin kung hindi niya ako inunahan. Gosh this people!!! "Who do you think you are?" " Kysler Lim. Vice President of student council." Nakapamewang niyang sabi. V.P huh? Let see. " So what? You must know what really matters Mr. Vice President, your school tolerates her actions? Sampalin ako bigla ng hindi ko man lang alam ang dahilan? First and foremost, hindi ko siya kilala." Tinaasan ko siya ng kilay. " I'm Jiezel Corpuz, Secretary of Student Council and Noah's girlfriend. Yung taong nilalandi mo." May lakas pa pala talaga siyang tumayo at magpakilala. Excuse me, hindi ko nilalandi ang boyfriend mo, siya ang lapit ng lapit. " We're not tolerating the violence here Miss Montesquieu. And having a violence here is the number one rule you must know. I'm giving you a detention for one week." Then he gave me a yellow card. f**k!!! what the first day is this?!? Tumalikod na siya sa akin. "Nakakalimutan mo atang kaming dalawa ang nag-away. Hindi mo ba siya bibigyan ng yellow card Mr. Lim?... Mukhang may pinapanigan ka ata. You must be a role model, right?" Nagdikit ang kilay niya sa sinabi ko. Inabutan niya nga ito ng yellow card. Good boy. " WHAAAT!?! Kysler!!" Nangagalaiti niya akong tinignan. Umalis na yung Kysler. "You dirty b***h. f**k the hell of you!" Whatever. Pinagpag ko ang palda ko at dinampot ang bag. Get a life bastard cocoo brain. Nagtitili siya dun ng parang baliw. Umalis na ako at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Humanada ka sa akin Noah. Wait my revenge. --- Searchin's POV Six days na ang tinitiis ko sa detention and this is my last day here in detention room. Wala namang ginagawa kung hindi ang tumunganga rito. I've never met the detention Teacher. That's fine para wala ng gawin. And that Jiezel, buti na lang sa kabilang detention room siya. Bakit dalawa ang detention room? Marami bang gumagawa ng kagaguhan dito? Do I care? Yung mga kasama ko ayun nagsilabasan. Dalawa na lang kami ng babae na nakayuko ang nandito. Ang boring talaga. Buti pa siya nakakatulog, samantalang ako heto inip na inip. Ang tagal kasi magbell para makauwi na ako. Ayoko naman gayahin yung iba, baka dumating yung prof. Nakinig na lang ako ng music sa Cellphone. Ang boring talaga. Pagkatapos kasi ng class hours namin, dapat nandito ako sa detention room.In my whole life ngayon lang nangyari sa akin ito. Kaya I hate having a company. Magulo, maingay at takaw away. Pero look where I am. Dahil ito dun sa Noah Bastard na yun. Peste talaga siya. Ililipat ko sana yung kanta ng may narinig akong impit ng iyak. Iyak? Tinanggal ko ang headset ko para marinig kung iyak nga ba talaga yun... It's real. I look at the girl which is shrugging her shoulders habang nakayuko. Itim na itim ang mahaba nitong buhok. Sa tantya ko halos aabot na ang buhok nito sa kanyang butts. I just raise my left eyebrow. "Namatayan ka na ba ng nanay?" What? Ako ba kausap nito? I didn't respond. "Ang sakit mawalan ng ina. Yung puso mo sinasaksak ng paulit-ulit. Tapos binuhasan ng asido at niloblob sa kumukulong mantika. Ganun yung pakiramdam." Nag-angat siya ng ulo pero dahil nasa front ko siya still hindi ko makita ang mukha niya. Ano bang problema nito? Hindi ko na siya pinansin. 15 mins. na lang at magbebell na. Tumayo siya pero nanatiling nakatalikod. "Huwag kang magpapahuli sa kanya. Tumakbo ka hanggat kaya mo. Lahat tayo may taning pero depende sayo kung ngayon ka magpapahuli o patatagalin mo ang laro, Searchin." Biglang nagring ang bell at lumabas na siya. What? Ano ba yung sinasabi niya? She knows me? Hahabulin ko sana siya para magtanong but she's not around anymore. Walang bakas na may taong dumaan sa hallway. What's the meaning of those words? Laro? Sinong naglalaro? Kasali ako? Pero anong laro? Biglang humangin. Malamig. Kakaiba. Yung pakiramdam na may nakatingin sayo pero ng lumingon ako wala namang ibang tao. Kahit madilim na ang langit, maliwanag naman ang hallway. Walang tao. At ito nanaman, ang pakiramdam kong kailangang kong tumakbo, huwag magpahuli, huwag magpakita sa kanya. Pero sino nga ba ang dapat taguan? Sino ang taya? Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kailangan ko ng umuwi. Dahil alam ko, may dapat akong malaman. Ang pakiramdam na to. Yung panaginip at ang sulat. May koneksyon lahat. Pero bakit ako? Yun ang dapat kong alamin. --- Calypso's POV "You disappoint me again." Binaba niya ang kubyertos. Hudyat sa pagtapos ng hapunan. "Is that the best thing you can do? Just that?" Hindi ako makatingin sa kanya. Ganito naman lagi. "Why can’t you be like your brothers? They're all successful now. Hindi tulad mo, napunta ka lang ng isang beses sa taas hinayaan mo ng lumagapak ka sa baba." Ito. Sila. Puro na lang dapat gayahin ko. "We supported all your needs. Gave your wants. Pero yung isang kondisyon lang na hinihiingi ko, hindi mo pa magawa?" "Bernard." Pigil ni Mama. Tinignan lang siya ng magaling kong ama. Yan lang naman ang kaya ni Mama. Ang magsalita, umawat at sabihing... "Caly, intindihin mo na lang ang Papa mo." So lagi na lang ba dapat ako ang umintindi? Sasabihin ko na lang bang okay lang? Kahit deep inside, Tangina nasasaktan na ko, nahihirapan?? "Calypso, pinagaral kita hindi para maging 2nd lang. I want all my child to be the 1st at kung hindi mo kaya yun, you don't belong here." Oo. 2nd na lang ako. This previous days nagbigay ng estimation ang Dean namin which is natalo na daw ako sa rank. Napatulala ako sa sinabi niya. P*tang ina!!! Dahil lang sa naging pang 2nd ako sa rank department namin, I don't belong here agad? Ganun ba kababaw ang pagtingin niya? T*ngina!matandang gurang ka, anak mo ko kung nakakalimutan mo. Madali lang ba talaga sa kanya na ibaliwala ako? Is that really a big deal? Tumayo na siya. Mukhang tapos na ang pag-uusap na ito. Tapos na ba siyang sabihin yan? Kasi ako hindi ko pa nasasabi yung nararamdaman ko. Napahinto siya sa mga salitang binatawan ko. "Kahit kailan naman hindi nyo ako nakita bilang ako. Kailangan laging may ikumpara. Dapat tumulad ako sa ganito, tumulad ako sa ganyan. Kailan ka ba naging ama? T*ngina! Kung sa tingin mo hindi ko ginawa ang best ko, then look what I’ve sacrificed and been through.” Nilagpasan ko siya pero hinigit niya ang braso ko at sinuntok ako sa mukha. "Caly!!!... Bernard ano ba?!" Nilapitan ako ni Mama para tulungang tumayo. Shit!!! Ang sakit!!! Masakit pa nga yung panga ko sa suntok nung hayop na Cliford. Pero eto, nakatikim ulit ako ng isa pa. "Gago ka! Marunong ka nang sumagot." "Gago na ko kung gago! Pero t*ngina, kailan mo ba ako nakitang anak mo? Puro ka na lang puna sa mga ginagawa ko. Bakit?! Kulang pa ba ito? Kulang pa ba yung mga ginagawa ko? Putsa!!! pinilit ko naman gawin yung gusto mo, kaya nga kakapilit ko hindi ko na alam ang kaibahan ng gusto ko sa kailangan ko." Walang hiya talaga!!!! Lahat naman ginawa ko. Ni hindi ako gumugimik tulad ni kuya Seafard. Wala akong girlfriend di tulad ni kuya Billy na kaliwa't kanan. At lalong lalo na hindi ako tumulad kay kuya Shawn na naging rebelde dahil sa lupit niya. Putsa naman talaga!! Wala pa ring kwenta yun para sa kanya. Oo na, sila na naging successful sa career na kinuha nila. May sarisarili na silang business at sobrang tagumpay na. Kahit ganun sila kay Papa. T*ngina naman! Ako nga itong matino, hindi ba niya nakikita na lahat ng gusto niya sa isang anak ay ginawa ko?!! "Pagsabihan mo yang anak mo." Dinuro niya si Mama. Hayop talaga to! Anak lang ako ng nanay ko kapag tingin niya , Mali ang ginagawa ko peeroo kapag maganda at bumabangi ang pangalan niya, T*ngina! Todo maka "anak ko yan" "Anak niya? Anak niya lang? Mas gago ka pala sa akin! Ni minsan ba nalaman mo kung anong naramdaman namin? Nalaman mo ba kung anong nangyayari sa anak mo? Sa asawa mo? Naalagaan mo ba kami pwera dyan sa pera mo? T*ngina! Buti pa ang tao ng Pilipinas pinoproteksyonan mo sa terorista pero kaming pamilya mo wala kang ginawa kundi iwan!!" At nakatikim nanaman ako ng suntok. Okay lang, manhid na ako. Ganito naman ako lagi sa school. Tukso at p*******t lang ang nakukuha ko. Pati pala sa bahay na dapat kumakalinga sa akin ay mararanasan ko ang masaktan. All my life, I proved to him that I'm here. I'm here to catch all his dreams that my brothers can't. Na ako nanadito ako, kaya ko maging mabuting anak. Peo ng dahil sa Searchin na yan! Putsa! Bakit ba kasi siya pa ang nagrank 1?! Letse! Sana hindi na lang siya lumipat para hanggang ngayon ako pa rin ang rank 1. Hindi sana ako pupunahin ni Papa. Ayos na sana. Natutuwa na siya sa akin. Pero putsa talaga. Wala, dumating siya. T*ngina talaga!!! I do everthing para sa tatay ko. General siya ng PNP. Strict. Mataas ang standards. Kaya nga kinuha ko ang Political Science para makita niya na kaya ko mag-line up sa gusto niya. He's General and I can be someone in Politics too. May utak ako. Alam ko yun. May pera kami, halata naman. May itsura ako, hindi lang ako nagaa-ayos para naman makita niyang puro aral lang ang inaatupag ko. Pero kulang pa pala. Letse! Ano pa bang hanap niya? Nabali ko ang hawak kong lapis. f**k! Pinagtatapon ko ang bagay na mahawakan ko sa loob ng kwarto. I really hate it. I really hate my Damn Father!! And hate you too, Searchin! Nagkakamali ka ng kinalaban. Calypso is Calypso. Even I tolearate them to make me weak, sorry but they never skip my revenge. And you owe me one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD