I

1164 Words
Tahimik na naglalakad sa gilid ng kalsada si Brie, hindi niya akalain na mauubos ng ganon-ganon na lang ang baon niya. Isa siyang college student, kumuha lang siya ng scholarship para makapag-aral at matupad ang mga pangarap niya. Nagt-trabaho rin siya siya kapag wala siyang pasok o hindi kaya ay hati ang schedule niya sa school. Kakasahod niya lang ng araw na to pero dahil siningil siya ng mga classmate niya kaya kailangan niyang pagkasiyahin ang dalawang libo sa loob ng kinsenas. Ulila na siya sa ina, ang kaniyang ama naman ay isang construction worker na bihira lang din pumasok dahil walang masiyadong gawa ngayon. Kaya naman siya ang lubos na inaasahan ng pamilya niya. May dalawa siyang mga kapatid na nasa high school at elementarya. Dahil sa dami ng utang nila kung kanino-kanino, kailangan nilang mag-tipid. Lalo na’t kakaumpisa pa lang ng pasukan at matagal pa bago siya makapagtapos. Hindi niya namalayan na malapit na pala siya sa compound nila, Ilang oras siyang naglakad pauwi para lang makatipid. “Ate Brie!” masayang bungad sa kaniya ng mga kapatid niya bago siya sinalubong ng yakap. “Ate Brie mabuti at nakauwi ka na!” masayang bati sa kaniya ng bunso niyang kapatid. “Pasensya na kayo ah? Naglakad lang si ate pauwi,” sabi niya at muling tumingin sa mga kapatid. “Ate, anong pagkain? Nagugutom na po ako.” Malungkot na tanong nito. “Nicole, ano ka ba! Kakauwi lang ni ate!” saway nito sa bunsong kapatid. Hindi niya maiwasang hindi maawa sa mga kapatid lalo na sa sarili. “Dito lang kayo ah? Bibili lang ako ng pagkain.” Nakangiting sabi niya sa mga kapatid. Tila lumiwanag naman ang mga mukha nito sa sinabi niya. “Mauna na kayo sa loob, hintayin niyo ako,” sabi niya bago siya lumakad palayo. Nakarating siya sa palengke, pinagkasiya niya ang singkwenta pesos para sa kakainin nila ngayon. “Ate, pabili nga po, kalahating kilo lang po,” sabi niya sa tindera ng bigas. Nag salok naman ito bago ibigay sa kaniya. “Bente singko pesos,” sabi ng tindera. Inabot naman niya ang isang daang piso. Sunod siyang pumunta sa tindahan ng tuyo. Nakabili siya ng tuyo na halagang kinse pesos, marami rami na rin ito. Kasiya na para mamayang gabi. Pauwi na siya ng may makita siyang bagoong na alamang kaya naman binila niya ang halagang sampung piso. Masaya siyang umuwi sa bahay nila at sinalubong naman siya ng mga kapatid niya. “Wow! May bagoong! Salamat ate!” Nakangiti siyang tumingin sa mga kapatid niyang masaya dahil may pagkain sila ngayon. “CARDO! CARDO! LUMABAS KA DIYAN!” Napabalikwas siya sa pagkakaupo ng may tumatawag sa papa niya. “CARDO! PAPATAYIN KITA!” hindi niya mapigilang hindi matakot sa inasta ng isang lalaking lasing na may dalang kutsilyo. Inawat naman ang lalaki ng mga kapitbahay nila. “Si tatay?” tanong niya sa mga kapatid. Subalit mapait na ngiti lang ang sinagot nito. “Nasa likod siya, Ate. Naglalasing…” Huminga siya ng malalim bago siya pumunta sa likod ng bahay nila. Nakita niya ang ama na prenteng nakaupo sa upuan na kahot habang hawak ang sigarilyo at bote ng alak. “Pa naman, pinang-inom niyo na naman ang pera na binigay ko sa inyo,” sabuli niya habang nakatingin sa ama. “ANO BANG PAKE MO? TEKA NGA! SINUSUMBATAN MO BA KONG BATA KA?!” sigaw nito at tumayo. “Pa naman, hindi sa ganon. Ang akin lang, imbes na ipangbili niyo ng alak, ibili na lang sana ng pagkain,” sagot niya sa ama na mas lalong nagpainit ng dugo nito. “EH, GAGO KA PALANG BATA KA! NAGTRABAHO KA LANG NG KONTI AKALA MO PINALAMON MO NA KO?!” Tumayo ito at dinuro-duro siya. “KUNG AYAW MONG GANITO, LUMAYAS KA SA BAHAY NA TO!BWESIT!” sigaw niya at Wala siyang nagawa kundi ang manahimik na lang. Hindi niya kayang umalis sa bahay na to dahil paniguradong kawawa ang mga kapatid niya. “A-ate…” Niyakap siya ng mga kapatid niya para pakalmahin siya. Matapos nilang kumain, mabilis naman siyang nagbihis para pumasok sa milk tea shop.Paniguradong malalagot siya sa may ari kapag na late siya gayong may mga guest sa milk tea shop nila. Kagaya ng nakaugalian, naglalakad na naman siya patungong milktea shop.Dahil ayaw niya ring magastos pa ang perang itinabi niya para sa susunod na mga araw. Nasa kalagitnaan na siya ng may biglang kotse ang lumiko sa harap niya dahilan para mapatigil siya. Ang buong akala niya ay mababangga na siya ng kotseng iyon. Bumaba ang may ari ng kotse na yon at chineck ang kotse niya bago tumingin sa kaniya. “O-Okay lang po ako,” nahihiyang sabi niya ng makita ang isang lalaki na naka -tuxedo. Hindi niya maiwasang mapatitig dito. “I don’t asked you, I just check my car not you.” Malamig na tugon nito bago siya pumasok sa loob ng kotse. Napatulala na lang siya habang nakatingin sa kotseng papalayo sa kaniya. “ARGH! SUPLADO! AKALA MO NAMAN GWAPO! TSE!” Inis na sigaw niya. “Hoy beshy!” Napalingon siya ng may sumiko sa braso niya. “Besh, sinong kaaway mo?” tanong nito sa kaniya. “Yung feelingerong gwapo na yon!” inis na sigaw niya habang masamang tumingin sa kotseng malayo na. “Yieee! Feelingero pero may gwapo? Iba ka besh ah?” pagtutukso nito. “Duh! Kadiri ka besh!” sabi nito at sinamaan siya ng tingin. Naglakad na sila papuntang milktea shop. Ito ang kaibigan niya sa milktea shop. Parehas niyang cashier din at isang college student rin sa kaparehang school. Hindi niya maiwasang hindi maisip ang lalaki kanina. “Hoy besh! Tawag ka ni Ma’am! Iniisip mo na naman si mysterious guy ah!” sabi nito. Bumalik siya sa reyalidad ng mapatingin siya sa manager ng shop nila na paparating. “Brie, ikaw muna don. Inutusan ko si Kyla na bumiling straw,” sabi nito. Mabilis naman siya sumunod. Hinatid niya ang mga milktea shake sa mga table. Pero nagulat siya sa huling cups na nakalagay. ‘VIP Claveria’ Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Nangunguna ang kaba dahil yung mismong cups na hawak niya ay sa VIP guest nila. Habang papalapit siya sa table number eight, hindi niya maiwasang hindi manginig. Kaya naman huminga siya ng malalim bago makalapit sa table number eight. “Good day, sir! This is your double chocolate with chocolate roll Ice cream—” Napatigil siya ng makita ang lalaki. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito muli at ito ang sinasabing VIP ng manager nila. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya na animoy hinihintay ang susunod niya sasabihin. “A-ahh, Sir,” Napapahiyang sabi niya at inilapag ng dahan-dahan ang lahat ng order nito. Hindi niya magawang tumingin rito dahil seryoso nitong tinitignan siya. Na animo’y inoobserbahan lahat ng kilos na gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD