Pagabi na subalit hindi magawang matulog ni Lanche. Hindi siya makatulog dahil baka sumpungin na naman si Brie. Nasa labas siya nagpapahangin habang may hawak na sigarilyo. "Captain!" napalingon siya ng tawagin siya ni Meshua kasama nito ang kaibigan ni Brie na si Chillet. "Kanina ka pa ba dito captain?" tanong sa kaniya nito. Hindi siya sumagot, nanatili lamang siyang nakatanaw sa malayo. Nasa loob naman ang tatay ni Brie kaya mag magbabantay sa kaniya. Kagagaling lamang niya sa bahay ng mga kapatid nito dahil dinalaw nila si Brie Ilang minuto lang ay nagpasiya na silang pumasok sa loob. Bumungad sa kanila ang bagong gising na si Brie. Kita niya mga mata nito na nahihirapan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Brie habang nakatingin ito sa labas. Madilim na at puro bituin sa kala

