Kamusta na kaya si Mark? Ang alam ko lang ay wala na akong balita sa kaniya. Ngayon na paalis na ako sa lugar na ito at sigurado akong hindi ko na ito muli pang makikita ang taong iyon. Nais ko siyang makausap at sabihin sa kaniya ang lahat. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi nang maalala ko ito. "Ano na ngiti-ngiti mo riyan?" Asar ni Treyni, "Mag-impake ka na rin, hoy! Naku naman! Iba na yata epekto ni Nola sa iyo ah!" Masamang tinignan ko naman si Treyni sapagkat heto na naman po siya at nang-aasar. Tumatawang naglakad naman si Treyni papunta sa kaniyang kwarto, kakainis talaga ang babaeng 'yon, oo! Lumipas ang isang gabi at heto na kami sa harap ng bahay ni Treyni. Naghihintay sa mga kasama namin na kanina pa nahuhuli sa napag-usapang oras. Tanging ako, Nola, Sam at ang kaniyang

