Napakaraming tanong ang dumaan sa aking isipan. Hindi ko alam kung saan na ako magsisimula dahil sa sobrang dami nito. Saan ko ba sisimulan? Sa readings ba o tungkol sa system? Umiwas na lamang ako ng tingin at ibinaling ito sa labas ng bintana. Tamang-tama rin na umandar na ang sasakyan at tumahimik na si Leonor. Hindi na lang din ako umimik. Naguguluhan ang aking isipan. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula o kung ano ang dapat kong simulan masiyadong nakatuon ang aking isipan sa sinabi nito tungkol sa paraan ng pamumuhay nila. Kung totoo nga kagaya pa rin dati ang paraan ng kanilang pamumuhay, ibig sabihin ay hindi talaga sila apektado sa bagong system. Kung ganoon nga, bakit? Paano ito nangyari? May kinalaman ba ang readings na nabasa ko sa nangyayari? Hindi ako mapakali. Hin

