Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon nila sa oras na malaman nila kung anong klaseng pahamak talaga ang naghihintay sa mga ito. Ngayon ko pa lang narinig ang mga ganiyang klaseng paraan ng pagsara ng gate. "Naiintindihan kita kung bakit tila wala kang alam sa kung ano na ang nangyayari. Tama ang rinig mo, sa oras na hinayaan niyo lang ang gate na kusang magsara, may malaking posibilidad na makakalagas ang mga halimaw sa loob,"paliwanag ko, "Hindi pa kayo nakakapasok sa loob ng gate, tama?" Dahan-dahan naman itong tumango sa akin at gulat akong tinignan sa mga mata. Akala ko pa naman ay dahil nga sa malapit siya sa pinuno ng buong lugar, marami siyang alam sa mga nangyayari. Mukhang kahit siya ay wala ring ideya. "Oo. Kahit kailan ay hindi namin sinubok na pumasok sa lo

