Matapos niyang mailagay ang lahat, dahan-dahan siyang lumakad palayo.
Subalit hindi pa siya nakakalayo ng lubusan ay narinig niya na nagsalita ang lalaki.
“Brielle Chandria De Villa.”
Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya ng banggitin nito ang buong pangalan niya. Nagtataka siyang bumalik sa table ng lalaki.
“S-sir?” nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa lalaki.
Tumingin ito sa kaniya ng walang emosyon.Bago inabot ang kamay niya.
“S-sir?” hindi maintindihang tanong niya sa lalaki.
“ You keep this or I’ll throw this?” malamig na tanong nito.
Napatingin siya sa kamay nito na may hawak na name tag. Ang name tag niya, hindi niya siguro namalayan sa pagmamadali na natanggal ang name tag niya.
“A-ahh, Sir. Thank you po,” nahihiyang sabi niya bago siya dahan-dahang lumakad patalikod.Nang akmang aalis na siya, muli itong nagsalita.
“Stop day dreaming while you’re in work,” sabi nito dahilan para mapahinto siya.
Muli siyang lumingon subalit hindi ito nakatingin sa kaniya at nakatanaw lang sa labas ang tingin nito.
Bumalik siya sa counter bago muking itinuon ang pansin sa lalaki.
Tila ba may kakaibang tinatago ito na hindi mo mawari.
Itinuon na lamang niya ang pansin sa customer nila. Mas mabuti nang ito ang pagkaabalahan niya kaysa maki-tsismis pa sa buhay ng iba,lalo na’t sa hindi niya kilala.
Ilang oras ang lumipas at hindi niya napansin ang mga sandaling iyon.Muli niyang ibinaling ang tingin sa table number eight, subalit wala na don ang lalaki. May iba nang nakaupo doon.May kung ano siyang naramdaman na para bang hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya man lang nalaman ang pangalan nito.
“Hoy beshy! Kanina ka pa tahimik ah! Anyare?” tanong ng kaibigan ni niya habang nakatingin ito sa mga mata niya.
“W-wala,” pagsisinungaling niya. Dahil kung sasabihin niya ang totoo, siguradong aasarin lang siya nito sa tuwing pupunta ang lalaki.
“Weh? Yung totoo beshy? Iniisip mo si mysterious guy no?” pang -aasar muli nito sa kaniya. Hindi na niya itobinigyan ng pansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Pauwi na sila kaya naman naghiwalay na rin sila ng daan ng kaibigan niya. Mabuti na lang at nilibre siya nito sa pamasahe kaya hindi siya maglalakad ng dis oras ng gabi.
Pagod siyang dumating sa bahay nila, madilim na ito dahil nakapatay na ang ilaw. Tangin ilaw na lamang sa kusina ang nakabukas. Marahil ay tulog na rin ang mga kapatid at tatay niya.
Hindi na siya kumain ng gabihan at dumiretso na sa kwarto nila para magbihis. Pagod siya ngayon dahil galing siya sa school bago siya nagtrabaho kaya naman mabilis siyang nakatulog.
“ATEEE GISINGGG!”
Hindi niya pa namunulat ang mata niya, ramdam niya na ang init mula sa bintana.
Muli siyang umunat para magising ang diwa niya. Bumungad sa kaniya ang kapatid niyang bunso na si Nicole.
“Ate gising na po, aalis na kami,” sabi nito.
Sumulyap siya sa orasan na malapit sa bintana, at nakita niya roon na alas syete na ng umaga. Bumangon naman agad siya ng mapagtanto na mal-late na siya sa school.
Sabay-sabay silang umalis sa bahay. Isang pagsubok na naman ang tatahakin niya sa school. Dahil panigurado hinhintay na siya ng mga nagbubully dito.
Pero kahit na anong pang bubully ang natatamo niya, hindi ito naging hadlang para hindi siya pumasok at tuparin ang pangarap niya.
Hindi pa siya nakakaapak sa gate ng school nila ay may sumalubong na sa kaniya.
“STUPID!”
Bigla siya nitong binangga kaya napatumba siya.Hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatuloy na lamang na pumasok sa loob.
Pero dahil sadyang mapang-asar ang mga ka klase nito, may muli na namang bumangga sa kaniya dahilan para matapon sa kaniya ang kape nito.
“YOU’RE SUCH A STUPID JERK?! ARRRGH! LOOK! TATANGA-TANGA KA KASI!”
Pero mas lalo siyang nagulat ng ibuhos ito ng tuluyan sa kaniya ang kapeng mainit-init pa.
“A-aahhh!” Hindi niya maiwasang hindi mapasigaw sa init na yon.
Padabog naman na umalis ang babaeng bumuhos sa kaniya nito.
Nagsimula na ang bulong-bulungan nila. Yung iba ay pinagtatawanan siya.Pero may iilan namang naawa sa kaniya.
Hindi niya magawang lumaban dahil siya lang din ang talo. Mayayaman sila at ayaw niya rin ng gulo, lalo na’t isa lang siyang scholar dito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad papuntang locker nila para sana kumuha ng damit ng may sumigaw sa pangalan niya.
“My ghad beshy! Anong nangyari sayo?!” gulat na tanong nito ng makita ang itsura niya.
“A-ah natabig ko kasi kanina si Laura—” Magdadahilan sana siya subalit mabilis namang umangal ang kaibigan niya.
“OPPPS! Alam ko ang nangyari, Beshy! Nako! Malalagot siya kay Dean!” pagalit na sabi nito habang naawang nakatingin sa kabigan niyang madumi ang damit.
“Besh okay lang ako, hayaan mo na yon,” sabi niya at ngumiti.
“Nako , besh ah? Tigil-tigilan ka nila, baka isampal ko sa kanila lahat ng awards mo,” sabi pa nito
“Halika na nga, may extra ako dito sa bag, ito muna suotin mo.”
Dumiretso sila sa Cr para magbihis, napasalamat siya sa kaibigan dahil kung di dahil dito, baka pumasoi siyang madungis. Mabuti na lang at may kaibigan siya kahit papano.
Ito lagi ang nagtatanggol sa kaniya sa tuwing mapipipe siya sa mga kaaway
Hindi nya lubos maisip na magiging kaibigan niya ito dahil isa itong spoiled sa magulang at may kaya rin sa buhay.
Pero dahil tinulungan niya ito noong wala itong sagot sa quiz nila, nagsimula na rin itong magpakita ng kabutihan sa kaniya.
Napilitan lang rin ito ng mag part tme dahil gusto niyang samahan ang kaibigan, kaya labis ang pasasalamat niya rito sa palaging pag suporta nito sa kaniya.
“Besh! Halika na! Kain na tayo nagugutom na ko.”
Kakatapos lang ng tatlong klase niya kaya naman nag-aya na ang kaibigan para kumain. Nahihiya na rin siya rito dahil palagi siyang nililibre nito sa tuwing pupunta ng cafeteria para kumain.
“Ah besh, mauna ka na don. May tatapusin pa ko—”
Akmang magpapalusot na naman siya ng pilitin na naman siya ng kaibigan. Ang totoo, nagugutom na siya at kumakalam na ang sikmura niya. Pero dahil nga sa nakmhihiya na siya, kaya hindi na siya nag pa-pilit pa.
Pasikreto siyang pumuntang likod ng school. Mabuti na lang at walang tao dito kaya makakakain siya ng walang nangiinsulto sa kaniya.
Umupo siya sa pinakalamapit na upuan at dahan-dahang binuksan ang baonan niya.Tumambad ang malansang amoy.
Ito lang ang natira kagabi sa ulam nila kaya ito lang ang baon niya ngayon, ang paksiw na isdang maliit.Dinamihan lang niya ang sabaw para tumagal ang ulam nila hanggang mamaya.
Habang kumakain siya, hindi niya maiwasang hindi mag isip.Kailangan niyang magtiis para makamit ang pangarap niya. Para magkaroon ng pamilya balang araw.Para hindi maghirap ng ganito ang magiging anak niya.
Ngayon palang, ay sobrang dami nang plano niya para sa pamilya niya.Kung hindi sana namatay ang nanay niya noon, edi sana hindi sila ganito kahirap ngayon.Na may makakatulong siya sa pagtaguyod ng pamilya at hindi sila mababaon sa utang.
Hindi niya napansin na naiyak na pala siya. Mahirap maging mahirap, lalo na kung napapaligiran ka ng mas matataas sayo, pero hindi ibig sabihin non ay hanggang don ka na lang.Na habang buhay ka nalang na ganito.
“Wow! Ang sarap naman ng ulam mo! Pahingi!”
Nagulat siya ng may magsalita sa likod niya. Si Mike, yung kababata niya na isa ring scholar.
“Mike…”
Mabilis niyang itinago ang pagkain sa bag, dahil sa nahihiya siyang makita nito ang ulam niya.
“Brie, sabay tayo kumain.Hindi pa ko kumain eh. Hati tayo dito sa ulam ko.Hati tayo sa ulam mo ayos ba yon?” nakangiting tanong nito.
“Sure ka ba? Malansa tong ulam ko,” sabi niya.
“Ay sus! Masarap nga yan eh! Parehas lang naman tayo ng bituka,” sabi nito at umupo sa tabi niya.Inilabas nito ang pagkain na may kasamang ulam.
Nagsalo sila sa kapiranggot na paksiw at sa tocino na ulam nito.
“Salamat Mike…” nakangiti niyang sabi sa kabigan.
“Walang anuman Brie.Mag iingat ka ah? Kita tayo mamaya,” nakangiti nitong sabi sa kaniya bago tuluyang lumakad papalayo.
Papunta na siya sa susunod niyang klase ng may mabangga siya. Hindi na siya nag abalang tumingin dahil alam niyang aasarin lang siya nito.Tumayo siya at nagpatuloy sa paglalakad.
“Ang lansa mo naman! Eww!”
Maarteng sabi ng babaeng bumangga sa kaniya.Naglabas ito ng pabango bago siya inispray-han mula ulo hanggang tuhod.
Hindi na siya nag abalang kausapin o tignan ito, nagpatuloy siya sa paglalakad nang makasalubong niya ang kaibigan.
“Hoy beshy! Ang tagal mo naman!” sabi nito ng naka crossed arm.
Nagulat siya ng may kuhain ifo sa pag at iniabot sa kaniya ang isang supot.
“Ano to?” takang tanong niya at kinuha ang supot.
“Alam ko namang hindi ka kumain eh, ayan binilhan na kita may kasama nang tubig yan sa loob,” sabi nito.
Akmang ibabalik niya pero hindi na nito tinanggap ang supot. Nagpasalamat siya sa kabigan bago sila pumasok sa klase.
Natapos ang klase nila, Kaya naman sabay silang umuwi para pumasok sa shop.Dahil nagtitipid na naman siya, hindi na siya sumakay pa ng jeep dahil sumakay na siya kaninang umaga. Naglakad siya sa sobrang init na kalsada.
Kakain lang siya saglit bago siya pumasok sa trabaho.Muli niyang naalala ang lalaking nakabangga sa kaniya kahapon.
Kung kamusta na ba ito, Kung pupunta pa ba ito sa shop nila matapos ang pangyayaring iyon?
Kung anong lihim ang nakatago at bakitbganon na lamang siya makitungo sa iba.Madalas niya mapanood iyon sa mga teleserye, na may matinding pingadadaanan ang isang tao kung bakit hindi nito magawang ngumiti o bakit ganito ito makitungo sa iba.
Hindi niya napansin na nasa bahay na pala siya. Sa sobrang pag iisip sa lalaking iyon. Ni pangalan nito ay hindi niya alam. Nakalimutan niya rin ang apelyido nito na nakasulat sa cups kahapon.
Saglit siyang kumain at nagbihis na, ayaw niyang malate sa trabaho dahil ito na lang ang bumubuhay sa kanila.
Kaya naman kahit pagod at marami pa siyang gagawin sa school, minabuti niyang ipagpaliban ito at mamaya na lang niya gagawin pagkatapos ng trabaho.
Mabuti na lamang at mabait ang manager nila at hindi nito isinusumbong sa may-ari ang nangyayari sa kaniya. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin kilala ang may-ari ng shop na ito. Ilang buwan na siya rito pero ni isang clue ay wala siyang makita kung sino ang may-ari nito.