Chapter 49

3011 Words

Isang tugtog na sobrang pamilyar sa akin ang aking pinapakinggan ngayon. "Sa tingin ko ay hindi naman yata iyan ang dahilan kung bakit sila naririto,"tugon ni Draco at napakamot sa kaniyang ulo, "Hindi ba, Kori?" "Ano naman ang kinalaman ni Kori sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Lauriel. "Hindi ba at may ginawang libreng paggagamot si Kori dito sa bayan natin?" Tanong ni Draco, tumango naman silang lahat habang nakatuon pa rin ang pansin sa susunod na saasabihin ni Draco, "Ayon sa aking nalaman ay kumalat daw ang balita na ito sa mga kalapit bayan. Kung kaya ay iyong mga nangangailangan ng tulong ni Kori ay pumupunta rito." "Hindi ba at iyong mga bayan na kalapit sa bayan na ito ay mga normal na tao lang?" Nagtatakang tanong ni Treyni. "Normal na tao?" Tanong ko. Ano ang ibig sabihin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD