“Alam kong labas ako sa usapan niyong dalawa dahil isa lamang talaga akong dayuhan dito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magsalita. Matanda ka na, alam mo na ang tama at mali. At sigurado rin ako na alam mo na ginagawa lamang ito ng iyong ama para protektahan ka, hindi dahil gusto niyang itago ang mga bagay-bagay,”paliwanag ko at tinignan ito. Kitang-kita ko ang dahan-dahan na pagkunot ng kaniyang noo at sabay salubong ng kaniyang dalawang kilay. Hindi ko siya masisisi, alam kong iniisip lang din niya ano ba ang karapatan ko na magsalita? “Wala ako sa tamang katayuan para mangealam pero isa lang ang masasabi ko, sana naman ay tignan mo rin kung gaano na nahihirapan ang iyong ama sa pagtago nito. Kung kaya na naman niya ay sasabihin niya ito kaagad sa iyo,”dugtong ko at bum

