PROLOGUE
Ang lahat ay nagbabago, hindi habang buhay kung anong nararanasan mo ngayon. Dahil ang lahat ay may hangganan din na kung minsa'y hindi mo na nanaisin pang mag wakas.
Ang magagawa mo na lang sa ngayon, ay ang maghintay sa kapalaran na meron ka.
Ang sabi nila, kapag may umalis, may darating. Pero paano na lang kung puro umaalis na lang?
Napabuntong-hininga nalang ang kaniyang nagawa habang nakatanaw sa litrato.
Ilang araw na ba siyang ganito? Ilang araw na ba siyang nababalot sa kalungkutan na tila bang walang katapusan ang lahat.
Alak, sigarilyo at isang litrato ang palagi niyang kasama sa buong magdamag. Ni lumabas ng kwarto ay nakaligtaan niya na.
Kung hindi dahil sa bintana ng kaniyang kwarto, ay hindi niya makikita ang sinag ng araw.
Napukaw ang atensyon niya napatingin sa kaniyang cellphone na biglaan itong tumunog.Inilapag niya ang litrato bago ito sinagot.
"Captain Claveria! " ang sabi sa kabilang linya.
"The airlines are fullybook today.Where are you?" Tanong nito.
Huminga siya ng malalim bago sumagot.
"I'm on my way." walang ganang sagot niya bago ibinaba ang cellphone nito.
Mabilis niyang inayos ang litrato na inilapag niya. Bago muling tinanaw ang bakanteng kama.
"I will." mapait siyang ngumiti bago inayos ito.
Ilang oras lang ang nagtagal ng matapos siya at handa nang pumunta sa airport.Bago siya lumabas ng kwarto, muli niyang binigyan ng sulyap ang wallpaper ng phone niya.
"I will for you."
Lumabas siya ng kwarto niya, bumungad sa kaniya ang tahimik na sala habang pababa siya ng hagdan.
Mahirap man, pero susubukan niyang mabuhay.
Hindi niya pinalampas ang kotse niyang matagal nang hindi nagagamit. Sobrang tagal na mula ng paandarin niya ito.Mabuti na lang at napalinis niya ito kahapon.kaya naman maari na niya ito gamitin ngayon.
"Captain!" Nakasalute na bati sa kaniya ng third officer na si Calyx.
Sinulyapan niya ito bago pumasok sa loob ng office.
"Good to see you here Mr. Claveria!" masayang bati sa kaniya ni Mr. Guivarra.
"Me too Master." nakangiti niyang sagot sa dating captain ng airliners.
"Goodluck and see you." nakangiti nitong sabi bago siya lumabas.
"Captain!" nakangiting bati rin sa kaniya ng iba pang officer ng eroplano bago siya pumasok sa loob.
Ilang oras na lang at lilipad na siya. Muli niya nang mahahawakan ang control wheel na noon pa lang pangarap niya nang hawakan.